KC Montero calls pageant fans "the most supportive and meanest"

by Bernie V. Franco
Oct 1, 2021
For the second consecutive year, KC Montero hosted this year's Miss Universe Philippines grand coronation night. And just like last year, KC is once again dragged into another issue.
PHOTO/S: @kcmontero on Instagram

Nagpatutsada si KC Montero sa pageant fans kaugnay ng pagiging host niya ng Miss Universe Philippines 2021 grand coronation night nitong September 30, 2021.

Isa si KC sa mga nag-trending sa kasagsagan ng pageant.

Ang dahilan: mixed reactions ang natanggap ng Filipino-American TV host dahil sa pagho-host niya.

Tweet ni KC: "Hows my energy? Charot.”

Halatang patutsada ito ni KC sa komento ng ilang viewers tungkol sa kanyang paghu-host, pati na rin ang mga kasama niyang hosts sa gabi ng koronasyon.

Pinuna ng ibang pageant fans ang paghu-host ng Miss Universe Philippines 2020 titleholders na sina Maria Ysabella Ismael (first runner-up), Michele Gumabao (second runner-up), Pauline Amelinckx (third runner-up), at Billie Hakenson (fourth runner-up).

Ang apat ang nagsilbing backstage hosts ng pageant. Kinulang din daw ang apat ng “energy.”

Nag-joke pa ang ibang netizens na tila naging inspirasyon nina KC at Miss Universe Philippines 2020 queens si Miss Universe 2012 Olivia Culpo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-trending si Olivia nang mag-host siya ng Miss Universe 2020 pageant dahil sa kawalan daw nito ng energy bilang host.

Ito marahil ang dahilan sa sumunod na tweet ni KC.

Aniya, “Pageant fans can be the most supportive and meanest fans I’ve ever encountered.”

Hindi na bago ang obserbasyon na ang Filipino pageant fans ay ang best supporters at worst critics.

For the second consecutive year, si KC ang naging main host ng Miss Universe Philippines.

Kahit noong nakaraang taon ay pinuna ang pagho-host ni KC.

Inakusahan siyang binastos umano si Pauline sa question-and-answer portion last year.

Pinagbasehan kasi ng netizens ang edited video ng pag-uusap nina KC at Pauline sa Q & A portion.

Itinanggi naman nina KC at Pauline na may katotohanan ang paratang na iyon.

Naisyu rin si KC last year dahil sa kanyang tweets para lituhin ang pageant fans dahil sa pangambang ma-preempt ang pre-recorded finals night.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KC SHOWS SUPPORT TO KISSES

Samantala, nagbigay rin ng words of encouragement si KC kay Kisses Delavin, na umabot sa Top 10.

Pinayuhan niya si Kisses na huwag isuko ang kanyang pangarap kahit hindi niya naiuwi ang korona.

Tweet ni KC: “Kisses, I know how bad you wanted this. Don’t give up on your dreams.”

Si Kisses, na isa sa fan favorites, ay very vocal sa pagsasabing pangarap niyang maging Miss Universe.

Ikinatuwa naman ng supporters ni Kisses ang pagiging supportive ni KC sa young actress.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For the second consecutive year, KC Montero hosted this year's Miss Universe Philippines grand coronation night. And just like last year, KC is once again dragged into another issue.
PHOTO/S: @kcmontero on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results