Enchong Dee on being taken for granted when he was a newbie: "I was given pangit na damit, pangit na spot."

by Rachelle Siazon
Nov 4, 2021
Enchong Dee beach
Kapamilya actor Enchong Dee on working hard to establish a niche in showbiz for the past 15 years: "Earning respect takes a lot of effort, takes a lot of time, takes a lot of energy. I think yun ang kailangan din natin na iremind sa sarili natin—that we are not entitled."
PHOTO/S: Enchong Dee YouTube / Instagram

Inamin ni Enchong Dee, 32, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naranasan na niya ang mabalewala noong bagong salta pa lang siya sa showbiz.

Taong 2006 nang maging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Nag-aaral pa siya noon ng kursong Development Studies sa De La Salle University Manila, at bahagi ng national swimming team na lumaban sa SEA Games at Asian Games.

Sabi muna ni Enchong, "Oo, siyempre, lalo na nung nagsisimula ako. Siguro buti na lang, I'm coming from being an athlete.

"Kasi ang kinalakihan ko, ang ugali ng isang atleta, kapag sinabihan mo siya na di mo kaya, or dinown mo siya, gagawa at hahanap kami ng paraan to prove you wrong.

"So, when I was starting, naalala ito ni Kuya. Si Kuya kasi mas nauna sa akin sa industriya.

"Ta's naalala ko si Raf, nakasama ko sa Huwag Kang Mangamba, kinuwento rin niya sa akin."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na "Kuya" ni Enchong ay ang nakatatanda niyang kapatid na si AJ Dee, at ang tinutukoy niyang "Raf" ay si Rafael Rosell na dating Star Magic artist.

Nangyari ang insidenteng nanliit sa sarili si Enchong sa Sunday musical-variety show na ASAP noong 2008, na una niyang taon sa show.

Balik-tanaw ni Enchong: "My first ever guesting sa ASAP, pakiramdam ko I was taken for granted because I was given pangit na damit, pangit na spot, pangit everything.

"To the point na naiyak ako, kasi, 'Bakit ganun?'

"Coming from swimming, everyone has this huge respect towards me and then, eto, parang binalewala nila ako."

Pero napagtanto ni Enchong na responsibilidad niyang patunayan muna ang kanyang kakayahan bilang artista.

Tingin niya ay iyon ang tamang perspektibo ng isang baguhang artista.

Ani Enchong: "And then I realized after a few years, di pala ako pwede maging entitled dun sa pakikitungo sa akin ng tao.

Continue reading below ↓

"Kailangan ko muna patunayan sarili ko dito sa mga tao because this is a different field, this is a different industry, this is a different set of people.

"And then, I started doing my job."

Sa karanasan ni Enchong, mas kumpiyansa siya dahil alam nitong pinaghirapan niya ang kanyang estado ngayon sa showbiz.

"And then pakiramdam ko, naninibago ako pag tinatawag ako 'Sir Enchong, Mr. Enchong...' Parang sila Tito Nonie lang yun, ha," tukoy niya sa batikang aktor at acting coach na si Nonie Buencamino.

Patuloy ni Enchong, "Pero pakiramdam ko, because I was able to do my job somehow, you earn that respect. You're not entitled but you earn it.

"Earning respect takes a lot of effort, takes a lot of time, takes a lot of energy.

"I think yun ang kailangan din natin na i-remind sa sarili natin—that we are not entitled."

Nang tanungin ng PEP.ph kung may artista bang nang-isnab sa kanya, sinabi ni Enchong na hindi raw isyu iyon sa kanya.

Continue reading below ↓

"Hindi, kasi pag iniisnab ako, ako yung humahabol!" natatawang hirit niya.

"Tsaka mahilig ako makipag-usap sa tao. Like, ganito, I enjoy this conversation. I learn a lot from other people. I love talking to people. It's something I love doing.

"Like, kanina may naglilinis ng room ko. Kinakausap ko siya. Kinukumusta ko. I like talking to people."

ENCHONG ON 15 YEARS IN SHOW BUSINESS

Nakausap ng PEP.ph si Enchong sa virtual mediacon para sa month-long celebration ng 30th anniversary ng Maaalaala Mo Kaya, ang long-running drama anthology ng Kapamilya Channel.

Sa Sabado, November 6, gagampanan ni Enchong ang real-life story ng isang comic artist na dating basurero at drug pusher.

Espesyal kay Enchong na bumida sa MMK anniversary episode dahil ngayong taon ay ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-15 taon sa showbiz.

Aniya, "I constantly ask my myself, I constantly ask people in my management, 'Kailangan pa ba ako sa industriyang ito? Mayroon pa ba ako maibibigay?'

Continue reading below ↓

"Yung kaba nitong episode na ito, yun lang nasa isip ko ngayon."

Saksi ang direktor na si Jerome Pobocan sa journey ni Enchong bilang artista.

Lahad ni Direk Jerome, "When he was starting, isa ako sa mga una niyang director sa Lastikman. Grabe si Enchong noon, pinagsasabay ang pag-aaral at acting. At nasa swimming team siya noon.

"Tapos yung ginagawa niya, puros fantaserye, so mahirap... Yung mga challenges na yun na-overcome ni Enchong.

"Ngayon, I'm so proud na di lang siya isa sa reliable actors, Enchong has proven himself. Kering-keri mo. Kayang-kaya mo."

ON HAVING THE RIGHT ATTITUDE

Pero higit sa talento sa pag-arte, isang bagay na mas pinahahalagahan ni Enchong ang pagkakaroon ng maayos na ugali.

"Hindi ko na maalala kung sinong senior star ang unang nagsabi sa akin nito. Pero sabi niya sa akin, 'Ang acting or performance ng artista, napag-aaralan, pero ang ugali ng artista, mahirap baguhin.

Continue reading below ↓

"'So make sure na mas mabuti kang makisama muna and then aralin mo yung craft mo.'"

Dagdag ni Enchong, "Kasi napakaliit ng industriya natin.

"Yung mga taong inartehan mo, yung mga taong pinakitaan mo ng disrespect, yun at yun din ang mga taong makakasama mo."

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Enchong Dee on working hard to establish a niche in showbiz for the past 15 years: "Earning respect takes a lot of effort, takes a lot of time, takes a lot of energy. I think yun ang kailangan din natin na iremind sa sarili natin—that we are not entitled."
PHOTO/S: Enchong Dee YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results