Hindi nakaligtas sa mga mapagmasid na netizens at mga “Marites” ang pagsisiwalat ni Dra. Vicki Belo tungkol sa dalawang Miss Universe Philippines 2021 candidates na lumabag umano sa pageant rules.
“Marites” ang coined term na ang ibig sabihin ay “chismosa.”
Isa si Dra. Vicki sa limang hurado sa grand coronation ng national pageant na ginanap nitong Huwebes ng gabi, September 30.
Sa kanyang Instagram Story, binanggit ng celebrity doctor ang tungkol sa dalawang kandidatang nagka-COVID-19 kaya hindi nakasali sa grand coronation, at ang tungkol sa dalawang rule breakers umano.
Maririnig si Vicki sa video: “Two people from this contest tested positive [of COVID-19]. So, two candidates were out.
“Basta it has been very difficult. We had to wear masks. Sayang naman ang outfit ko, hindi bagay si mask.”
Sabi pa niya, “Naku, I have chismis for you. Two candidates broke the rules kanina, and had their makeup done somewhere else.
“But I can’t tell you who they are. Although, it’s not good breaking rules.”
Sa pageant rule, ang Miss Universe Philippines Organization ang nagde-designate ng make-up artists sa candidates.
Naging isyu rin ito last year nang magkaroon ng akusasyong may ilang kandidata umano ang may bitbit na sariling glam team.
"NEW SANDRA LEMONON"
Nakakaaliw naman ang ilang komento ng netizens sa “chismis” na inilabas ni Dra. Vicki.
Tweet ng iba, gusto nilang kaibiganin si Dra. Vicki para may masagap silang chismis tungkol sa pageant.
Verdict naman ng ibang netizens, si Vicki ang tagapagmana ng korona ni Sandra Lemonon.




Si Sandra ay isa sa Top 16 candidates ng Miss Universe Philippines 2020.
Naging kontrobersiyal siya dahil matapos lumabas ang resulta, sunud-sunod ang posts niya sa Instagram at nagbanta pang mag-i-“spill the tea” siya tungkol sa pageant.
“Spill the tea” ang phrase na ibig sabihin ay maglabas ng gossip o chismis.
Akusasuon ni Sandra, nagkaroon umano ng dayaan sa national pageant last year.
