PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Nicdao clarifies relationship status with Bree Jonson

Mark Nicdao answers netizens' queries about who Bree Jonson is in his life.
by Rachelle Siazon
Published Sep 24, 2021
Celebrity photographer Mark Nicdao on depth of friendship with the late artist Bree Jonson: "I failed in all my past girlfriends. I failed being the best for them.. Bree healed all that sadness thru art, books, writers, movies and music. I did not pursue her bec im afraid ill just fail. Our friendship healed alot of my shit."
PHOTO/S: @markednicdao Instagram

Mariing pinabulaanan ng celebrity photographer na si Mark Nicdao ang espekulasyong karelasyon niya ang pumanaw na si Bree Jonson.

Si Bree ay ang 30-year-old artist na natagpuang walang buhay sa loob ng kuwarto nito sa isang resort sa La Union, noong Sabado ng madaling-araw, September 18.

Asphyxia ang ikinamatay ni Bree.

Noong Lunes, September 20, unang nailathala sa online news site ang tungkol sa misteryosong pagpanaw ng artist.

Kasabay nito ay nakaagaw ng pansin ang sunud-sunod na pag-post ni Mark sa Instagram ng mga litrato at video nila ni Bree.

Makikita rito ang bonding nilang dalawa sa art studio ni Bree, ang pagbabakasyon nila sa beach, at ibang masasayang alaala nilang magkasama.

Dahil dito ay maraming netizens ang napaisip kung nobya ba ni Mark si Bree dahil madalas na dalawa lang sila sa mga litratong ipinost ni Mark.

MARK SAYS BREE IS HIS TEACHER AND BEST FRIEND

Nitong Huwebes, September 23, binigyang linaw ni Mark kung sino si Bree sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi sa caption ng Instagram post ng in-demand photographer (published as is): "To clarify Bree is my Teacher and Bestfriend.

"Were not lovers but what we have is more powerful than all those labels."

Ni hindi raw niya niligawan ang dalagang pintor na itinuturing niyang matalik na kaibigan.

"I failed in all my past girlfriends. I failed being the best for them..

"Bree healed all that sadness thru art, books, writers, movies and music.

"I did not pursue her bec im afraid ill just fail. Our friendship healed alot of my shit."

Hindi raw maintindihan ni Mark kung bakit nabigyan ng malisya ang magandang samahan nila ni Bree.

Dagdag niya (published as is): "Hug your cherished loved one as much as you can.

"And please can we be kind.. …i dont know anymore how to handle this.

"Im begging everyone. Stop commenting malicious things here. It not helping me cope.."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Apela pa niya, "I hope this is enough for all of you. Peace."


Sa Instagram posts ni Mark, naging bukas siya sa pagsasabi na itinuturing niyang "master" si Bree dahil ito ang nagbigay ng inspirasyon at kumpiyansa sa kanya para pasukin ang pagpinta.

Marami sa mga kaibigang artista ni Mark ang nagpaabot ng condolences dahil sa matinding pagdadalamhati niya sa pagkawala ng dalagang pintor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BREE'S BOYFRIEND

Samantala, sinasabing ang boyfriend ni Bree ay si Julian Ongpin.

Si Julian ay ang angel investor at art patron na huling nakasama ng dalaga.

Magkasama silang nag-check in sa resort sa La Union noong gabi ng Biyernes, September 17, 2021.

Ayon sa police reports, madaling-araw ng Sabado, September 18, nang respondehan nila ang insidenteng isinumbong ni Julian na diumano'y pagkitil ni Bree sa sariling buhay.

Sa panayam ng ANC noong Lunes, September 20, idinetalye ng ina ni Bree na si Salome "Sally" Jonson na isang malapit na kaibigan ni Bree ang nagpaabot sa kanya ng balitang pumanaw na ang pintor na anak.

Ang kaibigan din ni Bree ang nagsabi kay Sally na si Julian ay "Bree's boyfriend."

Inamin ni Sally na noon lang niya nalamang may boyfriend si Bree dahil wala raw itong naikuwento sa kanya.

Hindi rin daw nababanggit ni Bree sa kanya si Julian kaya hindi niya ito kilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na panayam ng ANC noong Miyerkules, September 22, sinabi ni Police Regional Office 1 Brigadier General Emmanuel Peralta na magkasintahan ang turing ng pulisya kina Bree at Julian.

Nang tanungin kung binanggit mismo ni Julian kung nobya niya si Bree, hindi ito diretsong nasagot ni Peralta dahil hindi raw niya alam kung ano ang eksaktong mga katanungan ng imbestigador kay Julian sa aspetong ito.

ALLEGATIONS SURROUNDING BREE'S DEATH

Sa salaysay ni Julian sa pulisya, sinasabi niyang kinitil ni Bree ang sariling buhay.

Kinikuwestiyon ito ng kampo ni Bree kaya't nag-request ang pamilya Jonson at mga abogado nito ng second autopsy na isinagawa ng National Bureau of Investigation.

Natapos ang second autopsy noong Huwebes, September 23, pero hindi pa inuulat ng pulisya ang resulta nito.

Hindi pa rin sinasabi ng pulisya kung ano ang resulta ng hispathological report mula sa first autopsy na isinagawa noong Lunes, September 20.

Wala pang conclusive report ang pulisya kung ano ang nag-trigger ng asphyxia o kawalan ng sapat na oxygen na lumabas na cause of death ni Bree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity photographer Mark Nicdao on depth of friendship with the late artist Bree Jonson: "I failed in all my past girlfriends. I failed being the best for them.. Bree healed all that sadness thru art, books, writers, movies and music. I did not pursue her bec im afraid ill just fail. Our friendship healed alot of my shit."
PHOTO/S: @markednicdao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results