Ivana Alawi confirms communication with Joshua Garcia: “Gusto ko kasi makilala muna siya.”

by Bernie V. Franco
Oct 13, 2021
Ivana Alawi on whether or not Joshua Garcia is courting her: “Itanong niyo na lang siya. Bakit ako?”
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Kinumpirma ni Ivana Alawi, 24, na may komunikasyon na sila ni Joshua Garcia, 24, bagamat hindi pa sila nagkikita nang personal.

Nabuking na crush ni Ivana si Joshua sa second YouTube anniversary ng aktres noong August 29, 2021.

Nang mapanood ni Ivana ang video greeting sa kanya ni Joshua, hindi naitago ng aktres ang kanyang kilig.

Bahagi ng message ni Joshua kay Ivana: "Follow me on Instagram! Kidding aside, I just hope you and your family are safe."

Tinotoo ang pag-follow nila sa isa't isa dahil inamin ni Ivana na may direct messaging (DM) sila ni Joshua sa Instagram.

Pinag-usapan si Joshua sa interview ni Ogie Diaz kay Ivana ngayong Miyerkules, October 13, 2021.

Sa mga binitawang pahayag ni Ivana, halatang bukas ang pinto niya kung sakaling ligawan siya ni Joshua.

Usisa ni Ogie, bakit “fanatic” si Ivana kay Joshua gayong may pangalan din naman siya?

Sagot ni Ivana: “Para sa akin kasi, I’m a normal person. Meron akong mga crush, meron akong girl crush, and marami akong hinahangaan. Normal sa akin.”

Continue reading below ↓

Nagkita na ba sila ni Joshua in person?

“Hindi pa,” sagot ng actress-vlogger na kitang-kitang kinikilig.

Sinabi ni Ivana na pangarap niyang makita at makasama sa teleserye si Joshua.

Inisa-isa ni Ivana ang mga nagustuhan niya kay Joshua.

“Cute yung mukha. At saka mabait siya.

“Nakita ko parang family-oriented, pero hindi ko masabi kasi hindi ko pa nami-meet personally.”

Paaalala ni Ogie, matangkad si Joshua, na may height na 6’.

“Okay lang yun,” kinikilig na sagot ni Ivana, 5’5”.

Nagbiro pa si Ogie na baka mag-expect si Ivana na kasama nila si Joshua at sosorpresahin ang aktres.

“Hindi, alam ko yun, ka-chat ko siya. Charing!” sabay tawa ni Ivana.

Natatawang hirit pa ng sexy actress-vlogger: “Alam ko, ano ka ba! Nasa taping siya. Wow, updated?!”

Sabay bawi niya, “Di ko alam yun.”

Diniretso si Ivana kung magka-chat sila ni Joshua, at hindi ito itinanggi ng aktres.

“Ano lang, friends...” sagot ni Ivana na sinundan niya ng makahulugang tawa.

Continue reading below ↓

Tanong ni Ogie, “Yung sa IG, DM lang kayo?”

Simpleng sagot ni Ivana, “Oo.”

Pakli ni Ogie, hindi ba sila nagkakapalitan ng mobile number?

Wala pa raw, sabi ni Ivana.

Usisa pa rin ni Ogie, “DM-DM lang?

“Yun… friends,” giit ni Ivana.

WHAT IF JOSHUA COURTS IVANA?

Nagbigay ng sitwasyon si Ogie: kung ligawan ba siya ni Joshua, iba-vlog niya ito?

Sagot ni Ivana: “I think, ha, para sa akin ang hirap kasi na bawat may mangyayaring maganda o bawat may manliligaw iba-vlog mo agad na, ‘Huy, eto yung ano,’ alam mo yun?

“It should be kept private and special.

“For me, ha, kasi parang ayoko naman iharap agad yung camera sa kanya, or not just to Joshua… sa mga nanliligaw or sa mga manliligaw.

“Parang ayoko lang na iba-vlog ko lahat na, ‘O, guys, o, ganyan, o. Tingnan niyo si ganito.’”

May kondisyon daw si Ivana sa sarili.

“Parang something should be kept private unless sobra sigurado, na super sure na ako sa taong iyon, ipapakita ko [sa vlog].

Continue reading below ↓

“Pero ayoko kasi yung bina-vlog ko na, ‘Oy, ito si ano ko, si ganyan,’ and then maghihiwalay.

“’Tapos ano, idi-delete ko yung video? Ayoko ng ganun. Kung ano yung nasa YouTube ko, walang delete-an.”

Giit ni Ivana, “Gusto ko kung ano ang ipapakita ko, yun na ang magiging asawa ko.”

Sundot muli ni Ogie, paano kung ligawan siya ni Joshua?

“Itanong niyo na lang siya. Bakit ako?” ani Ivana.

IVANA WANTS TO GET TO KNOW JOSHUA FIRST

Kung magkakatotoong manligaw si Joshua, mahihirapan ba si Ivana na makapaniwala?

Malaman ang sagot niya: “Depende. Gusto ko kasi makilala muna siya bago ko kurutin ang sarili ko.”

Sinang-ayunan ni Ivana si Ogie na guwapo nga si Joshua.

Ano ba ang hinahanap na mga katangian ni Ivana isang lalaki?

Sagot niya, “Family-oriented, respectful and tatanggapin yung buong family ko.

“Not na aalagaan, but he should respect my family the way he respects me.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi on whether or not Joshua Garcia is courting her: “Itanong niyo na lang siya. Bakit ako?”
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results