Kimpoy Feliciano defends Heaven Peralejo against rude comments from bashers

by Arniel C. Serato
Nov 9, 2021
Kimpoy Feliciano Heaven Peralejo bashers
Kimpoy Feliciano to bashers of Heaven Peralejo: "Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga.”
PHOTO/S: Courtesy: Kimpoy Feliciano on Facebook

Binara ng singer-vlogger na si Kimpoy Feliciano ang ilang bashers na sobrang bastos ang mga komento sa larawan nila ni Heaven Peralejo na nagsu-swimming sa isang ilog.

Kahapon, November 8, ibinahagi ni Kimpoy sa kanyang Instagram at Facebook ang mga larawan nila ni Heaven at ilan pang kaibigan habang naliligo sa Tinipak River, sa Tanay Rizal.

Maiksing caption niya, “It's not the place, it's always the people.”

Sa Facebook, hindi magaganda ang ilang komento ng netizens, lalo na kay Heaven.

Pasaring ng ilang bashers, mukhang may natisod na namang ibang lalaki si Heaven matapos ang hiwalayan nito at ni Kiko Estrada.

Niresbakan ni Kimpoy ang mga bastos na komentong ito patungkol sa kaibigan.

Paglilinaw niya, magkaibigan lamang sila ng Kapamilya young star.

Huwag din daw husgahan si Heaven base lamang sa mga nababasa sa internet.

Mensahe ni Kimpoy: “Para sa mga rude sa comment section. Magkaibigan kami ni Heaven.

“If you're judging the person based on the things you only know from the internet, that's on you.

Continue reading below ↓

“Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga.”

May ilang followers din siyang nalungkot umano dahil paano na raw ang samahan nila ni Gie Cayetano.

Angie o "Anghet" ang tawag ni Kimpoy kay Gie, na best friend niya umano.

Saad niya, “Also, hindi po kami ni Anghet and wala naman pong masama kung may iba akong mga kasama [heart emoji]”

Kimpoy Feliciano Heaven Peralejo

Continue reading below ↓

Ayon sa isang panayam kay Kimpoy noong Setyembre 2021, sa tunay na buhay ay wala silang relasyon ni Gie.

Ikinuwento rin niya ang istorya tungkol sa ginagawa nilang YouTube six-part series na "Laro Tayo, Taguan Ng Feelings."

Aniya, "Kasi po kami po ni Anghet, mag-best friends po talaga kami since second year high school hanggang ngayon. So, parang yung istorya na ito, somewhat related sa aming dalawa.

"Pero since nagkaroon kami ng followers na talagang sini-ship kami to be together, as a couple, in a relationship, parang in-exag [exaggerated] na yung mga nangyayari dun sa series, iyon yung gusto nilang mangyari sa aming dalawa.

"So, parang iyon yung ginawa naming istorya, parang iyon yung gift namin for our followers. Gusto namin silang mapasaya.”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kimpoy Feliciano to bashers of Heaven Peralejo: "Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga.”
PHOTO/S: Courtesy: Kimpoy Feliciano on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results