PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baron Geisler date night with John Lloyd Cruz, Bea Alonzo

Baron Geisler says it was Bea Alonzo who brought him home that night.
by Rachelle Siazon
Published Oct 28, 2021
Baron Geisler on unexpectedly bumping into John Lloyd Cruz and Bea Alonzo: "May gumanun sa akin, 'Psst, huy!' Pagkalingon ko, 'Uy, Lloydie!!!' Sabi niya, 'Come here, let's have dinner with Bea. Join us.'"
PHOTO/S: PEP Spotlight / @baron.geisler Instagram

Sa "social media raid" challenge ng PEP Spotlight nitong October 2021, isa sa throwback photo na ipinakita kay Baron Geisler ay ang date niya kasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo bago ang COVID-19 pandemic.

Ipinost iyon ni Baron sa Instagram noong February 15, 2020.

Magkatabi sa upuan sina John Lloyd at Baron, habang katapat nila sa dinner table si Bea.

Walang ibang detalye sa caption ni Baron kundi ang pabirong hirit niya na sa kanya si John Lloyd habang mahigpit na yakap ang kapwa aktor.

"Love you guys sobra! Salamat!" saad pa ni Baron.

Napangiti nang todo si Baron nang ipakita ng awtor na ito sa kanya ang litrato nila nina John Lloyd at Bea.

Hindi raw inaasahan ang pagkikita nila ni John Lloyd na kumalabit kay Baron.

Kuwento ni Baron: "Kagagaling ko lang mag-testimony sa isang church. Nag-Mamou kami.

"And then, pasakay na ako ng Grab, may gumanun sa akin, 'Psst, huy!' Pagkalingon ko, 'Uy, Lloydie!!!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi niya, 'Come here, let's have dinner with Bea. Join us.'"

Pauwi na dapat noon si Baron, pero nagpasya siyang manatili kasama ang dalawang kapwa-artista.

"Sabi ko, 'Ahh, talaga...' Pero nabayaran ko na yung Grab. Nabayaran ko ng 500 pesos. 'Sige, Sir.' Kinuha ko yung backpack ko.

"Then, nag-usap muna kami ni John Lloyd, nagbeso ako kay Bea. 'Hi Bea.'"

CATCH-UP WITH JOHN LLOYD

Magkaibigan sina Baron at John Lloyd na magkasabayan din sa showbiz.

Noong 1997, sabay silang inilunsad sa Batch 5 ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Bukod sa co-stars sila sa long-running weekly drama series na Tabing Ilog (1999-2003), naging magkagrupo pa sila sa ASAP teen trio na Koolits kasama si Mark Solis.

Common denominator din nila ang Cebu kunsaan naninirahan si Baron.

Hindi rin iba kay John Lloyd ang Cebu dahil doon ang hometown ng ex-girlfriend niyang si Ellen Adarna at anak nilang si Elias.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Baron, "Kuwentuhan kami sa may island. Kuwento siya konti about Cebu, experiences niya, experiences ko.

"And then, nag-pitch ako ng story sa kanya. Nagustuhan niya. Siguro someday God- willing magawa namin yung story."

Kahit biglaan lang ang pagkikita nila ay nag-enjoy raw si Baron na makasama sina John Lloyd at Bea.

"We had a good fish, healthy dinner, and I had a good time.

"Ang naghatid pa sa akin niyan si Bea. Hinatid niya ako sa condominium na nire-rent ko kasi I was doing FPJ's Ang Probinsyano at that time."

dinner at restaurant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BARON'S TV PROJECT WITH JOHN LLOYD AND BEA

Minsan na ring nakatrabaho ni Baron sina Bea at John Lloyd sa It Might Be You, ang ABS-CBN primetime series na umere mula December 2003 hanggang December 2004.

Bida roon sina Bea at John Lloyd bilang Cielo at Earl, habang supporting cast member si Baron na gumanap bilang Derek.

"Yeah, we did. Di di ko gusto kung sino ako ng time na 'yan. But the people I was working with are all amazing," saad ni Baron nang ipaalala sa kanya ang serye.

Dagdag na pahayag niya tungkol kay Bea, "Nung time na yun, pinag-uusapan namin books.

"Apparently, sobrang bookworm pala 'yan si Bea. Hanggang ngayon.

"Kaya kita mo, sobrang successful niya sa restaurant business niya. Even John Lloyd is also a reader."

Hilig din daw ni Baron ang magbasa ng libro.

Ang tinutukoy naman ni Baron na panahong di niya gusto ang sarili ay noong siya ay may "rebellious" o "bad boy" attitude dahil wala siya sa tamang daan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento niya sa PEP Spotlight kung paano unti-unting nagbago ang kanyang buhay noong huli niyang pagsailalim sa rehab at pagbabalik-loob sa Diyos noong 2018.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler on unexpectedly bumping into John Lloyd Cruz and Bea Alonzo: "May gumanun sa akin, 'Psst, huy!' Pagkalingon ko, 'Uy, Lloydie!!!' Sabi niya, 'Come here, let's have dinner with Bea. Join us.'"
PHOTO/S: PEP Spotlight / @baron.geisler Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results