BB Gandanghari slams Ogie Diaz: "Don't ridicule me, babalik ko sa iyo 'yan, no."

by Bernie V. Franco
Nov 3, 2021
BB Gandanghari hits back at Ogie Diaz for allegedly besmirching her reputation. Ogie questioned in his recent vlog BB's advice to Kylie Padilla and Aljur Abrenica to keep their dirty linen in the washroom.
PHOTO/S: @gandangharibb on Instagram / YouTube (Ogie Diaz Updates)

Hindi pinalampas ni BB Gandanghari ang kritisismo sa kanya ni Ogie Diaz kasunod ng pagkomento ni BB hinggil sa breakup ng pamangking si Kylie Padilla at ng asawa nitong si Aljur Abrenica.

Si Kylie ay anak ng nakababatang kapatid ni BB na si Robin Padilla.

Nagsimula ang isyu nang magkomento si BB kaugnay ng breakup nina Kylie at Aljur. Ang pahayag ni BB ay idinaan niya via Instagram Live noong October 21, 2021.

Tinanong si BB ng kanyang fans kung ano ang masasabi niya sa akusasyon ni Aljur na si Kylie ang una umanong nangaliwa.

Umiwas na magkomento si BB pagdating sa batuhan ng akusasyon nina Kylie at Aljur laban sa isa't isa.

Pero payo niya sa estranged couple, huwag isapubliko ang away nila para na rin sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.

Saad ni BB, “What I can advise to these two, being younger that you are, e, try to keep your dirty linen in the washroom. I'm sure you know what I mean.

Continue reading below ↓

"I think... ayoko... mahirap makialam. Pero yun lang. Try to keep things as much as possible kasi may mga anak kayo, unang-una.

"So, yun lang masasabi ko. That's a very touchy subject."

OGIE TAKES A SWIPE AT BB

Tinalakay ni Ogie Diaz ang pahayag na ito ni BB sa kanyang YouTube vlog noong October 27, 2021.

Banat ni Ogie, dapat ipinayo ni BB sa sarili ang ibinigay nitong payo kina Kylie at Aljur.

Komento ni Ogie sa advice ni BB, “Siya talaga nagsabi noon? Dapat in-advise na rin iyon sa sarili niya, di ba? Paano ka naman pakikinggan?”

Dugtong ng columnist-talent manager, “Siguro kung maririnig ito ng iba, si BB sinasabihan ang kanyang pamangkin at si Aljur, itago na ang dirty linen, huwag ipagpag [sa publiko].

“Sino ka, BB, para magsabi ng ganyan, kung ikaw nambubuko?”

Malinaw na ang tinutukoy ni Ogie rito ay ang pagbubunyag ni BB ng pangalan ng isang sikat na aktor na nakarelasyon umano niya noong siya ay kilala pa bilang Rustom Padilla.

Continue reading below ↓

Hindi rin nag-aalala si Ogie kung birahin man daw siya ni BB dahil wala naman daw itong sinabing maganda tungkol sa kanya.

HOT STORIES

BB SLAMS OGIE

At nangyari na nga ang inasahan ni Ogie. Binatikos siya ni BB kasunod ng pagsasalita ni Ogie sa kanyang YouTube vlog.

“Ikaw, Ogie Alcasid, ha, wag mo akong pinipikon!” at tumawa si BB, pero malinaw na ang pinapatungkulan niya ay si Ogie Diaz.

Sa kanyang Instagram Live ngayong Miyerkules, November 3, binanggit ni BB ang pagiging topic niya sa YouTube vlog ni Ogie, na wala raw ginawa kundi manira umano ng artista.

“Aminin niyo iyan at kung hindi puro paninira lang sa artista ang sinasabi—kung sino man ang buntis, hindi buntis, di ba?” aniya.

Ikinadismaya pa ni BB na kumpare ng kapatid niyang si Robin si Ogie.

“Di ba, kung kumpare ka ni Robin, hindi ka ba matutuwa doon sa in-advice ko? Talaga, Ogie?

“Meron ka pa ring masama na nakita doon sa in-advice ko? E, talagang negative kang tao…” hirit ni BB kay Ogie.

Continue reading below ↓

Iginiit ni BB na may karapatan siyang magbigay ng payo kina Kylie at Aljur dahil siya mismo ay nakaranas ng “dalawang major” relationships noon—sa dati niyang asawa na si Carmina Villarroel at sa isang sikat na aktor.

Noong 1994, ikinasal si Carmina kay Rustom Padilla pero naghiwalay rin sila.

Bagamat nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Carmina, ikinatuwiran ni BB na hindi sila nagsiraan ng aktres sa publiko.

Hanggang ngayon, mataas pa rin daw ang respeto nila ni Carmina sa isa't isa.

Saad ni BB, “Hindi man kami magkaibigan ni Carmina, pero alam ko ang respeto namin sa isa't isa ay nandoon sa pinakamataas na level, at sinubukan na ng panahon.

“Sa dami ng pinagdaanan namin, wala ni isa sa amin ang nag-grandstand.”

Hirit ni BB kay Ogie, “I’m, sorry, Ogie, clearly you don’t know what I’m talking about.

"Honestly, you have no credibility to me, zero. Zero credibility.

Continue reading below ↓

“And, in fact, yung reaction mo na, ‘Ah, talaga? Talagang si BB nagbigay ng payo?’ Actually, kuha ko iyon, e.

“Ganoon din kasi reaction ko kapag pinag-e-endorse mo ng beauty product si Vice Ganda.

“Na talagang, ‘Ah, talaga? Si Vice nag-e-endorse? Ganoon din talaga ang dating sa akin noon.

“So, I understand yung joke.

“Pero… I think you’re barking at the wrong tree.”

Si Vice Ganda ay dating talent ni Ogie.

Sabi pa ni BB, “I really have to react kasi talaga sisirain mo ang credibility ko diyan!? Excuse me sa iyo…”

Iginiit din niya ang sumbat sa kanya ni Ogie na pinangalanan niya ang isang sikat na aktor at pinagkakitaan umano sa kanyang shows na “BB Uncut.”

Katuwiran ni BB, wala siyang sinabing masama tungkol sa nakarelasyon umanong aktor.

Hindi rin daw masama ang ipinayo niya kina Kylie at Aljur, na mabuti na lang daw ay nakinig na huwag magsiraan in public.

Continue reading below ↓

“Muntik nang ginawa. Buti na lang nakinig... Pero muntik nang ginawa nila Kylie at Aljur,” sabi ni BB.

Tirada pa niya kay Ogie: “Kung ikaw, bilang kumpadre sana ni Robin, dapat sana, kung ikaw ay level-headed person, you should’ve... sabihin mo, ‘Tama this time ang auntie niyo, makinig kayo.’

“Pero hindi. Gusto mo kasi ng balita. Ayan ka na naman. Wala ka nang sinanto. Kaloka ‘to.

“Makinig ka. You'll get it from me.

"Clearly, you don’t know what you’re talking about. Don’t ridicule me because babalik ko sa iyo iyan, 'no.

“Ganyan ka na ka-negative. You think yung pinagdadaanan ng pamangkin ko, e, gagawin kong biro? Excuse me.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari hits back at Ogie Diaz for allegedly besmirching her reputation. Ogie questioned in his recent vlog BB's advice to Kylie Padilla and Aljur Abrenica to keep their dirty linen in the washroom.
PHOTO/S: @gandangharibb on Instagram / YouTube (Ogie Diaz Updates)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results