Paulo Avelino, Janine Gutierrez reveal going on a date twice

by Jerry Olea
Nov 11, 2021
paulo janine marry me marry you
Paulo Avelino on possibility of falling for leading lady Janine Gutierrez in real life: “Ako, no questions asked. Kasi, parang… kumbaga… alam ko, itatanggi na naman ako ni Janine. Lumabas na kami dati, hindi lang… Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single din ako, e, di… OK.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Haruran nang harutan sa Twitter sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, na gumaganap bilang Camille at Andrei sa Kapamilya primetime series na Marry Me, Marry You (MMMY).

Napailing si Janine sa virtual mediacon nitong Nobyembre 10, Miyerkules, nang mabanggit ang palitan nila ng tweets.

Hirit ni Paulo, “Pinagising ko nga kaya hindi siya late ngayon, e.”

Tili ni Janine, “Grabe! Grabe!”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Grabe ang asaran nila online. Nagkapikunan na ba sila?

Nakangiting himutok ni Janine, “Wala. Gusto ko nga sanang mapikon siya pero hindi ko po ma-achieve.”

Sambot ni Paulo, “Hindi po ako napipikon. Lalo na kung ganyan kaganda yung mamimikon sa iyo, hindi ka talaga mapipikon. Mas matutuwa ka pa nga, e.”

Sabi-sabi, jokes are half-meant. Naniniwala ba sila sa kasabihang iyon?

Natatawang paglilinaw ni Paulo, “Yung mga jokes namin dun, hindi siya pampag-ibig. So, kung half-meant siya…. medyo… hindi siya… parang puro late si Janine. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Pagdidiin ni Janine, “Yun, joke talaga yun! Hindi talaga ako late.”

Effort ba yung tweets ni Paulo para makapag-communicate sa fans?

Sagot ni Paulo, “Ahhh, as long as it feels natural, parang… OK rin naman. Pero siyempre, may konting effort pagdating kay Janine.

“Kasi, kailangan kong pag-isipan yung mga ibinabalik niyang sagot, e. So, kailangang ma-level up.”

Singit ni Janine, “Galing ko, ‘no?”

Continue reading below ↓

Dagdag ni Paulo, “Learning, learning. Mga two years pa!”

Bumungisngis muli si Janine, “Uu, grabe! Tagal! Ha! Ha! Ha!”

Teka, saan ba nakukuha ni Paulo yung ipino-post na photos ni Janine, like nasa ilalim ito ng mesa?

Tugon ni Paulo, “Kasi, pag hinahanap ni Direk, siyempre, hinahanap ko siya sa set. So, kung saan ko siya maabutan, pini-picture-an ko!

Continue reading below ↓

“Si Janine, laging nawawala, e. Siya na lang ang kulang sa set. Kung nasaan yung turon, nandun siya.”

“Kung nasaan yung pagkain,” pakli ni Janine.

PAULO-JANINE TANDEM

Ang unang pagtatambal nina Janine at Paulo ay sa pelikulang Ngayon Kaya, na napiling official entry sa 1st Summer MMFF (Abril 11-21, 2020). Dahil sa paglaganap ng pandemya, naudlot ang nasabing filmfest, at hindi pa naipapalabas hanggang ngayon ang Ngayon Kaya.

Sa lock-in taping nila ng teleserye, ano ang bagong nadiskubre nila sa isa’t isa?

Pagbuntong-hininga ni Janine, “Noong ginawa namin yung pelikula, hindi pa masyadong bully si Paulo.

“Pero dito sa show, talagang lumabas yung tunay niyang pagkatao. Charot!” pagbungisngis ng dalaga.

Dagdag ni Janine, “Ahhm… masaya! Super-super-saya talaga to work with Pau and Jake [Ejercito], kasi palagi nila kaming pinapakain.

“And pagdating sa mga eksena, nagtutulungan kami. And naging sobrang laking tulong nila sa akin.

“Ahhm, yeah… pero yun talaga ang pinaka na-discover ko na talagang… ang hirap talunin ni Paulo sa pang-aasar.”

Continue reading below ↓

Pagmamatuwid ni Paulo, “Hindi pambu-bully yun. Pagpapa-cute yun. Na tine-take lang niya in another way. Ha! Ha! Ha! Joke!”

Tawang-tawa si Janine. Pagpapatuloy ni Paulo, “Si Janine, nung pelikula, hindi rin naman kasi kami naka-lock in, kasi pre-pandemic shoot yun.

“So, siyempre pagdating namin ng set, puro trabaho rin kaagad. Pero dito kasi, dahil may mga oras in-between, may mga rest day kami, nakakapag-usap kami.

“Nakakapagkuwentuhan kami. Nakakakain kami sabay-sabay. Parang… mas nakikilala mo rin hindi lang si Janine, kundi pati personalities ng buong cast.

“And ayun, masaya. Masaya, and sana, nagtagal pa yung shoot namin. Pero natapos. Kaya medyo nalulungkot ako ngayon. Pero OK lang.”

paulo avelino janine gutierrez helicopter

Continue reading below ↓

JANINE THANKS PAULO

Kinikilig pa rin ba si Janine kay Paulo?

Nagseryoso muna si Janine, “Parang may galit na. Charot. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! I was just kidding.

“Ahhm, I am super-happy talaga na… sinabi ko kay Paulo na nagpapasalamat ako na he did this show with me. Kasi, talagang winish ko ito before pa noong ginawa namin yung pelikula.

“Na niloloko ko siya na sana, makapagteleserye kami eventually. And I’m so happy it happened. So… thank you to Pau.

“I’m just really grateful that we were able to do this together.”

Natsa-challenge ba siya to bring out her best dahil si Paulo ang katrabaho niya?

Tumango si Janine, “Yeah, yeah. Kasi, bata pa lang ako, pinapanood ko na si Pau. So, siyempre there’s this pressure na kailangang masabayan mo siya…”

Pagbibiro ni Paulo, “So, sinusubaybayan mo ako nung bata ka pa lang. So, may gusto ka sa akin nung bata ka pa lang?”

Continue reading below ↓

Mabilis na pagkontra ni Janine, “Pag sinusubaybayan, may gusto agad?!”

Sambot ni Paulo, “Hindi. Yun ang sinabi mo sa akin nung last time.”

“Sinabi ko ba?” natatawang paghaplos ni Janine sa kanyang buhok, “Oh my gosh! Ha! Ha! Ha! Ha! Pero Paulo’s generous talaga when it comes to sharing his talent. Feeling ko nga, magaling na direktor 'yang si Pau, e, if ever he chooses to do that… so masaya talaga siyang kaeksena.”

Sansala ni Paulo, wala pa sa isip niyang magdirek. OK na siyang umarte na lang muna at mag-produce.

TRYING NOT TO FALL IN LOVE WITH EACH OTHER

Nagpasalamat ang dalawa sa suporta at pagmamahal ng masusugid na tagasubaybay na pina-trending lagi sa Twitter ang kanilang teleserye. Grabe ang pakilig ng kanilang tambalan, kahit batid ng mga tao na boyfriend ni Janine si Rayver Cruz.

Napangiti si Paulo, “Tina-try namin as much as possible na hindi mainlab sa isa’t … I mean, na mag-work yung chemistry on screen. Mag-work yung chemistry on screen.

Continue reading below ↓

“Ayun, mukhang nag-work naman at mukhang… nagta-transcend naman ito sa mga manonood namin. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Very happy na… na ganito kalaki rin yung reaction nila sa tambalan namin.”

Sakaling walang boyfriend si Janine, puwede bang mauwi sa katotohanan ang loving-loving nila?

“Ako, no questions asked,” pag-amin ni Paulo habang hinahaplus-haplos ang ilalim ng kanang mata.

“Kasi, parang… kumbaga… alam ko, itatanggi na naman ako ni Janine. Lumabas na kami dati, hindi lang… Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single din ako, e, di… OK.”

Tawang-tawa si Janine at ang tili, “Excuse me! Never ko dinenay. Si Pau yung wala namang sinasabi.”

Pagkaklaro ni Pau, “Hindi! Kasi, sinabi ko, nag-date kami ni Janine dati, tapos sabi niya, ‘Hindi, ahh, nag-hang out lang tayo!’ So, parang nasaktan ako. Parang… hang-out lang pala yung dalawang beses tayong lumabas?!”

Tili muli ni Janine, “Hoy! Excuse me! Ikaw kaya ang nagsabi na hang-out!”

Continue reading below ↓

Nanindigan si Paulo, “Uy! Never kong sasabihin yun! Siyempre, proud naman ako sa ‘yo kahit papa’no.”

“Huy! Kahit papa’no lang? Grabe! Ha! Ha! Ha! Ha! Grabe! Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo!” paghalakhak ni Janine.

Pagbawi ni Paulo, “Joke lang! Joke lang!”

HOHOL pala?! As in hang-out hang-out lang?!

Nagtaas ng dalawang kamay si Janine, “Oh, my God! Promise, si Pau ang nagsabi nun!”

Nagmatigas pa rin si Paulo, “Yun ang sinabi niya. Dinenay niya ako, so, parang medyo nasaktan ako.”

Sabi na lang ni Janine, “Kailangan ko ng pruweba.”

paulo janine proposal

Continue reading below ↓

KISSING SCENE

Ano ang naramdaman nila nang mag-kissing scene sila sa teleserye, considering na nagkahalikan na rin siguro sila sa movie?

Pagmumuwestra ni Paulo, “Yung first take namin, parang ano… parang noong umaatras ako, humahabol pa si Janine. Sabi ko, ‘Uy! CUT na!’ Cut na daw, sabi ni Direk!

“Ang kulit, e! Sumasama. E, cut na nga! So, sabi ko, parang… ‘Direk, last take na yung next natin, ha? Baka puwedeng ihiwalay nyo na agad si Janine sa akin para hindi na tumagal. So, yun po yung nangyari.”

Napahagalpak nang lubos si Janine, bago umasam, “Sana, hindi po kayo naniniwala.”

Pareho ng manager sina Janine at Paulo, si Leo Dominguez. Ang turingan ba nila ay parang magkapatid, magkaibigan, o kung ano man?

Matalinhaga ang ngiti ni Paulo, “Ang akin lang po, ahh… hindi po ako pumapasok sa kahit anong panggugulo ng ibang relasyon.”

Mabining lahad ni Janine, “Parang hindi ko kayang maging kapatid si Pau. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Parang hindi ko ma-imagine. Mas kaibigan siguro.”

Continue reading below ↓

Punchline ni Paulo, “Ka-ibigan?”

MARRY ME, MARRY YOU SECOND SEASON

Mababalikan ng fans ang kilig at memorable moments ng unang season sa “Marry Me, Marry You: Season 1 Spotlight” sa Nobyembre 12, Biyernes ng 8:00 p.m. sa iWantTFC at WeTV iFlix, at sa Nobyembre 14, Linggo ng 5:00 p.m. sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Magsisimula ang ikalawang season ng MMMY sa Nobyembre 15, Lunes, sa mas maagang timeslot na 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.

Aalukin na ni Andrei (Paulo Avelino) ng kasal si Camille (Janine Gutierrez) sa kabila ng mga hidwaan ng kani-kanyang pamilya.

Mahaba-haba pa ang tatahakin ng dalawa bago ang “forever” nila. Magiging hadlang sa kanilang relasyon si Cedric (Jake Ejercito), na magpapatuloy ang pagtatraydor sa best friend niyang si Andrei para tuluyang maagaw si Camille.

paulo janine jake marry me marry you

Continue reading below ↓

Unti-unti namang mapapalapit si Andrei sa kanyang inang si Elvie (Cherry Pie Picache). Susubukan niyang makipag-ayos dito sa kabila ng kanyang matinding galit.

Hindi rin magiging madali para kay Andrei na patawarin si Elvie dahil patuloy na sisiraan ni Emilio (Edu Manzano), ang ama ni Andrei, ang relasyon ng mag-ina. Pati ang madrasta ni Andrei na si Laviña (Teresa Loyzaga) ay gagawin ang lahat para maputol ang ugnayan nina Andrei at Elvie, at paghihiwalayin din ni Laviña sina Andrei at Camille.

Siyanga pala, malapit na ring mapanood ng fans ang music video ng theme song ng Marry Me, Marry You na kinanta ni Darren Espanto.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino on possibility of falling for leading lady Janine Gutierrez in real life: “Ako, no questions asked. Kasi, parang… kumbaga… alam ko, itatanggi na naman ako ni Janine. Lumabas na kami dati, hindi lang… Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single din ako, e, di… OK.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results