Maggie Wilson reacts to funny video about cheating husband caught and busted by his irate wife

by Rachelle Siazon
Nov 10, 2021
Maggie Wilson in Dubai
Netizens can't help but notice Maggie Wilson's cryptic reaction to a funny video about a husband caught having an affair at a hotel.
PHOTO/S: @wilsonmaggie Instagram

Agaw-pansin ang reaksiyon ni Maggie Wilson sa isang funny video tungkol sa mister na nahuli ng misis na may ibang babae.

Isang male netizen ang gumawa ng skit tungkol sa isang front-desk employee ng hotel na may nakaengkuwentrong misis na may babaerong asawa.

"Hi, hello, Ma'am. Checking in? You're looking for your husband? Uh, we're not able to release any information regarding any of our guests," pormal na sabi ng front-desk employee.

Sabay bumulong ito para pasimpleng makipagkuntsaba sa misis.

"What's his name? That's your husband? Oh girl, he's here every weekend. Every weekend, different girl."

Kuwela ang skit dahil umakto ang front-desk employee na ayaw niyang tulungan ang mapilit na misis.

Bahagyang nilakasan ng front-desk employee ang boses at pormal na sinabing, "Yes, Ma'am, I do apologize. I understand your frustation."

Sabay pabulong na panlalaglag niya uli sa mister na guest na hotel, "Okay, so they're in Room 911.

Continue reading below ↓

"So, take this elevator. Make a right, make a left, straight ahead. Next to the ice machine, that's their room."

Panggap na acting uli ng tsismosong front-desk employee, "Ma'am, I understand this is your husband.

"However, you're not under account. We can't release his information."

Tsinek uli ng front-desk employee ang kanyang computer para alamin ang detalye tungkol sa mister na guest ng hotel.

Sa puntong ito, sinusog pa niya ang misis na hulihin sa akto ang mister nito kasama ang kalaguyo.

"They are in the room right now. They just ordered the room service. You have about 15 minutes to set it off.

"Sis, can I come with you? Yeah, no, stupid question."

Sa huli, tuluyang ibinigay ng front-desk employee ang susi ng hotel room.

"You know what, I'll just go ahead and give you the room key. That way you don't have to knock.

"Just open the door. Bust it down."

Continue reading below ↓

Hirit pa ng front-desk officer, ipa-viral nila ang panghuhuli ng misis sa babaerong mister nito.

"And do me a favor. Take me a phone go live."

Ni-repost ng 9Gag ang funny video ng male netizen, at dito humirit si Maggie.

Simple pero cryptic ang eyes emoji na inilapag ni Maggie sa comments section.

Continue reading below ↓

Ang eyes emoji ay karaniwang ginagamit para magbigay-atensiyon sa isang bagay na kapansin-pansin.

Ang konteksto nito ay may halong drama, tensiyon, o excitement, depende sa paraan ng paggamit.

Sa kasong ito, malinaw na nais ipakita ni Maggie ang video sa kapatid niyang si Beth Wilson na naka-tag sa comment.

Tila makahulugan ang reply ni Beth na napatakip ng bibig, natawa, at napa-roll eyes base sa kinomento nitong emojis.

Maggie Wilson cryptic comment

Continue reading below ↓

Pero kung anuman ang nais ipunto ni Maggie ay sila lamang ni Beth ang nakakaalam.

Sa kabilang banda, ang cryptic comment ni Maggie ay nag-iwan ng palaisipan sa ilang netizens.

Hindi maiwasang mabigyan ng kulay ang pagpansin ni Maggie sa video ng misis na nahuli ang mister na may ibang babae.

Napa-react sila na tila nag-spill ng "tea" o juicy info si Maggie.

Mayroon ding napa-"OMG."

Comments about Maggie Wilson cryptic post

Continue reading below ↓

MAGGIE'S SEPARATION FROM husband VICTOR

Hindi kaila na noon lamang September 27, 2021 isinapubliko ni Maggie ang hiwalayan nila ng mister niyang si Victor Consunji.

Walang ibinigay na dahilan si Maggie, 32, kung bakit ang mala-fairytale love story nila ni Victor, 42, ay biglang natuldukan.

Halos labing-isang taon ang itinagal ng kanilang buhay-mag-asawa.

Ang sabi lang ni Maggie, bagamat naging mahirap sa kanila ang pasyang maghiwalay ay wala silang galit sa isa't isa.

Hindi raw mawawala ang "love" at "support" nila sa isa't isa.

Nagdesisyon din silang maging mabuting co-parents sa unico hijo nilang si Connor.

MAGGIE'S CRYPTIC QUOTE

Kasabay ng malungkot na balita ni Maggie ay bumiyahe siya sa iba't ibang bansa sa Europe para sa trabaho.

Nagkaroon din siya ng pagkakataong bumisita sa London kung saan nakipagkita siya sa kapatid na si Beth.

Pero sa gitna nito, noong September 29, ay nag-post si Maggie ng pahiwatig tungkol sa pinagdadaanan niya.

Continue reading below ↓

Saad sa isang cryptic quote na ibinahagi niya noon: "What made her strong was despite the things that hurt her she spoke of nothing, nothing but happiness."

Nasa Dubai ngayon si Maggie, base sa kanyang latest Instagram posts.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens can't help but notice Maggie Wilson's cryptic reaction to a funny video about a husband caught having an affair at a hotel.
PHOTO/S: @wilsonmaggie Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results