Watch Now

Baron Geisler details how alcohol and drugs almost destroyed his life: "Wala ako sa tama kasi laging may tama."

by Rachelle Siazon
Oct 26, 2021
Baron Geisler on how detainment in 2018 led to his transformation: "Dahil tira lang ng pulis yung kinakain ko. Pareho lang kami ng kinakain. Kung anong kinakain ng aso, yun din kinakain ko. So para siyang talagang prodigal son. Kumakain ng tira-tira...When I was left alone, nagmumuni-muni... Parang nasa impiyerno ako."
PHOTO/S: PEP File / @baron.geisler Instagram

Aminado si Baron Geisler, 39, na halos masira ang buhay niya dahil sa kanyang addiction sa alcohol at drugs noon.

Notorious ang reputasyon ng aktor bilang "bad boy" o "pasaway" dahil sa iba-ibang kontrobersiyang kinasangkutan niya sa loob at labas ng showbiz.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong kay Baron kung nadiskubre ba niya ang ugat ng kanyang "rebellious behavior."

Pakiramdam ba niya ay "misunderstood" siya sa pamilya? Nagkaroon ba siya ng wrong set of friends, o may epekto ba ang pagpasok niya sa showbiz?

"Yes, na-trace ko. It's all of the above. It's also me having all these character defects, a really bad mindset, wrong set of friends.

"But na-realize ko, I cannot blame my family. I cannot blame anyone because ako may kagustuhan nun, e. Naging masaya ako sa ganung klaseng pamumuhay.

"Pero ang ending, nagsisi ako nang sobra."

Sa makailang-beses na nademanda siya o kaya ay napasabak sa mga gulo, hindi raw kaagad tumimo sa isip at puso ni Baron ang magbago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan ko pagdaanan lahat ng bagay na 'yan para ma-realize ko, 'Ay, mali pala.'

"Yung mga taong nagre-rebuke sa akin, 'Baron, huwag mo gawin 'yan, masama 'yan, or di mo kailangan 'yan,' minasama ko pa yun.

"Akala ko sila ang mali. Hindi naman normal pag-iisip ko nun dahil lagi ako loaded—alcohol, drugs," prangkang kuwento ni Baron.

Diin niya, "Disillusioned ako sa lahat ng bagay sa mundo. Wala ako sa tama kasi laging may tama. Hahaha!"

Palagi raw may baon si Baron na canned beers sa kanyang backpack na dala niya kahit saan siya magpunta.

Ito ang dahilan kung bakit minsan ay pumapasok siya sa trabaho nang lasing.

Naproseso ni Baron, sa tulong na rin ng mga dinaanan niyang rehabilitation programs at counselling, na malalim ang sugat na dala ng tinawag niyang "addiction mindset."

Kaugnay ito ng kanyang pag-amin na noong bata siya ay hindi niya naintindihan ang mga pagkakataong napapagalitan siya ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot daw sa punto na tingin niya ay "monster" ang kanyang ina.

Sabi ni Baron: "Ang hirap sagutin 'yan. Oo, disciplinarian si Mommy. Si Daddy naman napaka-passive...

"Oo, siguro dahil meron akong alcoholic and addict mind and behavioral problems even before pa ako nag-showbiz.

"Maaaring predisposed ito. Namana ko sa DNA ng tatay ko, or sa mother side. Yung addiction ganyan, e.

"Siguro addiction is a chronic brain disease. It's a mental illness."

Tingin ni Baron ay bata pa lang ay naging sobrang self-centered niya.

"So, kaya, parang yung nagkaroon ako ng rebellious behavior dahil meron akong 'king baby attitude.' I want it my way all the time.

"Pag hindi, aalis ako. Magwo-walkout ako.

"And nadala ko yun hanggang sa pag-aartista."

Baron Geisler in younger days

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I WAS DIMINISHED TO NOTHING."

Nagpakasasa raw si Baron sa pera at popularidad niya bilang talentadong artista.

Sa edad na 21, nakapagpundar siya ng sariling bahay, magarang kotse, at ibang investments.

Pero naglaho raw ang lahat ng mga iyon dahil sa kanyang mga bisyo.

Gaano kalala ang kanyang mga bisyo?

Sagot ni Baron, "It got so bad. My drinking problem got so bad to the point that I would drink every day. I would drink myself to death.

"And nawalan na ako ng hope. Parang pakiramdam ko, di na ako tao. Parang ganun."

Pati mga mahal niya sa buhay ay hindi na rin kinaya ang mga kalokohan niya.

Kuwento pa niya, "I lost all my friends. I lost my connections with the love of my family.

"And even yung love and respect ko sa sarili ko, it was totally diminished.

"I was diminished to nothing."

"KUMAKAIN NG TIRA-TIRA"

Isa sa mga pinakamatinding pagsubok ni Baron ay nang ma-detain siya sa detention cell at city jail sa Angeles City, Pampanga. Tumagal siya roon ng kalahating buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay matapos siyang mag-amok at magbanta sa buhay ng kanyang bayaw na kapitbahay niya sa Pampanga. May petsa iyong March 5, 2018.

Nakunan siya ng video na walang tigil sa pagsisigaw, pagmumura, at pagbabanta sa labas ng gate ng bahay ng bayaw at kapatid.

Umabot sa puntong nagdala si Baron ng kitchen knife kaya ipinadakip siya sa pulis.

May pasa sa kaliwang mata noon si Baron dahil sa hiwalay na insidente kunsaan sinapak siya ng kanyang bayaw dahil sa pagtatanggol ng huli sa anak nito.

Sinampahan ang aktor ng patung-patong na reklamong grave threat, alarm and scandal, at illegal possession of weapon.

Bailable ang mga reklamong kinaharap ni Baron pero hindi siya piyansahan ng mga kapatid upang turuan siya ng leksyon.

Ang bayaw na pinagbantaan niya ay nagsabi sa isang TV interview na handa itong iurong ang demanda basta pumayag si Baron sa kondisyong sumailalim ito sa rehab.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Baron sa PEP.ph, naalala niyang tirang mga pagkain ng pulis ang kanyang kinakain nang ma-detain siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naramdaman daw nitong ang baba ng tingin niya sa sarili.

"Nung nakulong ako, kasabay ko kumain... Yung selda lang barrier dun, e. Pero para mini-mirror ko yung asong kasabay ko kumain.

"Dahil tira lang ng pulis yung kinakain ko. Pareho lang kami ng kinakain. Kung anong kinakain ng aso, yun din kinakain ko.

"So, para siyang talagang prodigal son. Kumakain ng tira-tira."

Pero paglilinaw ni Baron, "Not to the point na kanin-baboy naman. Hindi naman ako trinato ng ganun ng mga pulis.

"Kung anong tira nila nung lunch nila, yun ang kakainin ko. Tapos kasabay ko yung aso.

"Buti nga nandun siya. Pasalamat pa ako sa aso na may kasabay ako kasi ako lang mag-isa sa selda na yun, ta's parang pinagbawal muna na bisitahin ako."

Baron Geisler mug shot

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

"PARANG NASA IMPiYERNO AKO."

Sa mga lumabas na ulat noong 2018, makikitang pati mga pulis ay minura at sinigawan ni Baron.

Pilit nangangatuwiran ang aktor na siya ang biktima at nagawa lang niyang mag-amok dahil palagi na lang daw siyang "pino-provoke" ng mga kapamilya.

Taliwas iyon sa salaysay ng bayaw niyang nagreklamo sa kanya noon.

Ngayong binalikan niya ang mga pangyayari, aminado si Baron na wala siya sa tamang pag-iisip noong mga panahong iyon.

At sa kulungan, tila "impiyerno" ang pakiramdam ni Baron. Pero iyon din ang simula ng pagbabalik-loob niya sa Diyos.

Lahad ni Baron sa PEP.ph ,"When I was left alone, nagmumuni-muni... Parang nasa impiyerno ako. Ta's bigla akong may nakita na pamphlet, 'Alam mo ba kung saan ka pupunta kapag ikaw ay namatay?'

"Tapos may parang... may parang kamatayan dun. Natakot ako.

"Meron isang verse dun... And then, yun, biglang tinamaan ako dun. Nag-breakdown ako."

Nakaramdam si Baron ng pagnanais na magdasal at magbagong-buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, "Oo nga, di ko alam saan ako pupunta pag namatay ako. Mawawala ako parang bula? Eto na ba 'to?

"And then, lumuhod na lang ako talaga. Naramdaman ko na may kakaibang presensiya.

"Nandun yung fear of the Lord, e. So, totoo talaga—fear of the Lord is the beginning of wisdom."

Napuno raw ng pagsisisi si Baron.

Lahad pa rin ng aktor sa karanasan niya sa kulungan: "Nagutom ako hindi lang sa tiyan, nagutom ako spiritually."

Sa puntong ito, hindi napigilan ni Baron ang mapaluha dahil sa tindi ng dinaanan sa buhay.

"Doon nag-kneel down na ako. And then, nagkaroon ako epiphany.

"Nagkaroon ako ng spiritual awakening. Gusto ko pala mabuhay."

Dasal niya noon: "Lord, sige, tanggalin Niyo po lahat ito... Alisin Niyo lang po ako dito, I'll serve You for the rest of my life.'"

Sabi pa ni Baron sa PEP.ph: "Ayoko mawala yung pangako ko sa Kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baron Geisler in jail

WHEN BARON DECIDED TO CHANGE HIS WAYS

Malaking tulong daw kay Baron na may mga tunay na nagmamahal sa kanya sa kabila ng paulit-ulit niyang pagkakamali noon.

Bago raw siya nagdesisyong sumailalim sa rehab, nakausap niya ang mga kaibigang pastor na bumisita sa kanya sa kulungan sa Pampanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung una, ayoko pa muna magpa-rehab, e. Kasi nga, wala ako sa tamang pag-iisip.

"Pero biglang ang pinayagan lang bumisita sa akin, mga pastor kong friend.

"Aside from me wanting to seek God, nadagdagan pa. Inutusan ni God na kausapin ako.

"Sinabihan ako ng pastor friend ko na, 'You should repent. Alam mo ba sa lahat ng kasalanang ginawa mo, kulang pa ang kulungan sa 'yo?'"

Doon sa kulungan daw talaga napagtanto ni Baron na nais niyang talikuran ang mga bisyo at pati na rin emotional wounds na matagal nang bumabagabag sa kanya.

"Lahat ng luha ko talaga, lahat ng pain, lahat ng sinupress kong anger, resentment, pain, nailabas ko na sa selda.

"Dun na na-give up na talaga ako. Sumurrender na talaga ako."

Isa lang ang hiniling ni Baron mula sa kanyang mga kapatid—ang ipa-rehab siya sa lugar na malayo sa mga nakasanayan niyang lugar kunsaan malapit ang temptasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And naisip ko na pag pumayag ako sa kagustuhan ng mga brothers and sisters ko...

"Sabi nila, 'We're not gonna bail you out until you go to rehab or decide to go rehab.'

"After a couple of days, when they visited me, I was so excited to see them kasi wala akong bisita except yung isang friend ko.

"Nung nakita ko yung family ko, 'Okay, I'm ready. Let's go. But please, if ever magpa-rehab ako, puwede hindi sa Pampanga?'"

Baron Geisler siblings

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BARON settles in CEBU

Ang napili raw ni Baron ay sa Cebu kunsaan wala siyang kilala.

Sabi niya, "I want a change of scenery and lifestyle. Ewan ko, pero for some reason, boom! Cebu.

"When you come to think of it, Cebu is a beautiful place. It's at the center of our country."

Bukas sa pagsasabi si Baron na malaking tulong sa kanya ang pagpasok sa 180 Degree Drug Rehabilitation Center sa Cebu.

Aniya, "Grabe ang dami ko natutunan sa Cebu, pati sa rehab, 180 degrees.

"Binigyan kami ng psych education classes, about getting to know oneself, gaya ng sinabi mo, finding the main source of my addictions."

Tinuruan daw sila kung paano magkaroon ng tamang mindset at structure para ma-maintain ito.

Paliwanag niya, "You see, the cognitive therapy behavior or CTB, how it works is turning negative into a positive, stepping back, thinking muna before I react. It's about how to respond properly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, I'm glad na maraming tumulong sa akin dito sa Cebu para mas makilala ko ang sarili ko."

Bumabalik pa rin daw si Baron para bumisita sa rehab center.

"Never ending process 'yan. Lifestyle na. Dapat may structure na sinusunod."

Pero bukod sa pagsailalim niya sa rehab, ang naging kanlungan daw ni Baron ay ang pananalig niya sa Diyos.

Dahil noon ay ilang beses na rin naman daw siyang nagpa-rehab pero hindi umubra.

Nakangiting sabi ni Baron sa PEP.ph, "I've said this before, sounds cheesy, but that's where God found me and I found God.

"I have always tried to go to church and all of these things but it was always for... Let's just say, to cut the long story short, it was just for show.

"I didn't understand anything."

Nakatagpo rin si Baron ng kanyang "spiritual family" na kaagapay niya sa kanyang pagbabalik-loob sa Diyos.

Paliwanag ni Baron: "I was so down mentally, spiritually, physically, and financially. I lost everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"There's no other way. I speak for myself. I tried everything. Nothing really worked until I made that decision to fully surrender my life and my wants and my needs to the Higher Power.

"And then, slowly, by the grace of God, He restored me by seeking Him, His Word, and His presence every day.

"Slowly, slowly, you know... God is in the business of restoring people. I just feel grateful that I'm one of them.

"I found the light. I never wanna let go of God's hand, Jesus, my Lord and Savior."

Baron Geisler in 180 Degree Drug Rehabilitation Center

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A "WORK IN PROGRESS"

Sa huli, sinabi ni Baron na itinuturing niya ang sariling "work in progress" dahil "lifelong journey" ang pagkakaroon ng tamang mindset para harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Sabi pa ni Baron, "Because I'm not only battling alcoholism, I'm also battling bipolarism."

Ang bipolarism, ayon sa psychiatry.org, ay mental condition kunsaan dumadanas ng "intense emotional state" ang isang tao na tumatagal ng ilang linggo o tinatawag na "mood episodes." Ang ilan sa mga trigger nito ay alcohol at drugs.

Pag-amin ni Baron sa kanyang mental condition, "I take medications for that. I'm not ashamed because, actually, people should seek help if may problema.

"I'm not a professional, I'm not here to advise anyone. But all I can say is there's always help. You can never do it alone.

"There are professionals, there are hotlines, there are websites that you can go to.

"If you're an addict, you can go to Alcoholics Anonymous website. Just go to a meeting, ask questions, and they'll love you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Baron, "Find a good church. Find a good pastor.

"Be open and willing to these things, and maybe later you might just click with it as it did with me.

"It's really nice to know there's help. Wala tayong rason na sinasabi na, 'Wala tayong pag-asa, pare! Mamamatay na akong alcoholic! Mamamatay na akong adik!'

"Hindi totoo 'yan. May pag-asa tayo."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler on how detainment in 2018 led to his transformation: "Dahil tira lang ng pulis yung kinakain ko. Pareho lang kami ng kinakain. Kung anong kinakain ng aso, yun din kinakain ko. So para siyang talagang prodigal son. Kumakain ng tira-tira...When I was left alone, nagmumuni-muni... Parang nasa impiyerno ako."
PHOTO/S: PEP File / @baron.geisler Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results