Mygz Molino recounts last moments of Mahal: "Naghahabol po ng hinga."

by Bernie V. Franco
Sep 20, 2021
After being silent for two weeks, indie actor Mygz Molino speaks up and recounts the last moments of Mahal leading to her death on August 31, 2021.
PHOTO/S: YouTube / @mygz.molino on Instagram

Idinetalye ng indie actor na si Mygz Molino, 35, ang mga huling araw at sandali ng diminutive comedienne na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.

Pumanaw si Mahal sa edad na 46 noong August 31, 2021.

Ayon sa kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero, “gastro illness” at COVID-19 ang dahilan ng pagkamatay ng komedyana.

Sa paglalahad naman ni Mygz, sinabi nitong ang diagnosis ng doktor sa pagkamatay ni Mahal ay “severe acute respiratory distress syndrome secondary to COVID-19.”

Si Mahal ay nakatira sa bahay nina Mygz sa Batangas nang dapuan ng karamdaman ang komedyana.

Si Mygz din ang nag-alaga kay Mahal at nagsugod sa kanya sa ospital nang hirap na ito sa paghinga.

Sina Mygz at Mahal ay magkaibigan na laging magkasama sa paggawa ng kani-kanilang vlogs.

Pero nang pumanaw si Mahal, hindi nagparamdam si Mygz sa social media.

Hindi rin nakadalo si Mygz sa libing ni Mahal noong September 6. Nagpadala na lamang ito ng liham na binasa sa araw ng libing.

Continue reading below ↓

Pero tinapos na ni Mygz ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng isang YouTube video na in-upload noong Sabado, September 18.

Dito ay inilahad ni Mygz kung paano nagkasakit si Mahal at iba pang detalye nang malagutan ito ng hininga.

Sa pagsisimula ng video, binanggit ni Mygz na kagagaling lang niya sa pagbisita sa puntod ni Mahal sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Quezon City.

“Sa mga hindi nakakaalam, na-quarantine po ako for fourteen days. Hindi po ako nakabisita kay Mahal,” banggit niya.

Ayon kay Mygz, “biglaan” at “hindi ko in-expect na ganoon yung mangyayari.”

THE START OF MAHAL'S AILMENT

Napansin daw ni Mygz ang pananamlay ni Mahal kasunod ng pagpanaw ng ama nitong si Romy Tesorero, 74, noong August 5, 2021.

Maging si Mygz ay nanibago raw kay Mahal.

Aniya, “Tahimik at minsan bigla na lang magsasalita tungkol sa papa niya. Dinamdam ni Mahal ang pagkawala ng papa niya.”

Hindi raw nakauwi si Mahal sa kanila dahil naka-lockdown noon ang National Capital Region.

Continue reading below ↓

“Nasa bahay nina Mahal yung abo ng papa niya," sabi ni Mygz.

Sa kuwento ni Mygz, lumalabas na wala pang isang linggo matapos dapuan ng sakit si Mahal ay binawian na ito ng buhay.

“August 25 to 26, nagkaroon po siya ng ubo. Nag-start po siya sa ubo, na normal naman po sa atin na magkaroon ng ubo.”

Pinainom daw niya ng Lagundi syrup ang kaibigan.

Pagsapit ng Biyernes, August 27, nilagnat si Mahal.

“Nagkaroon na po siya ng sinat. Nagkaroon na po siya ng lagnat.”

Pinainom naman ni Mygz si Mahal ng paracetamol three times a day.

“Kinabukasan [August 28], okay na daw po siya.

“Saturday [August 29], Sunday [August 30], maayos naman po yung kalagayan niya.

"Pero by that time na iyon, nasa sala lang po siya nakaupo. Nanonood. Naggi-games lang po siya," sabi ni Mygz.

Continue reading below ↓

Mygz and Mahal during their visit to Mura (right) in Guinobatan, Albay just a few weeks before Mahal's passing

Kapag niyayaya raw si Mahal ni Mygz at ng kanyang mga kapatid, mas gusto raw mapag-isa at magkulong sa kuwarto ng komedyana.

“Inisip ko po talaga masyado lang niya pong dinamdam ang pagkawala ng papa niya, at yun po yung nakapagbigay sa kanya ng stress, pag-iisip niya.”

Kinagabihan ng Linggo, August 29, dinapuan daw uli ng trangkaso si Mahal.

Kuwento ni Mygz, “Tinatanong ko po kung nawalan siya ng pang-amoy at saka ng panlasa.

“Sabi niya po, okay naman po yung pakiramdam po niya. May panlasa naman po siya. May pang-amoy naman daw po siya.

“Minsan nga po sinubukan na may ipakain sa kanya na hindi niya alam kung ano iyon. Nahulaan naman po niya.

“So, kampante po ako. Sabi ko nga po, hindi ito COVID.

"Wala po siyang symptoms na ganoon, pero nagkatrangkaso po siya at nagkaubo po siya."

Continue reading below ↓

Kinabukasan, August 30, Lunes, pumunta raw sa bahay ni Mygz ang manager ni Mahal.

Tumawag daw si Mahal sa kanyang manager at nagpapabili ng gamot.

“Yung last po na ano namin na checkup po sa doktor, doon po kumuha ng gamot para kay Mahal,” sabi ni Mygz, pero hindi niya binanggit kung kailan ang checkup na ito.

Kasunod nito ay nabanggit ni Mygz na may plema si Mahal.

“Hindi po niya kayang ilabas, hindi po siya marunong maglabas ng plema," aniya.

Ang ipinainom daw na gamot kay Mahal ay pampalabas ng plema na maisasama sa kanyang pagdumi.

Bandang lunch time daw iyon ng Lunes nang ipainom ang gamot kay Mahal. Inobserbahan daw ni Mygz at ng manager ni Mahal ang komedyana.

Patuloy ni Mygz, “Sa mga panahon na iyon po, kasi from time to time, lagi naming tinatanong si Mahal kung kamusta yung kalagayan niya...

"Kung okay ba siya, kung may nararamdaman ba siya, kung may masakit ba sa kanya.

Continue reading below ↓

"Sabi niya po, okay lang naman daw po siya at wala naman daw masakit sa kanya. Nilalagnat daw po siya mainit lang daw po siya."

Pagsapit ng gabi, in-inform daw ng manager ni Mahal ang “tita” ng komedyana tungkol sa kalagayan nito.

Hindi binanggit ni Mygz kung sinong "tita" ang tinutukoy niya, pero si Mahal ay may stepmother na nagngangalang Josefa Tesorero.

Gabi ng Lunes, sabi ni Mygz, “Okay naman po si Mahal. Nakatulog naman po siya, nakapagpahinga naman po siya.”

HOT STORIES

MAHAL'S DEATH

Hanggang madaling-araw ng August 31, ay inaabisuhan nila ang tita ni Mahal dahil from time to time ay kailangan nila ng consent nito para makakilos sina Mygz.

Sa puntong iyon ay naghahanda na raw sila ng oxygen.

“Para in case po na anuman ang mangyari, at least, may pang-reserve po kami na panlagay kay Mahal," sabi ni Mygz.

Umaga ng Martes, wala na raw sinat si Mahal, "Pero nagkakaroon po siya ng malamig na pawis."

Continue reading below ↓

Tinanong daw nila ang pakiramdam ng komedyana.

“Ang sabi naman, okay naman po. Naimik pa naman po, e. Okay naman daw po,” kuwento ni Mygz.

Kinabitan daw ng oxygen si Mahal nang napansin nilang naghahabol na ito ng hininga.

Nakatulong daw ito kay Mahal, pero naubos ang oxygen pagkalipas lamang ng ilang oras.

Nagpa-refill ng oxygen ang manager ni Mahal, ayon kay Mygz, “Para in case na maghabol po ng hininga si Mahal, may mailalagay po kay Mahal na oxygen.”

Nahihirapan daw ulit huminga si Mahal, kaya pagdating ng manager ng komedyana ay kinabitan agad ito ng oxygen at isinugod na sa malapit na ospital.

Sabi ni Mygz, “Ang mga ospital po kasi dito, medyo malayo po sa bayan. So, yung naisip po namin na ospital yung medyo malapit po dito sa banda sa amin.

“Dinala po namin dito sa malapit na ospital para bigyan po muna ng lunas si Mahal. Para pag naging okay okay po yung kalagayan niya, saka po namin ita-transer sa private hospital.

Continue reading below ↓

“Nung dinala po namin sa ospital, sabi ko po sa doktor, pagalingin nga po si Mahal, kasi naghahabol po ng hinga.”

Ang manager ni Mahal daw muna ang nagbantay sa komedyana, habang si Mygz ay nag-drive at nagpunta sa mga drug store para bilhin ang mga gamot na ipinabibili.

Nakabalik daw sa ospital si Mygz pagkalipas ng dalawang oras.

“Pagdating ko po, medyo okay-okay naman po si Mahal. Sabi, nagsu-survive naman po.

“Mga ilang oras lang din po [nakalipas], nagsabi nga po yung doktor 50-50 na nga po si Mahal.

“That time po kasi, lutang na ako, hindi ko na po alam kung ano yung mangyayari. Ayoko naman pong mag-isip ng negative, e.

“So, hindi ko po muna pinakinggan yung sinasabi ng doktor,” emosyunal na lahad ni Mygz.

Ang hinihiling daw ni Mygz noon ay bumuti ang kalagayan ni Mahal.

“So, ang kinausap na po ng doktor, si Manager nga po.

Continue reading below ↓

"And then, ang nakita nga po sa kanya, severe acute respiratory distress syndrome.

“Tapos mga ilang oras po, ayun, dineclare na po na wala na si Mahal. Bilis,” umiiyak na sabi ni Mygz.

MESSAGE FOR MAHAL

Sa kanyang vlog ay nagbigay ng mensahe si Mygz para kay Mahal.

Aniya, “Alam ko na masaya ka na ngayon dahil kasama mo si Papa dahil sabi mo nga, hintayin ka ni Papa.

“Pero ngayong sumama ka na sa kanya, alam kong masaya ka na.”

Pinasalamatan din ni Mygz si Mahal sa panahong nagkasama sila.

“Ang dami mong mga alaala na iniwan sa amin, sa akin.

“Iniisip na po namin na sa sobrang stress sa pag-iisip ni Mahal sa kanyang papa, iyon na po yung naging epekto sa kanya… maging komplikasyon sa kanya, sa kanyang katawan.

“Kumbaga, naging kumplikasyon niya yung ubo niya, yung plema niya, sa naging kalagayan niya.

“So, secondary to COVID daw po. Ayun nga po, naging resulta po COVID.”

Continue reading below ↓

September 2 nang i-cremate ang mga labi ni Mahal sa isang crematorium sa Batangas. Nailuwas ito sa Quezon City pabalik sa kanyang pamilya pagsapit ng gabi.

Inasikaso naman daw ni Mygz ang pagpapa-antigen at lumabas na negatibo ang resulta.

“And then, tumawag po ako sa LGU kung puwede nga po ako makalabas po. So, hindi nga po pinayagan sa LGU.

“Tinurnover kami sa barangay. Di na nga po kami nakalabas kasi isu-swab nga po uli kami.”

Muling nagpa-swab si Mygz pagsapit ng September 6 at lumabas na negative siya.

Dito na nagtapos ang video ni Mygz, na at this writing ay mayroon nang 2.7 million views.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After being silent for two weeks, indie actor Mygz Molino speaks up and recounts the last moments of Mahal leading to her death on August 31, 2021.
PHOTO/S: YouTube / @mygz.molino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results