Sinasabing ang nagpapatibok ngayon sa puso ni Kristina Bernadette Cojuangco Aquino ay si Mel Senen Sevilla Sarmiento.
Dating secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Mel.
Tila nakumpirma ng publiko ang ugnayan nina Kris at Mel nang sumagot ang dalawa sa isang netizen na may maangas na comment sa Instagram at Facebook posts ng TV host kahapon, August 11.
Nang araw ding iyon, isang mystery guy ang binati ni Kris sa kaarawan nito.
Mensahe niya: “Thank you for coming into my life… Happy birthday!”
Sa caption, ibinahagi ni Kris ang saloobin sa likod ng kanyang maikling mensahe para sa taong nagbibigay daw ng kulay sa buhay niya ngayon.
Pinag-isipan daw ni Kris nang husto kung ia-upload niya ang pagbati dahil alam niyang pagsisimulan ito ng iba't ibang espekulasyon.
Pero ang taong ito ay dumating daw sa buhay niya sa panahong labis ang kanyang pagdadalamhati.
Ang taong ito rin daw ang patuloy na nagbibigay sa kanya ng "unselfish support & comfort" at nasa tabi niya "for all my ups and downs, health woes, and tears."
Gusto rin daw ng anak niyang si Bimby ang taong kanyang tinutukoy.
Higit sa lahat, ang taong ito raw ang nagpaparamdam sa kanya na siya ay "taken care of, secure, and SAFE."
Sa huli, sinabi ni Kris na "deserving" ang hindi niya pinangalanang tao ng birthday greeting dahil sa pagiging "special" nito sa kanya.
Buong mensahe ni Kris (published as is): “i thought long and hard whether to upload this, because i know what kind of speculation i’ll be starting…
“BUT he really did come when my grief was unbearable; he continues to give me unselfish support & comfort; he’s been around for all my ups and downs, health woes, and tears- plus bimb likes him… most of all he makes me feel taken care of, secure, and SAFE.
“So he is deserving of this birthday greeting that all of you are now seeing (care bears na kung anong iisipin ninyo) BECAUSE for me he is #special.”
View this post on Instagram
"NO NEED TO GUESS"
Sa comments section, maraming pangalan ang inilutang ng netizens na may kaarawan kahapon o ilang araw bago at matapos ang August 11.
Kabilang na rito ang matagal nang iniuugnay sa kanyang si Willie Revillame.
Sabi pa nga ng isang netizen: “You kept the whole Philippine Islands guessinG in FB! Iba ka talaga! Whoever he is, hope he makes you radiantly happy! Stay healthy & happy!”

Sinagot ito ni Kris.
Aniya, hindi na kailangang hulaan dahil nagkomento na ang lalaking tinutukoy niya sa kanyang post dala ng harsh comment ng isang netizen.
Sabi ni Kris: "no need to guess, scroll down- he borrowed my phone to reply to this weird troll.
“(maybe now you’ll understand, that at least now there’s someone with the guts to stand up for me… wala akong pinatatamaan, i’m just stating facts… because for the longest time that was what my friends & followers kept telling me- that i deserved someone na handa akong ipaglaban.)
“maybe i’m just proof- everything happens in God’s perfect time, not ours but His. All He asks is that we continue to have faith while we patiently wait.”

NARCISSISTIC KRIS?
Ang tinutukoy ni Kris na "weird troll" ay ang netizen na nagsabing “narcissistic” siya, o taong labis ang pagtingin sa sarili.
Sinabihan pa ng netizen si Kris na burahin na nito ang social media accounts niya para huwag malasin ang "dating DILG Secretary" na nauugnay sa kanya.
Ayon sa netizen (published as is): “Ghorl @krisaquino Kung gusto mo talaga na private ang buhay mo. Wag kana mag post ng Ganito narcissistic ka din e.
"Kawawa naman ang dating DILG secretary sayo be fair. Please abolish you’re social media account. Please lang day! Baka malasin pa.”

Sinagot ito ni Kris.
Ayon sa kilalang TV personality, wala siyang binabanggit na pangalan sa post, at kung meron man ay hindi pa rin niya makita kung bakit didiktahan ang gagawin niya sa sariling social media accounts.
Ibinida rin ni Kris na milyun-milyun ang followers niya sa Instagram at Facebook, kaya hindi raw madali ang mambura na lang ng kanyang accounts.
Kung natatakot naman daw ang netizen sa political ambitions ni Kris, hindi na raw niya ito problema.
May mga haka-hakang papalaot si Kris sa 2022 elections bilang senador.
Buong tugon ni Kris (published as is): “why? did i name names? ikaw ang nag greet by name and nag assume agad… and bakit mo ko didiktahan to 'abolish my social media account?
"Siguro if like you i had 3 posts & 8 followers madaling gawin yun but when you have 4.8 million on IG and 4.5 million on FB you just don’t do that because you respect the relationship you’ve built with the people who have come to love and trust you.
“if you are afraid about my political ambitions, that’s why you called me narcissistic- that’s really not my problem.
“Mas mamalasin tayo kung puro ka negahan like your attitude instead of positivity and #lovelovelove.
“We live in a democracy and wala akong masamang pi-nost.”

Sumagot na naman ang netizen kay Kris. Giit nito, walang patungkol sa pulitika ang kanyang komento.
Saad ng netizen (published as is): “@krisaquino Madame Hindi po ito tungkol sa politics. Ang Sabi ko Lang Kung gusto mo ng private life Bakit need mo pa Mag post ng Ganito.
“Puwede mo naman I greet na lng siya in private. Puro ka hanash ano yan parang Shopee May hint. Ang narcissistic mo Kaya.
“Ano yun gusto mo pag usapan ka lagi duh! Kung tatakbo ka tumakbo ka. Kung Hindi eh di hindi."
Matapos ay humirit ito ng isang politically incorrect putdown sa babae: "Daming hanash bagay sayo sa bahay na lng”

MEL SARMIENTO ANSWERS NETIZEN
Dito na sumagot si dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.
Ayon sa kanya, hiniram niya ang telepono ni Kris upang makasagot sa netizen.
Ibig sabihin, magkasama sila ni Kris sa kaarawan ng dating government official.
Sabi pa ni Sarmiento, huwag masamain ng netizen ang pagbati ni Kris sa kanya dahil napasaya nga siya nito, at "napaka swerte" raw niya.
Tugon ni Sarmiento: “hiniram ko yung phone ni kris- ewan ko kung nakatrabaho kita sa DILG sa laki ng department mahirap maalala ang lahat.
"Wag naman masamain kung nag greet nga sa ‘kin, ba’t naman napunta na sa malas?
"Eh napasaya nga nya ko- kung tutuusin napaka swerte ko.
"Kung nag sama nga tayo sa department na minahal ko, konting respeto naman sa min ni kris. - Mel Senen Sarmiento”

Si Sarmiento ay nagsilbing DILG secretary mula September 2015 hanggang June 30, 2016, sa ilalim ng pamumuno ng kapatid ni Kris, ang namayapang dating Pangulong Noynoy Aquino.
Naging kongresista rin si Sarmiento ng unang distrito ng Samar mula 2010 hanggang 2015, at alkalde ng Calbayog City mula 2001 hanggang 2010.
Ipinanganak siya noong August 11, 1962. Siya ay 59 years old na kahapon.
Si Kris ay 50 taong gulang naman.
Sa pagkakaalam ng publiko, ang huling naging karelasyon ni Kris sa showbiz ay si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Si Kris ay may dalawang anak na lalaki: si Joshua Aquino, na anak niya sa dating partner na si Phillip Salvador, at Bimby Aquino-Yap, na anak niya sa ex-husband na si James Yap.
