PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew E. says he has a line-up of election campaign projects

"Sa digital mawi-witness ngayong pandemic na ito ang galaw ng isang pulitiko."
by PEP Troika
Published Oct 7, 2021
Abala pa si Andrew E. sa promo ng pelikulang Shoot! Shoot! kasama sina AJ Raval at Sunshine Guimary. Pero aariba rin daw siya sa mga gagawing proyekto para sa 2022 elections.
PHOTO/S: @andrewe_dongalo Instagram

GORGY RULA

Ngayong ikinakasa na ang pangangampanya ng mga tatakbong kandidato sa 2022 elections, ang isa sa pinag-uusapan ng performers ay kung tuloy pa rin ang raket nila sa mga kampanya.

Iba na ngayon dahil sa pandemic, malilimitahan ang gatherings na magagamit ang live performers, gaya ng mga artista, singers, stand-up comedians, at marami pa.

Isa sa malakas kapag campaign period ay si Andrew E.

Magaling naman kasi talagang mag-perform si Andrew E. at kaya niyang mag-ipon ng tao sa campaign sorties.

Pero sabi ni Andrew E., iba na ngayon dahil karamihan ay idinadaan na sa digital o online. Analog versus digital na raw ang labanan.

"Yung bagay na yun ay analog, e, ngayon ay digital," pahayag ng actor-rapper nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang linggo.

"Ang gagawin ngayon ng mga pulitiko ay makipagkita sa mga tao in digital form.

"Iyon ang unang phase, o maybe hanggang sa gitnang phase ng kanilang election campaign ay makipagkita at makipagniig sila sa pamamagitan ng digital form."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-aaralan na raw ito ngayon ni Andrew E. kahit hindi pa puwede ang face-to-face na event.

"Sa digital form naman ay pasok pa rin naman tayo. Basta kailangan mo sa digital form ay jingle.

"Iyon ang unang kailangan mo… ako ang unang gumagawa ng jingle, e,” pakli ni Andrew E.

May mga kumukuha na sa kanya para igawa ang mga kandidatong ito ng jingle.

Lahad pa ni Andrew E., "Napakarami na po ang nakapila. Except, plus and plus, digital form. So, jingle and maybe social media. And maybe sa panig ng digital arts o digital streaming.

"Kaya mawi-witness ngayong pandemic na ito ang galaw ng isang pulitiko sa pamamagitan ng unang tinatawag nating first phase, na ano ang magiging movement nila..."

Inaasahang magiging visible daw ang mga kandidato sa digital platforms.

Paliwanag niya: "Siyempre, ang una diyan, jingle, i-introduce niya ang sarili niya. Pangalawa, sino ang magtataas ng kamay niya in digital form. Yun pa rin, just the same.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi naman iyun tataas sa TV, itataas yun sa social media.

"And then, yung billboards, paramihan naman yun sa social media outlets, di ba? Parang paramihan tayo ng bakod na palalagyan ng banner, paramihan naman tayo ng social page na malalagyan ng mukha ko, di ba?

"Yung mga reminder na ganun. Wala namang pagkakaiba. Only in digital form."

Sa ngayon, aligaga pa ang rapper-comedian sa promo ng pelikula niyang Shoot! Shoot! na mag-i-streaming na sa Vivamax simula sa October 8.

JERRY OLEA

Leading ladies ni Andrew E sina AJ Raval at Sunshine Guimary.

Shoot na shoot sa promo ng movie ang pakikipagmabutihan ni AJ kay Aljur Abrenica.

Nagdidribol-dribol ang mga sitsit at sutsot sa Instagram post ng ex ni AJ na si Axl Torres ng lyrics ng kantang "Numb."

NOEL FERRER

Sad to say, parang hindi entertainment ang priority ng mga tao ngayong pandemya. Mahirap magpatawa kapag naghihirap at walang makain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marahil, ang responsibilidad ng mga entertainers like Andrew E. ay mag-alay ng entertainment na hindi pantakas sa kinasasadlakan natin—pero isang pagpapamulat —kahit awitan man o tawanan.

'Yan ang hamon sa entertainers natin ngayon. We can’t stick to the old song-and-dance at comedy routine. Level up din dapat, kumbaga.

Iba na ang labanan ngayon, lalo na online… lalo na sa mga maraming bagong botante ngayon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Abala pa si Andrew E. sa promo ng pelikulang Shoot! Shoot! kasama sina AJ Raval at Sunshine Guimary. Pero aariba rin daw siya sa mga gagawing proyekto para sa 2022 elections.
PHOTO/S: @andrewe_dongalo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results