KC Concepcion to dad Gabby on his 57th birthday: "Past is past, and what matters the most is TODAY and TOMORROW!"

by Arniel C. Serato
Nov 5, 2021
Gabby Concepcion 57th birthday
KC Concepcion shares on Instagram her bonding moments with stepsister Samantha Concepcion and dad Gabby Concepcion on his 57th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: @kristinaconcepcion on Instagram

Sa bawat kaarawan ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion, hindi nakakaligtaan ng panganay niyang anak na si KC Concepcion na magbahagi ng espesyal na mensahe sa social media.

Ngayong Biyernes, November 5, ang ika-57 kaarawan ni Gabby.

Sa kanyang Instagram, nag-post si KC ng dalawang larawan kasama ang ama at ang kanyang stepsister na si Samantha Concepcion.

Sa kanyang caption, inulit muli ni KC na si Gabby ang unang bumihag ng kanyang puso bilang ama nito.

Pinasalamatan din ni KC ang ama sa walang ampat na paggabay nito sa kanya kahit hindi sila araw-araw magkasama.

Mensahe ng 36-year-old actress, “Hey, handsome! Happy happy birthday to you papa—the first guy who stole my heart!!!

“Thank you for always spending time with me/us, for checking up on me and picking up the phone when I call even if it’s 2am!”

Ipinagpasalamat din ni KC ang pag-aaruga ni Gabby sa kanya kahit hindi na buo ang kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Si KC ay anak ni Gabby sa dating asawa nitong si Sharon Cuneta. Naghiwalay sina Gabby at Sharon noong 1987 matapos lamang ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Patuloy ni KC, “I value and cherish every second we spend together, every conversation, every bonding moment, every new adventure and every new story you have to tell.

“Thank you for not only making up for all the lost time, but for making the effort to keep our bond close, too.

“Thank you for respecting me as a grown woman, and as an adult- this is so precious to me.

“But also, thank you for still making me feel like your baby girl.”

Ayon pa kay KC, kahit may mga pinagdaanan silang pagsubok noon, hindi na ito mahalaga dahil mas importante ang kinabukasan nila bilang pamilya.

“I missed you for many years, but I love you more now and I still and forever will love you so so so much.

Continue reading below ↓

“Past is past, and what matters the most is TODAY and TOMORROW! I love every second! HAPPY BIRTHDAY, Papa!!! @concepciongabby

Sa comments section, nagpasalamat naman si Gabby sa dalawa niyang anak na babae.

Gabby Concepcion message to daughter

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion shares on Instagram her bonding moments with stepsister Samantha Concepcion and dad Gabby Concepcion on his 57th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: @kristinaconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results