UPDATED. Toni Gonzaga repromotes on Instagram Story controversial Bongbong Marcos interview

by Arniel C. Serato
Sep 18, 2021
Toni Gonzaga's interview with former Senator Bongbong Marcos for her Toni Talks web show on YouTube has generated almost four million views in five days.
PHOTO/S: Courtesy: Toni Gonzaga Studio on YouTube

Tikom pa rin ang bibig ni Toni Gonzaga tungkol sa sangkatutak na bashing na tinamo ng interview niya kay Bongbong Marcos.

Ayon sa mga netizens, naging daan ang Toni Talks, ang YouTube show ni Toni, para maipakalat ang "propaganda, whitewashing attempt, at misleading information" ni Bongbong.

September 13, 2021, in-upload ni Toni ang panayam nito sa natalong vice-presidential candidate noong 2016 elections.

Makalipas ang limang araw, meron na itong halos apat na milyong views.

Tikom man ang bibig ni Toni, sa Instagram Story ng singer-TV host kagabi, September 17, ibinahagi niya ang screenshot ng kanyang web show.

Mababasa rito na “#2 ON TRENDING” ang kanyang panayam kay Bongbong sa YouTube.

Wala siyang anumang caption maliban sa "SWIPE UP."

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon ay wala pa ring reaksiyon si Toni sa sandamukal na pang-aalipusta at pangungutya ng dismayadong netizens.

Sa loob kasi ng 28-minute interview niya kay Bongbong, hindi man inusisa ang mahahalagang isyu na kinasasangkutan ng pamilya Marcos.

Bagamat hiningi nito ang reaksiyon ni Bongbong sa mga pangyayari noong EDSA Revolution, hindi binanggit ang mga reklamong human-rights violations at plunder na hinarap ng administrasyon ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang ama ni Bongbong ay nanungkulan bilang Presidente sa loob ng 21 taon, mula 1965 hanggang 1986.

Tinaguriang diktador ang nakatatandang Marcos gawa ng batas militar na ipinatupad nito mula September 21, 1972 hanggang January 17, 1981.

Bagamat 1981 ang official lifting ng martial law, nanatili ang mga Presidential Decrees ni Marcos hanggang 1986.

Napatalsik ang diktadurya ni Marcos nang maganap ang makasaysayang EDSA Revolution o People Power noong February 1986.

Inilikas siya ng Estados Unidos papuntang Hawaii upang makaligtas sa poot ng mga taong dumagsa sa Malacañang.

Mula 1972 hanggang 1981, ayon sa 1982 report ng Amnesty International, 70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinorture, at 3,240 ang pinatay sa Pilipinas.

Ang Amnesty International ay isang non-profit global movement ng mahigit 7 milyong kataong nangangampanya para sa isang mundo kunsaan ang human rights ay tinatamasa ng lahat.

UPDATE: Samantala, kung naka-4.5 million views na si Toni sa kanyang Bongbong interview, ipinagpapalagay na nasa mahigit P900,000 ang kinita niya sa bawat 1 million YouTube users na kumumpleto ng 30 seconds na panonood ng ad ng video ng interview.


Ito marahil ang dahilan kung bakit, galit man ang maraming netizens sa kanya, ni-repromote pa niya ang nterview kay Bongbong makalipas ng ilang araw.

Tinataya ring walang kaso kay Toni ang mga pang-aalipusta dahil, sa personal na buhay, may koneksyon siya kay BBM. Si Bongbong ay ninong ng asawa ni Toni na si Paul Soriano.

HOT STORIES

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga's interview with former Senator Bongbong Marcos for her Toni Talks web show on YouTube has generated almost four million views in five days.
PHOTO/S: Courtesy: Toni Gonzaga Studio on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results