Pumanaw ngayong Linggo ng umaga, September 19, 2021, si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon "Dinky" Soliman.
Siya ay 68 taong gulang.
Complications mula sa renal and heart failure ang cause of death ng dating cabinet member.
Unang ibinalita ni Vice President Leni Robredo ang pagpanaw ni Soliman sa kanyang radio show na Biserbisyong Leni sa DZXL 558 kaninang 9:49 a.m.
Kasama niya show as host si Ely Saludar.
Sabi ni Vice President Leni, "Gusto ko lang... may napakalungkot na balita tayong natanggap ngayon, Eli, na si former DSWD Secretary Dinky Soliman, namayapa na ngayong umaga, Ka Ely.
"Alam mo Ka Ely, very, very close kami kay Sec. Dinky. Nung namatay yung asawa ko Ka Ely ay siya yung... hindi kami magkakilala pero siya yung pumunta sa Naga para samahan kami ng mga bata habang hinahanap pa yung katawan ng asawa ko.
"At nakakalungkot na balita yung pagpanaw niya. Napakabuting tao."
Bukod dito, binaggit din ni Vice President Leni kung paano itinuon ni Sec. Dinky ang kanyang buhay sa pagseserbisyo sa mahihirap, at sa pag-expand ng implementation ng cash aid para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Kinumpirma ng public-interest lawyer na si Hector Soliman sa Rappler ang pagpanaw ng kanyang asawa.
Humiling si Atty. Hector ng dasal at privacy ngayong nagluluksa ang kanilang pamilya.
Aniya, "We pray for the eternal repose of her soul. We will share details for the wake later, and ask that the family be given some time and privacy for grieving."
Nagsilbing DSWD Secretary si Dinky noong panahon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo mula January 20, 2001 hanggang July 8, 2005.
Nagbalik ito bilang DSWD Secretary sa panahon ng nayamapang dating pangulo na si Noynoy Aquino noong June 30, 2010 hanggang June 30, 2016.
