Kahit marami na ring nagawang Kapuso shows, hindi nagdalawang-isip si Ralph Noriega na maging support sa YouTube series na Laro Tayo, Taguan Ng Feelings, na pinagbibidahan ng YouTube sensation na sina Kimpoy Feliciano bilang si Paul at Gie Cayetano bilang si Angel.
"Ah opo, lagi ko pong sinasabi na, dati pa po, na kapag gagawa sina Kuya Kimpoy ng series, actually nabalitaan ko na siya before pa gawin nina Kuya Kimpoy, na magkaka-series nga daw.
"'Tapos parang nagpaparinig-parinig na ako kina Kuya Kimpoy na, 'Kuya, sama mo ako sa series mo, ha, pag magkaka-series ka. Kahit na extra lang papayag ako!'
"Kasi si Kuya Kimpoy talaga nung bata-bata pa siya, at bata pa lang ako, pinapanood ko na siya. Kasi isa siya sa mga original na content creators sa YouTube, di ba? So nung parang nagpapa-cute-cute pa lang siya dati, e, pinapanood ko na siya.
"So eto, nagtagpo kami sa KUMU [steaming app], naging magkaibigan kami,.
"Sobrang blessed ako dahil eto, napasama ako sa online series niya which is ito nga, Laro tayo, Taguan Ng Feelings."
Dito ay gumaganap si Ralph bilang si George.
First time ng 22-year-old actor na makasama sa isang online series, at masaya siya na pinayagan siya ng GMA Network na tumanggap ng project sa labas ng kayang home studio.
Aniya, "It's a different working environment."
Ilan sa mga Kapuso programs na nakasali si Ralph ay ang I-Bilib (2012) nina Chris Tiu at Rodafill Macasero; Poor Señorita (2016) ni Regine Velsaquez; Someone To Watch Over Me (2016) nina Tom Rodriguez, Lovi Poe, Max Collins at Edu Manzano; Super Ma’am (2017) at Tadhana ni Marian Rivera; Nagbabagang Luha nina Glaiza de Castro, Mike Tan, Claire Castro at Rayver Cruz.
Halos isang buwan raw nag-lock in taping si Ralph sa Nagbabagang Luha.
Nag-lock in taping rin si Ralph with the whole cast of Laruan Tayo, Taguan Ng Feelings, na simulang napanood noong September 11 at magtatapos ngayong Sabado, October 16, sa Brilliant Stars Entertainment YouTube Channel.
WILL RALPH FALL FOR HIS BEST FRIEND?
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang buong cast at direktor ng serye via Zoom noong September 8, 2021.
Tungkol sa isang babae at isang lalaki na mag-bestfriend na nagkagustuhan ang online series.
Ayon kay Ralph, hindi pa raw niya nararanasang ma-in love sa kanyang best friend na babae.
"Kasi may paniniwala ako na alam mo yun, kapag namumroblema ka, siya yung tatakbuhan mo, e, na parang kapag namumroblema ka sa karelasyon mo, yung best friend mo ang tatakbuhan mo.
"Dahil sa lahat ng tao, bukod sa pamilya mo, siya yung nakakakilala sa iyo, at sa lahat ng tao siya yung pinaka-kilala mo. So nangyayari naman sa isang relasyon, pero kasi nasasabi natin na kapag best friend lang, best friend lang, hanggang dun na lang tayo.
"Hindi na natin puwedeng i-upgrade iyon into something special na parang relationship, na parang ganun.
"Kumbaga ako may levels iyan e, na parang, alam ko kung best friend ko lang ang isang tao, alam ko kung ge-girlfriend-in ko yung tao."
Hindi raw ma-i-in love si Ralph sa kanyang best friend, ang Kapuso artist na si Ayra Mariano.
"Hindi naman ako na-in love ako kay Ayra, hindi siguro namin goal na magka-in love-an sa isa't-isa, " at tumawa si Ralph.
"Nandiyan lang kami para sa isa't-isa, kapag may problema, kapag may mga blessings na dumarating.
"And hindi po kami lagi nag-uusap, parang once in a blue moon lang kami mag-usap, kapag na-miss namin ang isa't-isa.
"Pero never talaga, e, never akong nakaramdam na ma-i-in love ako sa best friend ko kasi takot akong mawala siya. And kapag pumasok ka kasi sa isang relationship, parang sugal iyan na parang possible na baka magkasiraan kayo in the long run, possible naman na baka kayo magkatuluyan.
"So may dalawang puwedeng puntahan iyan, so ako, ayoko ng i-risk yung pagkakaibigan namin. So dun na lang ako sa, at least nandiyan siya for me.
"Hindi siya mawawala."
