Belle Mariano addresses bashers telling her, "Hindi ka maganda."

by Rachelle Siazon
Nov 9, 2021
Belle Mariano head shot
Swabe ang reaksyon ng Kapamilya actress na si Belle Mariano nang bigla siyang okrayin sa gitna ng kanyang impromptu singing performances via livestream.
PHOTO/S: @belle_mariano Instagram

Hindi inasahan ni Belle Mariano, 19, na ang pagnanais niyang makita siya ng fans sa isang impromptu performance ay nasingitan ng pangmamaliit sa kanya ng ilang bashers.

Si Belle ay Kapamilya star na kinagiliwan sa tambalan nila ni Donny Pangilinan sa defunct weekly series na He's Into Her. May uniname silang DonBelle.

Nakilala rin si Belle sa pelikulang Four Sisters Before The Wedding noong 2020.

Nag-livestream si Belle noong gabi ng November 3.

Para pasiyahin ang netizens, sunud-sunod ang pagkanta ni Belle ng mga awiting tulad ng "12:51," "I Knew You Were Trouble," at "Maybe This Time."

May isang punto kunsaan habang kumakanta siya ng "Maybe This Time," lumingon si Belle para magbasa ng comments sa live stream.

Dito bahagyang makikita na mula sa maaliwalas niyang pagkakangiti ay biglang napakunot ng noo si Belle habang tinitingnan ang comments ng netizens.

Sinasabing dito niya nabasa ang batikos ng bashers tungkol sa kanyang pisikal na hitsura.

Continue reading below ↓

Sabi ng isang basher kay Belle, "Hindi ka maganda."

Belle Mariano basher

May nagkomento rin na "ang laki nang ilong" ni Belle.

Belle Mariano basher

Continue reading below ↓

Hindi inurungan ni Belle ang bashers.

Sa halip na mairita, swabe ang sagot niya sa mga ito.

Sabi ni Belle, "Sa lahat po ng nagsasabi ng negative comments, thank you still for watching my live."

REACTION OF BELLE MARIANO'S FANS

Marami sa mga tagasuporta ni Belle ang mabilis na dumepensa sa batang aktres.

Continue reading below ↓

Inggit lang daw ang detractors ni Belle.

Belle Mariano fans

May iba pang fans na ginamit ang video clip ni Vice Ganda mula sa lumang episode ng It's Showtime para sagutin ang bashers.

Sabi roon ni Vice: "Bash nang bash dun sa artista, pero pinapanood nila yung artista...

"Ayaw niyo pala, galit pala kayo, e, di iwasan niyo makita, iwasan niyo pakinggan.

Continue reading below ↓

"Bakit tinututukan niyo? Tanga ka?"

Belle Mariano fans

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Swabe ang reaksyon ng Kapamilya actress na si Belle Mariano nang bigla siyang okrayin sa gitna ng kanyang impromptu singing performances via livestream.
PHOTO/S: @belle_mariano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results