PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paulo Avelino defends Jake Cuenca after police-chase incident

"I wouldn't stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes."
by Nikko Tuazon
Published Oct 11, 2021
Paolo Avelino, Jake Cuenca
On Sunday, October 10, 2021, Paulo Avelino (left) defends Jake Cuenca from bashers after the 33-year-old actor got involved in a police-chase incident.
PHOTO/S: @pauavelino / @juancarloscuenca on Instagram

Ipinagtanggol ni Paulo Avelino ang kapwa Kapamilya star na si Jake Cuenca matapos masangkot ang huli sa isang police-chase incident noong Sabado ng gabi, October 9, 2021.

Sa tweet ni Paulo ngayong Linggo ng gabi, October 10, sinabi nitong kung siya si Jake ay malamang patuloy rin siyang magmamaneho lalo't hindi nito alam na pulis pala ang mga humahabol sa kanya.

Aniya, "I wouldn't stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes. Pass through a checkpoint? Hinarang ba?

"If someone was shooting me it's either I shoot back or run for my life. Wrong place wrong time."

Paulo Avelino tweet defending Jake Cuenca

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahabol ng mga pulis si Jake bandang 9 p.m. matapos umanong mabangga ng aktor, na sakay ng kanyang SUV, ang sasakyang gamit ng mga pulis habang may isinasagawa silang buy-bust operation sa Mandaluyong.

Sa panayam ng Dobol B TV kay Eastern Police District (EPD) director Police Brigadier General Matthew Baccay, Linggo ng umaga, hindi raw tumigil si Jake kaya hinabol pa ito ng mga pulis hanggang sa may Shaw Boulevard na bahagi na ng Pasig City.

Kinumpirma ni Baccay na may biktima rin ng stray bullet nang gabing iyon dahil sa insidente. Kinailangan daw kasing i-disable ng pulis ang minamanehong sasakyan ni Jake kaya nagpaputok ng baril, dahilan para tamaan ng ligaw na bala ang isang Grab driver.

PAulo on JAKE: "Drunk? No."

Sa comment section ng post ni Paulo, isang netizens ang nagtanong kung totoo bang lasing si Jake habang nagda-drive.

Sabi ni Paulo, hindi lasing si Jake nang gabing iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinabulaanan din ng StarStruck alumnus ang mga haka-hakang nakasagasa o nakasakit ng tao ang kaibigang aktor.

Ani Paulo, "Drunk? No. Nakainom? Maybe. Nakasagasa ba? Nakasakit ng tao? Hindi.

"Walang malay na nagmamaneho papunta dito sa punyeta kong bahay dahil kaka-recover ko lang sa covid."

Paulo Avelino on Jake Cuenca car chase issue

Ayon naman sa isa pang netizen ay dapat huminto si Jake nung siya ay pinatitigil na ng mga pulis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nakabangga sya so dapat talaga huminto sya. And nasa buy bust operation yung pnp malay ba nila kung yung sakay ng suv eh related dun sa operation nila, maybe kaya hinabol nila nung sasakyan and para huminto eh binario yung gulong.

"Anyways, sana ok na yung rider na nadamay."

Pero sabi ni Paulo, ni walang bakas ng pagkakabangga ang sasakyan ni Jake, base na rin sa mga litratong kumalat sa social media.

Private vehicle din daw ng isang pulis at hindi official police car ang nasagi ni Jake.

Sabi ni Paulo sa netizen (published as is), "Ma'am wag po tayo mag marunong. Wala pong tama sasakyan niya. Kung may nasagi man gulong niya malang dahil kita naman po sa mga picture lampas ng sasakyan.

"Yung complainant po private vehicle ng pulis na ginamit sa operation. Uulitin ko po, GET YOUR FACTS STRAIGHT."

Paulo Avelino on Jake Cuenca car chase issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam din ng Dobol B TV kay Baccay, malinaw nitong sinabi na walang ilegal na nakita sa loob ng SUV ni Cuenca. Ngunit maaari rin daw humarap si Jake sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property.

Tungkol naman sa Grab driver na tinamaan ng ligaw na bala, nasa "stable condition" na raw ito.

Sa mga sumunod namang ulat ng GMA News, sinimulan na rin daw imbestigahan ang mga pulis na humabol kay Jake upang malaman kung sino ang nagpaputok ng baril at kung nasunod ba ang kanilang standard operating procedure.

Samantala, sa isang hiwalay na tweet, ipinahayag ni Paulo na handa rin itong sumaklolo sa kaibigan o kapamilya na nagkaroon ng COVID-19, kahit na mahawaan pa siya nito o mamatay nang dahil dito.

Hindi direktang binanggit ni Paulo si Jake, pero ayon sa iba pa niyang tweets at replies, siya sana ang pupuntahan ni Jake nang gabing iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Paulo: "Same thing I would do for someone I love. If you get Covid then F it. I wouldn't care If I get it too. I'm taking care of you whether I get it or not. If I die due to covid, I'll be happy I did it for someone I love."

Paulo Avelino stands with friend Jake Cuenca

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Jake tungkol sa insidente.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Sunday, October 10, 2021, Paulo Avelino (left) defends Jake Cuenca from bashers after the 33-year-old actor got involved in a police-chase incident.
PHOTO/S: @pauavelino / @juancarloscuenca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results