PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhen Escaño fed up with netizens "shaming" her because of braless outfit

"It makes no sense that not wearing a bra is unprofessional."
Published Oct 6, 2021
Rhen Escaño on netizens making a big deal of her braless outfit (not in photo) on her IG Stories: "Pag boobs ng babae ang nakikita, bastos agad. Pero pag lalaki nag topless, kita boobs, ok lang. Let’s normalize going bra-less ‘cause there is nothing wrong with it. Like if you see my nipples then you’re welcome. Everyone has nipples at okay lang yan guys wag mag panic."
PHOTO/S: @realrhen Instagram

Ubos na ang pasensya ni Rhen Escaño sa netizens na hinihiya raw siya dahil sa suot niyang braless outfit.

Aniya, "Ang pasensya ko parang dinosaur. May dinosaur pa ba?"

Kahapon, October 5, ipinakita ni Rhen na marami siyang natatanggap na mensahe mula sa netizens na nagsabing may "nip slip" daw sa kanyang video post sa Instagram Stories.

Pinabubura ng mga ito kay Rhen ang kanyang IG post, kunsaan nakasuot siya ng low-neckline white top.

May iba sa mga ito ang nag-alala na baka pagpiyestahan daw ang "nip slip" niya.

Kung susuriin ang screenshot ni Rhen, tila hindi naman nahubaran ang aktres at nagkataong wala lamang itong suot na bra.

Ipinagtaka naman ni Rhen kung bakit daw kahiya-hiya o namamalisyahan sa braless outfit.

Sa kanyang Instagram post, ipinunto niya na hindi dapat isyu ang hindi pagsuot ng bra ng isang babae.

Pahayag ni Rhen: "HOW ABOUT LET’S NORMALIZE NOT WEARING BRAS AND NOT GETTING SHAMED OR SEXUALIZED? (•)(•)

"No one should ever have to wear a bra to be considered appropriate and we certainly should not face harassment or sexualization for not wearing one.

"It makes no sense that not wearing a bra is unprofessional.

"If we weren’t so obsessed with over sexualizing women we wouldn’t have to put our boobs in jail for 8+ hours everyday.

"Women have the right to make their own choices on what to do with their bodies and that includes having the right to choose what to wear."

Sana raw ay hindi pagmulan ng pambabastos sakaling piliin ng isang babae na hindi mag-bra.

"Bakit nga ulit ganon?

"Pag boobs ng babae ang nakikita, bastos agad. Pero pag lalaki nag topless, kita boobs, ok lang.

"Let’s normalize going bra-less ‘cause there is nothing wrong with it. Like if you see my nipples then you’re welcome.

"Everyone has nipples at okay lang yan guys wag mag panic."

Gumamit si Rhen ng hashtags na "#LeaveMyNipplesAlone" at "#LetThemOutSis."

NETIZEN TELLS RHEN TO ACT RESPONSIBLY

Ipinakita rin ni Rhen ang opinyon ng isang netizen na kontra sa pananaw niya na i-normalize ang hindi pagsuot ng bra ng mga kababaihan.

Hindi rin daw dapat iengganyo ang kabataan na maging normal sa paningin nila ang masyadong revealing na pananamit na "papunta na sa nudity."

Sabi ng netizen: "Wag po tayo padalos-dalos. isipin po natin kung anong magiging epekto ng ganitong normalization sa hinaharap, lalo na sa kabataan.

Ngayung panahon, ang mga ninonormalize na ay papunta na sa nudity. Ito po ay nakakabahala. Maging magandang instrumento at modelo po tayo sa iba.

RHEN insists "KATAWAN KO ITO"

Pero pinanindigan ni Rhen ang pananaw niya sa kanyang pananamit at pangagatawan.

Aniya, "Hello. Hindi dapat society ang nag dedesisyon kung ano ang gagawin at dapat ipakita ng isang 'babae'.

"Pumunta ka sa EDSA, bilangin mo kung ilang lalaki ang naka topless sa mga billboards.

Bakit wala kang issue sa 'nudity' nila?

"Bilang babae, katawan ko ito at ako ang mag dedesisyon kung ano ang gagawin sa katawan ko.

"Ang pangit na epekto sa mga kabataan ay yung tinuturo sa kanila na 'bastos' ang katawan ng isang babae."

Naglagay din siya ng hashtags #endmysogyny" na ibig sabihin ay tigilan na ang diskriminasyon sa mga kababahaihan.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhen Escaño on netizens making a big deal of her braless outfit (not in photo) on her IG Stories: "Pag boobs ng babae ang nakikita, bastos agad. Pero pag lalaki nag topless, kita boobs, ok lang. Let’s normalize going bra-less ‘cause there is nothing wrong with it. Like if you see my nipples then you’re welcome. Everyone has nipples at okay lang yan guys wag mag panic."
PHOTO/S: @realrhen Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results