Watch Now

Kim Chiu draws flak for her opinion about cheating; fans defend her statement

by Rachelle Siazon
Sep 20, 2021
Netizens weigh in on Kim Chiu speaking her mind about why cheating happens in a relationship, "Baka bubukas yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya."
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram

Nag-trend si Kim Chiu sa Twitter dahil sa mga binitiwan niyang salita sa Kapamilya noontime show na It's Showtime ngayong Lunes, September 20.

Isa na rito ay ang opinyon niya tungkol sa isang problema sa pag-ibig ng isang contestant sa "Reina ng Tahanan" segment ng programa.

Na-record ng netizens ang bahagi ng komento ni Kim kunsaan sinabi niya: "Baka magtsi-cheat kung hindi siya naging masaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ano, 'no?" bahagyang nasopresang tanong ni Vice Ganda kay Kim.

Ulit ni Kim, "Baka bubukas yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya."

Hindi malinaw kung ano ang eksaktong sitwasyon ng contestant.

Pero base sa video, kinontra ni Vice ang pahayag ni Kim tungkol sa cheating.

Ayon kay Vice, walang sapat na dahilan para manloko ng karelasyon ang isang tao.

Diin ni Vice: "Again, Kim Chiu, there's no acceptable reason for cheating.

"Masaya ka o di ka masaya, walang kaso yun. Di ka maaabswelto dun. 'E, kasi hindi siya masaya kaya abswelto.' Walang ganun."

Hindi ito nakaligtas sa mapanuring netizens na ni-repost sa Twitter ang video clip na may kalakip ng mga binitawang salita ni Kim.

Dismayado ang ilan sa kanila dahil sablay raw ang komento ng actress-TV host.

Mabuti na lang daw at nasalo agad ni Vice kung ano ang tamang pagtingin sa isyu ng cheating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT KIM PREVIOUSLY SAID ABOUT CHEATING

Katuwiran pa ng ibang fans ng It's Showtime, hindi ito ang unang pagkakataong wala raw sa hulog ang komento ni Kim tungkol sa cheating at si Vice ang nagbigay ng konteksto sa usapan.

May nag-repost ng video clip kunsaan sina Vice at Kim ang nakasalang na co-hosts sa "Reina ng Tahanan" segment sa It's Showtime noong June 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento ng contestant na nahuli niya ang kanyang partner na may kasamang ibang babae sa tirahan nilang bahay.

Komento ni Kim, "May something sa babae din. Nasa babae din, nasa tamang harot din lang 'yan. Kasi ang lalaki, mahina. Marupok sa harot na tinatawag. Tama?"

Sagot ni Vice, "So, may kasalanan yung babae, hindi ang lalaki?"

Singit ng contestant, "Yes po, agree ako."

Katuwiran ni Vice, "Hindi. Hindi mo puwedeng isisi [lang sa babae]. Pareho silang malandi. It takes two to tango. Di makakasayaw iyan kung walang partner."

Saad ni Kim, "Sabagay."

Dagdag ni Vice, "Actually, hindi nga yung babae ang nanloko sa 'yo kasi wala siyang obligasyon sa 'yo. Wala kayong usapan.

"Ang may obligasyon sa 'yo yung lalaki kasi kayo ang may pagkakaunawaan..."

Pero idiniin ni Kim na may kasalanan ang babaeng nanlandi sa partner ng contestant.

"Bakit pupunta sa bahay yung babae sa bahay nung lalaki at nung kinakasama? Dapat di siya pumunta dun. Attorney mo ako," sabi pa ni Kim sa contestant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit pa rin ni Vice, "Kumbaga sa krimen, bakit isa lang ang may accountability? Dalawa silang may accountability."

HOT STORIES

KIM'S DEFENDERS

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din kay Kim na hindi lang nito naipaliwanag nang maayos ang nais nitong ipunto kung bakit nagkakaroon ng cheating sa isang relasyon.

Pinayuhan din nila ang aktres na maging maingat sa salita sa susunod para hindi raw ito mahanapan ng butas ng detractors nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Deadma naman ang ibang fans sa pambabatikos kay Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw kung nakarating na kay Kim ang batikos ng ibang netizens.

Pero nagkomento siya sa isang tweet ng fan na nagsabing sadyang inaabangan ang anumang lalabas sa bibig ni Kim sa It's Showtime.

Natawa si Kim at nag-tweet ng kanyang pagbati sa netizens. Aniya, "HELLOW POWZ!!!!!!"




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens weigh in on Kim Chiu speaking her mind about why cheating happens in a relationship, "Baka bubukas yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya."
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results