PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Misalucha mourns death of grandson

Lani Misalucha: "You cannot blame anyone and you cannot even ask God why."
by Arniel C. Serato
Published Sep 29, 2021
Asia's Nightingale Lani Misalucha: "Just continue to be grateful because you still have the strength to walk and have this opportunity to work… be grateful, every single day of your life.”
PHOTO/S: Courtesy: @lanimisalucha on Instagram

Mag-iisang taon na ngayong Oktbure mula nang dumaan sa matinding pagsubok ang Asia's Nightingale n si Lani Misalucha at asawa niyang si Noli Misalucha.

October 2020, dinapuan ang mag-asawa ng bacterial meningitis at magkasunod silang isinugod sa ICU ng isang ospital.

Nakaramdam sila pareho ng pananakit ng buong katawan, matinding sakit ng ulo, pagkahilo, at panghihina ng pandinig.

Ayon sa ulat ng GMA News online kagabi, September 28, may panibagong kalbaryo na namang sinuong ang pamilya ng singer—ang pagkamatay ng kanyang apo.

Pagtatapat ni Lani: “I lost a grandson. 'Yan talaga ang di ko mati-take, na makita ko na they were in the hospital.”

Ayon pa sa singer, kakayanin niya ang mga pagsubok na darating sa kanila pero hindi ang sa kanyang babaeng anak na namatayan ng supling.

“Okay na sa akin yung nagkasakit kami, nakayanan namin yun, nalagpasan namin yun.

"Yung image sa akin na hindi ko mabura sa utak ko, yung my daughter is in a hospital bed and she has her son in her arms na wala na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw pa ni Lani, “Yung mga ganun na ang dami nangyayari talaga noong 2020. Ang dami kong kaibigan na nawala rin.”

PERMANENT HEARING LOSS?

Ngayong lumipas na ang isang taon ukol sa ininda nilang karamdaman ng kanyang mister, kutob ni Lani ay magiging permanente na ang kanyang pagkabingi.

Sinabihan daw sila ng doktor noon na magkakaroon ng unti-unting paggaling ang kanilang pandinig ngunit, “’yung changes nag-worsen.”

Aniya, “Hindi balanced yung pandinig ko, so wala na ring balance sa brain mo. Kumbaga, nawala yung equilibrium.”

Sa unang pagkakataon, sinabi rin ni Lani na isang buwan bago sila maospital noon, dumaan sa triple bypass surgery ang asawa niyang si Noli.

“Out of nowhere, na hindi ko akalain na mangyayari. So, parang, 'Ha? Heart attack, e, napakametikuloso niya sa kanyang health?'”

Paano siya nagku-cope sa sitwasyong pinagdaanan?

Ayon kay Lani, kailangan na lang itong unti-unting tanggapin.

Dagdag niya, “You cannot blame anyone and you cannot even ask God why all of these are happening.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga dahilan at rason daw kung bakit nila ito naranasan, “and we’re gonna find the reason why.”

Saad pa ni Lani, “Just rely on God’s purpose for you... use it as something that would make you stronger.”

Nagpapasalamat sila na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa sila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Pagtatapos niya, “Ang pinakaimportante, eto pa rin, nakakalakad pa rin.

"And despite of the disability na iniwan sa amin ng bacterial meningitis na ito, e, gawaan mo na lang ng paraan.

“Just continue to be grateful because you still have the strength to walk and have this opportunity to work… be grateful, every single day of your life.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Nightingale Lani Misalucha: "Just continue to be grateful because you still have the strength to walk and have this opportunity to work… be grateful, every single day of your life.”
PHOTO/S: Courtesy: @lanimisalucha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results