Kris Aquino, fiancé Mel Sarmiento wear formal attire on their "first date" at a fast food resto

by Arniel C. Serato
Nov 7, 2021
Kris Aquino Mel Sarmiento first date
Kris Aquino on first date with fiancé Mel Sarmiento in a fast food chain: "Ang sarap maging normal, regular person.”
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram

Tila milestone kay Kris Aquino ang unang date nila ng fiancé na si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sevilla Sarmiento.

Sa kanyang Instagram ngayong araw, November 7, ibinahagi ni Kris ang pagdalo nila ni Mel sa isang kasal.

Pagkatapos ng selebrasyon, medyo mabagal ang takbo ng trapiko kaya napagdesisyunan nilang dumaan muna sa isang fast food chain na dating iniendorso ni Kris.

Suot pa rin ng dalawa ang kanilang damit nang pumunta sa kasal—gown para kay Kris at barong Tagalog sa dating DILG secretary.

Deklarasyon ni Kris, ang saya raw pala ng buhay ng isang normal o regular na tao.

Bahagi ng caption ni Kris, “It was more than 3 hrs to get back kaya nag stop sa fast food and it’s been YEARS since i’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because i said ang sarap maging normal, regular person.”

Continue reading below ↓

Pero binasag naman daw ng kanyang make-up artist ang kasiyahan nila ni Mel dahil sinabihan daw sila nitong wala namang nagda-dine in sa isang fast food chain ng naka-gown.

Masasabi raw ni Kris na ito ang "first date" nila ng fiancé.

Dagdag ng dating TV host, “Sinira ni @rbchanco because sabi nya wala raw nag da-dine in naka gown and nagpapa picture lahat ng crew.

"i said walang basagan ng trip… i just want to say thank you to the service crew at McDo Silang for having been so gracious & opening up an area for us.

"1st time Mel & i ever ate out so you can say it was our 1st date - we won’t forget you.”

View this post on Instagram

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Noong October 24, 2021 inanunsiyo ni Kris ang engagement niya sa dating DILG secretary ng kanyang namayapang kapatid na si former President Noynoy Aquino.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino on first date with fiancé Mel Sarmiento in a fast food chain: "Ang sarap maging normal, regular person.”
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results