Maureen Montagne wins Miss Globe 2021

by Jojo Gabinete
Nov 6, 2021
maureen montagne miss globe 2021
Maureen Montagne of the Philippines was crowned Miss Globe 21 held in Tirana, Albania, Friday night, November 5.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Si Maureen Montagne ng Pilipinas ang nanalong Miss Globe 2021.

Ang Opera House sa Tirana, Albania ang pinagdausan ng final night ng Miss Globe 2021, na nagsimula ng Biyernes ng gabi, November 5, at natapos ng Sabado ng madaling-araw, November 6, 2021.

Tinalo ni Maureen ang 49 iba pang mga kandidata.

First runner-up sa Miss Globe 2021 si Miss Nigeria Ester Ogechi Gabriel, second runner-up si Melike Bali ng Turkey, 3rd runner-up si Jhosskaren Carrizo Smo ng Venezuela, at 4th runner-up si Hailey Hamelin-Wilson ng Canada.

Si Maureen ang pangatlong Pilipina na nagwagi ng karangalan. Una itong napanalunan ni Maricar Balagtas noong 2001 at sinundan ni Ann Colis noong 2015.

“Do you think beauty is a merit and how can we enrich it with other values?” ang tanong kay Maureen ni Miss Globe 2019 Alejandra Diaz de Leon ng Mexico.

Sagot ng 28-year-old Filipina beauty: “I think true beauty comes from within. To be a Miss Globe is to be a beauty that inspires.

Continue reading below ↓

"What makes us beautiful is our smiles, what we do for our community, it’s how we give back to others, and it’s how we carry ourselves through lives.

“I believe that everyone has beauty inside of them, and I believe it’s our duty to share it with the world and to give back and to truly inspire others.”

Si Maureen ang successor ni Miss Globe 2020 Lorinda Kolgeci ng Kozovo, na nagsalin sa kanya ng korona.

Naramdaman ng mga nanood ng live streaming ng Miss Globe coronation night na tunay na malapit na ang Pasko dahil sa Christmas tree-inspired green gown ni Kolgeci.

miss globe 2021 grand coronation

Continue reading below ↓

Si Maureen ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Eco International 2019 na naganap sa Cairo, Egypt, at siya ang tinanghal na 1st runner-up.

Si Miss Peru Suheyn Cipriani ang nanalo, pero binawi ang korona nito nang magbuntis.

Si Maureen ang dapat na kapalit ni Cipriano, pero tumanggi siya dahil pinili niyang sumali sa 57th edition ng Binibining Pilipinas.

Hindi nagkamali ng desisyon si Maureen dahil siya ang nagwagi ng Bb. Pilipinas-Globe title noong July 11, 2021 at makalipas ang apat na buwan, nag-uwi ng Miss Globe 2021 crown.

Ang Miss Globe 2021 ang pangwalo sa mga beauty pageant na sinalihan ni Maureen, na beterana sa mga beauty contest.

Lumahok siya noon sa Mutya ng Pilipinas 2013 (1st runner-up), Miss Arizona USA 2015, Miss USA 2015 (Top 15), Miss World America 2017 (1st runner-up), Miss World Philippines 2018 (Miss Eco Philippines 2018), Miss Eco International 2019 (1st runner-up), at Binibining Pilipinas 2021 (Bb. Pilipinas-Globe).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maureen Montagne of the Philippines was crowned Miss Globe 21 held in Tirana, Albania, Friday night, November 5.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results