PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maggie Wilson cryptic quote on staying strong after breakup

Maggie Wilson is seen bonding with sister after marital breakup announcement.
by Rachelle Siazon
Published Sep 29, 2021
Maggie Wilson hints at keeping busy with things that make her happy after separation from husband Victor Consunji. In early September, Maggie posted on Instagram some of her sexy bikini photos (right) taken at the beautiful Mykonos Island in Greece.
PHOTO/S: @wilsonmaggie Instagram

Nagpahiwatig ang beauty queen na si Maggie Wilson tungkol sa pagpapakatatag niya matapos ang hiwalayan nila ng mister na si Victor Consunji.

Si Maggie, 32, ay isang Filipino-British beauty queen at actress. Kinoronahan siyang Miss World Philippines noong 2007.

Si Victor, 42, ay may pag-aaring construction company at galing sa pamilyang kilala sa negosyong real estate at construction.

Ngayong Miyerkules, September 29, nag-post sa Instagram si Maggie ng magandang profile shot niya.

Sinamahan niya ito ng caption na may malamang quote tungkol sa pagkakaroon niya ng tibay ng loob.

Sabi rito: “What made her strong was despite the things that hurt her she spoke of nothing, nothing but happiness."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyang nasa London si Maggie kung pagbabasehan ang tagged location sa kanyang litrato.

Kahapon ay nag-post siya ng Instagram Story kasama ng kapatid na si Beth Wilson at tinawag niyang "London mommy" na si Claire Apura.

Maggie Wilson London

MAGGIE WILSON AND VICTOR CONSUNJI'S SEPARATION

Noong Lunes, September 27, inanunsiyo ni Maggie ang tungkol sa hiwalayan nila ni Victor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang official statement, inamin ni Maggie na mahirap para sa kanila ni Victor ang magdesisyong tuldukan ang labing-isang taon nilang buhay-mag-asawa.

Hindi niya sinabi ang mitsa ng kanilang hiwalayan.

Pero nilinaw niyang nananatili silang "good friends and partners."

Mayroon silang siyam na siyam na taong gulang na anak na si Connor.

Noong Hulyo ay magkasama pang nagpunta ng Maldives sina Maggie at Victor para sa birthday celebration at engagement ng kanilang malapit na kaibigan.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MAGGIE'S TRIP TO EUROPE

Nitong Agosto at Setyembre, makikita sa Instagram posts ni Maggie ang pagpunta niya sa ilang bansa sa Europe.

Huling bahagi ng Agosto ay nagtungo siya ng Spain, at noong unang linggo ng Setyembre ay nasa Greece naman siya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nagdaang linggo ay may litrato siya sa Dubai.

Hindi malinaw kung alin sa mga ito ang bakasyon o bahagi ng trabaho.

Dati nang nabanggit ni Maggie na mayroon siyang pinagkakaabalahang proyekto na nakatakdang ilunsad sa huling bahagi ng taon.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maggie Wilson hints at keeping busy with things that make her happy after separation from husband Victor Consunji. In early September, Maggie posted on Instagram some of her sexy bikini photos (right) taken at the beautiful Mykonos Island in Greece.
PHOTO/S: @wilsonmaggie Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results