Heaven Peralejo: "Single, but not ready to mingle"

by Arniel C. Serato
Nov 4, 2021
Heaven Peralejo failed romances
Kapamilya star Heaven Peralejo says, “I am single, but not ready to mingle," after failed relationships with Jimuel Pacquiao (left) and Kiko Estrada (right).
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Instagram

Limang taon pa lamang sa showbiz industry si Heaven Peralejo, 21, ngunit isa siguro siya sa pinakakontrobersiyal na baguhang artista.

Pero hindi ito nakasentro sa kanyang karera sa showbiz bilang artista kundi sa kanyang short-lived relationships.

Si Heaven ay bahagi ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at ex-housemate ng reality show Pinoy Big Brother Lucky 7.

Pamangkin din siya ng mga dating aktres na sina Rica at Paula Peralejo.

Sa kanyang YouTube vlog na inilabas noong October 25, 2021, ibinahagi ni Heaven sa kanyang mga subscribers na mga kaibigan ang kasama sa bakasyon niya sa Siargao.

Single siya ngayon.

Ang rebelasyon rin niya, tatlo na ang kanyang naging karelasyon.

Ang hayagang nakarelasyon ni Heaven mula sa showbiz ay sina Jimuel Pacquiao, 21, at Kiko Estrada, 26.

Continue reading below ↓

Hindi naman malinaw kung ang isa pa niyang ex-boyfriend ay mula sa showbiz o non-showbiz.

HEAVEN-JIMUEL (JANUARY-JULY 2019)

Inamin nina Heaven at Jimuel ang kanilang relasyon noong March 26, 2019, sa panayam sa kanila ni Dyan Castilejo.

May tatlong buwan na ang relasyon ng dalawa noon.

Ang pagiging born-again Christian ng dalawa ay isa lamang daw sa mga bagay kung saan sila nagkakasundo.

Nakangiting pag-amin ni Jimuel, "Actually, church po yung first naming labas-labas."

Dugtong ni Heaven, "Kasi parang yun ang bonding namin every week.

"Nagtsi-church kami every week. 'Tapos after nun, dinner. 'Tapos hatid sa bahay."

Naniniwala raw sila na ang kanilang pananampalataya ang isa sa nagpapatibay ng kanilang relasyon.

Ani Jimuel, "Parang yun ang most important thing, para right path po, dapat center si God."

Pagdating ng July, biglang nagkalabuan sina Heaven at Jimuel.

Naging usap-usapan noon ng netizens sa social media ang dalawa dahil parehong nag-unfollow sina Jimuel at Heaven sa isa’t isa sa Instagram.

Continue reading below ↓

Halos pitong buwan pa lamang ang relasyon ng dalawa.

Kasabay ng alingawngaw ng kanilang hiwalayan, may mga lumalabas na blind item at intriga tungkol sa naging dahilan.

August 2019, inamin ni Heaven na tinuldukan na nila ni Jimuel ang kanilang bubot pa lamang na relasyon.

Kasabay ng pagputok ng balitang hiwalayan nila, may netizens na nagsabing baka raw ang dahilan ay ang paggamit diumano minsan ni Heaven sa credit card ni Jimuel sa paggu-grocery para sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Mariin naman itong itinanggi ng Kapamilya young star.

Kuwento ni Heaven, “Hindi naman po kasi totoo.

“Wait, gusto ko lang i-clarify yung sa grocery, as in never happened yun.

“Hindi ko alam kasi never din kaming nag-grocery together.

“So, I don’t know how it happened.”

Noong kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemic, may isa na namang blind item tungkol sa young actress na tinext diumano ang mayamang ama ng kanyang ex-boyfriend upang manghingi ng pinansiyal na tulong.

Pero pinabulaanan naman ni Jinkee Pacquaio, ang ina ni Jimuel at asawa ni Senator Manny Pacquiao, ang haka-haka ng mga netizens.

Continue reading below ↓

Sabi ni Jinkee noong September 2020, hindi totoong nanghingi ng pera sa kanila si Heaven at wala rin daw silang ibinigay na PHP100,000.

Pahayag ni Jinkee, “Gusto ko lang pong sabihin sa lahat about sa issue na lumabas na naghingi raw si Heaven ng pera sa amin ay ‘hindi po totoo!’

“Hindi po sya naghingi at wala po kaming binigay na pera.”

Nauna na rin siyang ipinagtanggol ni Jimuel.

HEAVEN-KIKO (MAY TO JULY 2021)

Unang naugnay si Heaven kay Kiko noong pumutok ang balitang naghiwalay ang aktor at ang girlfriend nitong si Devon Seron noong nakaraang March 2021.

Continue reading below ↓

Magkasama noon sa serye ng ABS-CBN na Bagong Umaga sina Heaven at Kiko.

Pero mariin itong itinanggi ni Heaven.

Pagdating ng June 2021, namataan ang dalawa na magkasamang nagliwaliw sa Boracay.

July 2021, namataan namang sweet na sweet sa isang birthday party ang dalawa.

Continue reading below ↓

Noong mga panahong yun, wala pang pag-amin ang dalawa sa kanilang relasyon.

Hanggang nitong ikalawang linggo ng August 2021, sa kanilang Instagram accounts, sabay-sabay na nag-post ang dalawa ng kumpirmasyon na magkarelasyon na nga sila.

Si Kiko ang naunang nag-post sa Instagram ng sweet photos nila ni Heaven na kuha sa kanilang pamamasyal.

Continue reading below ↓

Mayroong magkaakbay sila habang naglalakad sa daan, at may kuha ring hinagkan ni Kiko si Heaven habang sila ay nasa loob ng sasakyan ng binata.

"i love you," saad ni Kiko sa caption ng kanyang post.

Sa comments section, ito ang balik-sagot ni Heaven, "i love you too."

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin na ang anunsiyo ni Kiko tungkol sa kanila ni Heaven ang nag-iisang post sa kanyang Instagram feed.

Tanging si Heaven lang din ang kanyang pina-follow ngayon.

Makalipas ang ilang minuto ay si Heaven ang nag-post sa Instagram ng mga litrato nila ni Kiko.

Matamis ang pagkakangiti nila habang magkatitigan at magkayakap sa unang litrato.

Super sweet din sila sa litrato nilang magkahawak-kamay, at may isa pang hinalikan ni Kiko si Heaven sa noo.

Ang salitang "his" ang simple pero makahulugang caption ni Heaven patungkol sa kanila ni Kiko.

Continue reading below ↓

August 24, sa vlog ng talent manager at showbiz writer na si Ogie Diaz, sinabi ni Kiko na hindi nag-overlap ang relasyon niya kay Devon at Heaven.

Tumagal ng lagpas dalawang taon ang relasyon nina Kiko at Devon, at naghiwalay sila noong unang bahagi ng 2021.

Ayon kay Kiko, Valentine's Day ng 2021 sila nag-break ni Devon.

Continue reading below ↓

Pagkalipas ng isang buwan, nagkakamabutihan naman sila ni Heaven. Pero hindi pa raw sila noon.

Kasunod nito ay ibinigay ni Kiko ang timeline ng paghihiwalay nila ni Devon at pagsisimula ng relasyon nila ni Heaven.

Aniya: “Me and Devon broke up on Valentine's Day 2021, and then me and Heaven became together May 30.

“But of course we [me and Heaven] were talking a month after the breakup [with Devon].”

Ikinadismaya raw ni Kiko na pilit pa ring idinidikit ng mga tao si Devon sa kanya kahit hiwalay na sila.

Sabi niya, “I guess people believe what they want to believe.

"Yun nga ang nakakalungkot, e, because... that’s why I stopped social media, because alam ko naman na, you know, people will judge you no matter if they know everything or they truly know who you are.

“So, parang I gave up the whole point, na parang I want them to understand. I want them to really know the truth.

Continue reading below ↓

“Because I know they would believe whatever they want to believe.”

Ipinagdiwang nina Kiko at Heaven ang kanilang third monthsary bilang magkasintahan noong August 30.

Sa post ni Kiko sa Instagram, makikita ang sweet na sweet na larawan nila ng nobya.

Simpleng caption ng 26-year-old actor: “queen & slim”

Tugon ni Heaven, 21: “Forever grateful for you [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Pagdating ng September 1, bigla na lamang binura ni Kiko ang dalawang posts niya tungkol sa kanila ni Heaven.

Maliban dito, in-unfollow na rin ng aktor ang girlfriend sa Instagram.

Kaya naman umingay ang balitang naghiwalay kaagad ang dalawa.

September 19, 2021, napansin ng ilang showbiz fans na hindi na rin pina-follow ni Heaven si Kiko sa Instagram.

Bukod sa pag-unfollow kay Kiko, wala na rin sa Instagram feed ni Heaven ang mga posts nito kasama ang aktor.

Hanggang nitong October 25, kinumpirma nga niyang single na siya, “I am single, but not ready to mingle."

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Heaven, naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Kiko noong nakaraang buwan.

Pero hindi niya pinangalanan si Kiko sa nasabing vlog.

Aniya, “What I can say is yes [naka-move on na]. And nandito ako sa phase na, sobrang cliche, but I'm just loving myself. I'm getting to know me. Ibang phase talaga yun.

"Kaya nandito ako rin sa Siargao kasi I want to learn independency, enjoy life, na I don't need any relationship. I just need my friends, and I just need me.

"I am really happy right now. Super happy kasi walang bigat sa puso ko. Nandun ako sa phase na yun.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Heaven Peralejo says, “I am single, but not ready to mingle," after failed relationships with Jimuel Pacquiao (left) and Kiko Estrada (right).
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results