Diminutive comedienne Mahal dies at 46

by Jojo Gabinete
Aug 31, 2021
Diminutive comedienne Mahal, Noeme Tesorero in real life, passed away this Tuesday, August 31. She was 46.
PHOTO/S: @mahal.tesorero on Instagram

Pumanaw ang diminutive comedienne na si Mahal, Noeme Tesorero sa tunay na buhay, ngayong alas-kuwatro ng hapon, Martes, August 31.

Siya ay 46 taong gulang.

Kinumpirma ng nakababata at U.S.-based sister ni Mahal na si Irene Tesorero sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagpanaw ng kanyang kapatid.

Ayon kay Irene, "gastro illness" at COVID-19 ang ikinamatay ni Mahal.

Binawian si Mahal sa isang ospital sa Batangas.

Kanina lamang daw natuklasang positibo siya sa coronavirus.

Namatay si Mahal sa naturang lalawigan dahil dinala siya ng kanyang kaibigang si Mygz Molino sa bayan ng Tanauan para dito manirahan.

Nabigla ang pamilya ni Mahal sa bilis ng mga pangyayari.

“Nasa Batangas siya, kay Mygz,” umiiyak na sabi ni Irene sa PEP.ph.

“Nandoon na sa Batangas ang kapatid ko na si Lany. Nang tawagan nila ako, nasa ospital na si Mahal.

"Namatay siya kaninang alas-kuwatro. May COVID siya at gastro.

“Meron din siyang pre-existing condition, may high blood pressure.

Continue reading below ↓

"Sa edad niya saka sa dwarfism niya, so far, talagang nasa high risk na siya ng COVID.

“Kanina lang nalaman na may COVID siya, hindi napa-test.

"Sabi ko sa kapatid ko, kay Lany, 'Wala nang sumbatan, iuwi mo na si Mahal sa atin.'"

Dagdag pa ni Irene, “Kamamatay lang ng tatay namin, dalawa na ang ililibing ko.

"Yung abo ni Papa, nasa bahay pa, tapos ngayon si Mahal."

Sumakabilang-buhay ang ama nina Mahal na si Romy Tesorero noong August 5, 2021, sa edad na 74.

Ayon pa kay Irene, “On the way na ang body ni Mahal sa cremation kasi hindi siya puwedeng i-travel sa Manila.

"Kailangan siyang i-cremate and then later, we will post yung wake niya kasi ang daming nagre-request na magpaalam sa kanya."

Hindi makakauwi si Irene para sa burol ni Mahal dahil nasa Cleveland, Ohio siya.

Lahad niya, “Lagi kaming nag-uusap ni Mahal pero last few days, hindi siya nagsabi na maysakit. Lahat sila itinago sa amin na may sakit si Mahal.

Continue reading below ↓

"Kanina lang sinabi nung malala na yung kalagayan ng kapatid ko. Kaya sabi ko, wala nang sumbatan.

"Iuwi na lang sa amin si Mahal..."

Labing-apat na taon nang naninirahan si Irene sa Amerika, may-ari siya ng restaurant sa Cleveland, ang Honeybees. May kapatid sila ni Mahal na pulis na nakadestino sa Palawan.

Maayos ang pamumuhay ng pamilya ni Mahal, at kayang-kaya itong buhayin ng kanyang mga kapatid pero siya lang daw talaga ang may gusto na magtrabaho.

Isinilang si Mahal noong December 29, 1974. Ipagdiriwang sana niya ang kanyang ika-47 kaarawan ngayong taon.

HOT STORIES

FELLOW CELEBRITIES MOURN MAHAL'S DEATH

Bumuhos kaagad ang pakikiramay mula sa mga kasamahan ni Mahal sa industriya gaya nina Rosanna Roces, Inday Garutay, at Brenda Mage.

Pagbabalita ni Rosanna (Jennifer Cruz Adriano) sa kanyang Facebook, "Pumanaw na po si Mahal. Aka noeme tesorero..isang napakalungkot na Balita [crying emojis] salamat sa pagkakataong makasama at maka trabaho ka. Uwi ka na kay Lord Mahal."

Continue reading below ↓

Mensahe ni Inday Garutay: "Paalam Mahal Noemi Tesorero. Salamat sa Friendship. Mamimiss kita."


Continue reading below ↓

Malungkot ding mensahe ni Brenda Mage, "2years din kita nakasama sa bahay at naging Alalay mo sa mga out of town shows mo... araw araw araw gabi gabi magkakasama...

"Ang tapang mo para umabot ng ganyang Edad sa kalagayan mo…Bago ka nawala nakagawa ka pa ng napakabuting gawain sa partner mong si Mura…

"Mahal ka ng lahat… Mahal ka namin MAHAL…. pahinga na aming Munting MAHAL….. NOEMI TESORERO MAY YOU REST IN PEACE"


Continue reading below ↓

Nito lamang Agosto ay dinalaw pa nina Mahal at Mygz Molino si Mura, ang kapwa komedyante ni Mahal na nakatira na ngayon sa Guinobatan, Albay.

Kahapon, August 30, ay in-upload pa ni Mygz ang latest vlog nila ni Mahal sa YouTube.

Ang huling teleserye ni Mahal ay ang Owe My Love (February to June 2021).

Nag-guest din siya sa isang episode ng Dear Uge kasama ang bagong Kapuso na si Pokwang.

Ang huling TV appearance ni Mahal ay sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan itinampok ang pagbisita niya kay Mura.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diminutive comedienne Mahal, Noeme Tesorero in real life, passed away this Tuesday, August 31. She was 46.
PHOTO/S: @mahal.tesorero on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results