Rodjun Cruz grateful to GMA-7 for first leading-man role

"Hindi ma-contain yung happiness ko. Very grateful ako..."
by Ruel J. Mendoza
Nov 14, 2021
Rodjun Cruz
"Hindi ma-contain yung happiness ko. Very grateful ako..." says Rodjun Cruz on his first leading role in Little Princess, which is top-billed by Jo Berry.
PHOTO/S: @rodjuncruz on Instagram

Natupad ang matagal nang pinagdasal ni Rodjun Cruz na maging leading man sa isang teleserye sa GMA-7.

Sa upcoming Kapuso teleserye na Little Princess, dalawa ang leading men ni Jo Berry: si Rodjun at si Juancho Trivino.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rodjun sa naganap na Zoom interview noong nag-renew siya ng kontrata sa GMA Artist Center last November 4, 2021. Dito pinadama ng 34-year-old actor-dancer ang kanyang kasiyahan sa pagiging isang ganap na leading man.

"Hindi ma-contain yung happiness ko. Very grateful ako kasi pinag-pray ko iyan kay Lord. Sabi ko, 'Lord, sana po bigyan Niyo pa po ako ng pagkakataon, bigyan Niyo po ako ng show na magagawa ko po yung gusto ko, na mapapakita ko po yung talento ko at makaka-inspire ako ng madaming tao.'

"So noong tinawag nila sa akin iyong Little Princess, sabi ko, 'Wow, grabe ka, Lord, answered prayer na naman ito!' Naniniwala din kasi ako na birthday gift sa akin ito ni Lord kasi nag-birthday ako noong October," kuwento ni Rodjun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-celebrate si Rodjun ng kanyang 34th birthday noong October 10.

RODJUN ON FRIENDSHIP WITH CO-STAR JO BERRY

Ibinahagi rin ni Rodjun na matagal na raw silang magkakilala ni Jo Berry. Nagkasama na sila noon sa isang episode ng Wish Ko Lang, at naging close friends during the taping.

"So doon pa lang, naging close na kami. Kasama niya nga ang nanay niya noon, at nagka-bonding na kami.

"Medyo bitin samahan namin kasi isang taping lang iyon. Pero ang maganda, parang naging malapit kami agad sa bawat isa, naging close kami.

"Nagtatawanan nga kami ni Jo kasi binibiro ko siya noon. Sabi ko, ‘Alam mo, Jo, ikaw talaga yung prinsesa ng GMA. Sana hindi lang tayo dito magkasama. Sana, hopefully, malay mo baka mag-partner pa tayo, maging love team pa tayo.’

“Binibiro ko lang siya noon. Kaya kinilabutan din kami kasi, ‘Hala yung sinabi mo nagkatotoo!’ 'Tapos after two years, heto na nga ang Little Princess tapos mahaba pa kaming magkakasama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Napakabait ni Jo, 'tsaka magaling talaga siya. Natutuwa ako na alam kong pag pinalabas ito, mas madami pa siyang ma-inspire na mga tao.”

Dahil din kay Rodjun kaya napapa-TikTok na rin si Jo Berry. Mapapanood ang mga videos ni Jo kasama ang ibang cast ng Little Princess sa TikTok account ni Rodjun.

"Hindi nga raw siya nagti-TikTok, pero dahil sa pangungulit ko sa kanya, hindi makahinde si Jo! Ang cute niya at magaling sumayaw si Jo.

"Lahat naman kami sa lock-in taping, nagkakatuwaan kami kasi nga para na kaming isang malaking pamilya. Kapag type naming mag-TikTok, lahat kasali."

Aware din si Rodjun na may pinagdaanan na lungkot ang pamilya ni Jo. Pumanaw dahil sa COVID-19 ang tatay, kapatid, at lolo nito.

Nakaka-relate si Rodjun sa nararamdaman ni Jo dahil nawalan rin siya ng ama, ina at ilan pang mga kamag-anak. Diin ni Rodjun ay masakit talaga ang mawalan ng isang miyembro ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She opened up to me and what she’s going through is no joke. But she still manages to smile as she gives her best to her work. Kaya nakakabilib siya.

"I tell her that her father, brother, and grandfather are all proud of her, and they’re watching her from above. We’re doing this for them.

“Kapag naka-break kami, nag-uusap kami ni Jo. Mas pinapalakas ko nga yung loob niya. Sabi ko nga, ‘Yung lolo mo, yung papa mo, yung kapatid mo, sobrang proud sa iyo ang mga iyan. Sila yung mga angels natin in heaven na papanoodin ka. Yung ginagawa mo na ito, napapanuod nila sa heaven.’

“Sabi ko pa, ‘Itong work natin para sa kanila ito. Kasi papanoodin nila tayo at madami pa tayong ma-inspire na mga tao.'”

RODJUN ON WORKING FOR HIS FAMILY

Walong taon na bilang Kapuso si Rodjun at ikinatuwa niya ang muling pagpirma ng kontrata with GMA Artist Center. Wala naman daw siyang reklamo sa mga roles na binibigay sa kanya dahil lahat daw iyon ay tinuturing niyang blessings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa mga nagawang teleserye ni Rodjun ay ang My Husband's Lover, Hindi Ko Kayang Iwan Ka, Encantadia, Legally Blind, Conan The Beautician, One of the Baes, TODA One I Love, The One That Got Away, Kara Mia, at Ang Dalawang Mrs. Real. Nagpe-perform din siya sa All-Out Sundays.

"I'm very thankful and grateful to GMA for the opportunity and for always putting their trust in me. Nandito pa rin ako kasi mas lalo ko na-showcase yung talents ko and mas madami akong natutunan sa kanila.

"Kasi sila yung nagbibigay sa akin ng iba't ibang roles na dito ko lang din ginawa sa GMA. Mas lumalakas yung loob ko, mas nahahasa ako as an actor, at the same time, nakakapag-perform ako kasi love ko rin talaga ang mag-perform."

Maituturing namang suwerte ni Rodjun ang kanyang wife na si Dianne Medina at ang one-year-old baby nilang si Joaquin.

“I’m so thankful to the Lord. Things really change the moment you have a kid. You feel more inspired and you get more driven to work harder because you want your child to be proud of you someday. That’s why I’m trying to give my best in every project I do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The bond you have with your child really is different. It makes you feel like you will do everything for him. I appreciated my parents even more."

All praises din si Rodjun sa asawa niyang si Dianne.

"I love my wife so much, especially after seeing her the first few months of having our baby. How she would stay up late to feed our baby despite working hard all day.

“Our connection has grown stronger. We’re not perfect, but we learn from our experiences together. We continue to pray because we know that we will be able to weather life’s challenges with God at the center of our relationship.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ma-contain yung happiness ko. Very grateful ako..." says Rodjun Cruz on his first leading role in Little Princess, which is top-billed by Jo Berry.
PHOTO/S: @rodjuncruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results