AJ Raval and Aljur Abrenica more PDA moments go viral; Aljur spotted at AJ's Pampanga home

by Rachelle Siazon
Oct 7, 2021
AJ Raval and Aljur Abrenica make no secret of their blossoming romance as they were seen shopping together at a mall. Aljur is also seen visiting AJ at her family home in San Fernando, Pampanga.
PHOTO/S: CTTO

Usap-usapan sa social media ang namumuong relasyon sa pagitan nina AJ Raval, 21, at Aljur Abrenica, 31.

Ito ay matapos kumpirmahin ni AJ sa PEP Live na nanliligaw sa kanya si Aljur at kinikilala niya ito bilang potential boyfriend.

"We understand each other. We care for each other," sabi pa ni AJ sa online show ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 5.

Mahihinuhang may pagkakaintindihan nga ang dalawa dahil napatili sa kilig si AJ nang mapag-usapan si Aljur.

Nasundan ito ng pagkalat ng videos at photos nina AJ at Aljur nang sila ay mag-shopping sa isang mall.

Bukod sa litrato nilang magka-holding hands, viral na rin ang iba pa nilang public display of affection o PDA moments.

May isang video kunsaan halos hindi sila mapaghiwalay dahil nakaakbay si Aljur kay AJ, at si AJ ay nakayakap sa bewang ni Aljur habang sila ay naglalakad sa mall.

Continue reading below ↓

Malinaw na hindi rin inililihim ng dalawa ang paglabas nila.

Kahit naka-face mask si Aljur ay halata sa tindig, tikas ng pangangatawan, kayumangging kulay, at mga mata nito na siya nga iyon.

Gayundin si AJ na kapansin-pansin ang mahabang buhok at maputing kulay ng balat.

Nakilala rin sila ng ibang shoppers sa mall na napapatingin sa gawi nila, at isa sa mga ito ay nagpakuha pa ng litrato sa kanila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

SHOPPING TOGETHER

Nakunan din ang pamimili nila sa isang toy store.

Makikita si AJ na nagtutulak ng shopping cart na may lamang shopping bags.

Pagdating sa cashier, magkatabi sina AJ at Aljur nang mapansin nilang kinukunan sila ng paparrazi shot ng isang netizen sa may di kalayuan.

Makikita sa kuha ng video na napatingin pareho sina AJ at Aljur sa kung sinuman ang netizen na may gawa nito.

Continue reading below ↓

Tila sumenyas si AJ na itigil ang pagkuha ng paparazzi shot sa kanila ni Aljur.

Deadma naman si Aljur na itinuon ang atensiyon sa binabayaran nila sa counter.

ALJUR AT AJ'S HOME IN PAMPANGA

Kumalat din sa social media ang litrato ni Aljur na kuha sa gate ng bahay ng pamilya ni AJ sa San Fernando, Pampanga.

Continue reading below ↓

Kasama ni Aljur ang isang lalaking tila nagpapiktyur sa kanya roon.

May kuha rin ang di kilalang lalaki kasama si AJ sa may kalsada sa tapat ng bahay ng dalaga.

Continue reading below ↓

Hindi maikakailang bahay iyon ni AJ dahil minsan nang nag-post ang sexy actress ng litrato kasama ng amang si Jeric Raval sa tapat ng kanilang puting gate.

Sa ulat ng PEP Troika kahapon, October 6, nakasaad ang paliwanag ni AJ na maayos na nagpaalam si Aljur sa mga magulang niya tungkol sa intensiyon nito sa kanya.

Continue reading below ↓

Sabi ni AJ: "Tinatanggap naman po siya.

"Si Aljur naman po, nakikita naman po nila na totoo po. Maganda po ang intensiyon niya. Ayun po, okay naman po sa tatay ko.

"May mga advice lang na hindi ko rin naman po siguro puwedeng sabihin ngayon dito."

Naging bukas din si AJ sa pagsasabing hindi malayong sagutin niya ang panliligaw ni Aljur.

"Yes po. Puwede po akong ma-in love sa kanya. Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao.

"Possible naman po na ma-in love ako sa kanya."

Si AJ ay single mula nang maghiwalay sila ng ex-Pinoy Big Brother All In housemate na si Axel Torres noong June 2021.

Si Aljur ay hiwalay sa asawang si Kylie Padilla mula noong April 2021.

Una nang nagsabi si Kylie na nang maghiwalay sila ni Aljur ay nagkasundo silang maaari na silang makipag-date sa iba.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval and Aljur Abrenica make no secret of their blossoming romance as they were seen shopping together at a mall. Aljur is also seen visiting AJ at her family home in San Fernando, Pampanga.
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results