PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krizza Neri comes out as lesbian; reveals first-ever relationship

“Gusto kong ipakita sa mga tao na there’s nothing wrong. Hindi mali ang pagiging ganito.”
by Jojo Gabinete
Published Oct 21, 2021
Krizza Neri: “Tina-try ko noon na i-convince ang sarili ko na nagka-crush ako sa lalake, pero hindi talaga. Third year high school nang maramdaman ko na medyo may something, pero na-confirm ko talaga noong 16 years old ako. That was 2011."
PHOTO/S: Krizza Neri Facebook

Si Krizza Neri ang grand champion ng Season 1 ng Protégé: The Battle for the Big Break, ang reality talent competition show ng GMA-7 noong 2011.

Ngayong Huwebes, October 21, nag-post ng mensahe sa kanyang Facebook ang 26-year-old singer: "Let’s get one thing straight… I’m not."

Ito ang dahilan kaya nakipag-ugnayan sa kanya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang bigyang linaw ang pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Akala ni Krissa ay alam na ng lahat ang kanyang pagiging tomboy o miyembro ng LGBTQ+ community kaya nasorpresa siya nang malaman niyang marami pa rin ang nagulat.

Pahayag niya, “Ang akala ko kasi, alam na ng lahat. Super random lang talaga ang post ko.

“Actually, nagsabi ang pinsan ko na marami raw ang mga taong nagulat kasi hindi nila alam dahil, siguro, babaeng-babae kasi talaga ako.”

COMING-OUT VIDEO

For the record, ngayon lamang inamin ni Krizza sa publiko ang tunay na sexual orientation niya. Pero noong 2018, naglabas na siya ng coming-out music video para sa kanyang college thesis.

Kuwento niya, “Noong 2018, may inilabas ako na music video, 'Kahit Sana Minsan.'

“Parang yun na ang coming-out video ko na i-share yung truth ko. The goal was not just to relaunch my singing career.

“After so long, gusto ko lang i-reintroduce ang sarili ko, kasi for a long time, puro 'no comment' lang ako. Hindi ako nagsasalita about my sexuality. Parang what you see is what you get.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was also trying to face my fear kasi sobra yung fear ko of rejection, fear of being disapproved.

“Ganoon na siya dati pa. Sobrang trauma ko noong 16 years old ako na ang daming mga tao na nag-bash sa akin for what I am.

“Yung song na ‘yon ang nag-mark ng a new beginning for me."

Patuloy ni Krizza, “Yes, publicly, parang ngayon lang ako umamin. Kasi lahat ng mga tao, nasa social media na kaya lahat ng mga ipino-post, nakikita agad.

“It was also my way to talk about my advocacy, like educating and getting more people involved na being gay doesn’t make you any less human.

“It doesn’t make me any less important kasi ang daming nagsasabi na, 'Ah, tomboy ka,' parang mali agad.

“Gusto ko lang ipakita sa mga tao, lalo na sa mga hirap mag-come out dahil sa takot nila na baka hindi sila matanggap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Suwerte na lang ako na never akong nag-struggle na mag-come out. Hindi ko siya napagdaanan.

“Kumbaga, tanggap ko na agad na pinili ko na magpakatotoo lang. Bahala na kung tatanggapin niyo ako o hindi.

“Gusto kong ipakita sa mga tao na there’s nothing wrong. Hindi mali ang pagiging ganito.”

FIRST-ever RELATIONSHIP

Third year high school student si Krizza nang maramdaman nitong iba ang kanyang pagkatao, pero pinilit pa rin daw niyang magpakababae.

Kuwento niya, “Tina-try ko noon na i-convince ang sarili ko na nagka-crush ako sa lalake, pero hindi talaga.

“Third year high school nang maramdaman ko na medyo may something, pero na-confirm ko talaga noong 16 years old ako. That was 2011.

“Graduate na ako noon ng high school at contender sa Protégé: The Battle for the Big Break, talent search program ng GMA 7 noong 2011.”

Ano ang exact moment na nakumpirma ni Krizza na kapwa babae rin ang gusto niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon niya, “Ang nag-trigger para ma-confirm na lesbian ako, yung first relationship ko talaga. Nung may nag-confess sa akin na may nararamdaman siya sa akin.

“Dun ko na-confirm na, 'Ah, okay, kailangan ko lang pala talaga ng tao na magko-confirm sa akin.”

Dagdag pa niya, "Nung una kasi, confused pa ako. Medyo in denial pa ako, kasi nga, yung family ko, Christian. Talagang lahat kami, Christian. Hindi ko pa matanggap.

"Pero nararamdaman ko na dahil meron akong best friend noong high school na medyo may nararamdaman ako, pero tina-try ko na i-hold back."

Kuwento pa niya, “Noong nagsisimula ako sa TV, ‘yan din ang fear ko. Isa sa fears ko na hindi ako matatanggap ng society, ng industry.

“Talagang umabot sa point na sobra akong na-pressure, kailangan ko bang itago yung totoo para lang mag-fly yung career ko.

"Pero, thankfully, at a very young age, I was 16, parang napagdesisyunan ko agad na kailangan kong maging totoo sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Matigas ang ulo ko noon, parang mas importante sa akin ang magpakatotoo than bigyan ng importansiya ang career ko. Parang, bahala na yung career ko, basta ganito ako.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krizza Neri: “Tina-try ko noon na i-convince ang sarili ko na nagka-crush ako sa lalake, pero hindi talaga. Third year high school nang maramdaman ko na medyo may something, pero na-confirm ko talaga noong 16 years old ako. That was 2011."
PHOTO/S: Krizza Neri Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results