Krista Miller opens up about past controversies: “Life must go on, e.”

by Arniel C. Serato
Nov 11, 2021
Krista Miller past controversies
Krista Miller on surviving past controversies: "Kapit lang po talaga sa Taas."
PHOTO/S: Courtesy: Kristalyn Engle on Facebook

Taong 2013, bugbog na bugbog sa intriga si Krista Miller matapos siyang iturong third party sa hiwalayan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Taong 2016, nahuli ng mga awtoridad si Krista dahil sa ilegal na droga. Nakulong siya ngunit nakalabas din matapos ma-acquit sa illegal drug trading charges.

Paano niya nakayanan ang mga kontrobersiyang ito?

Saad ni Krista, “Kapit lang po talaga sa Taas.

"Kasi, actually kasi, natutuwa nga ako kapag may mga taong nagsasabi na sobrang nakaka-admire na, ‘Kahit sa bigat ng pinagdaanan mo, ikaw na ata yung strongest person na nakilala namin. Sa dami ng pinagdadaanan mo, nakayanan mo.’

“Ganun yung ano nila sa akin. Actually, di ko rin alam kung paano ko nakayanan.

“Kahit dumating sa point na bigat na bigat na bigat na po talaga ako, lalo na yung pinaka-last kasi ano [drug case], e, involved na yung mga anak mo, hindi katulad nung mga sa first two issues ko na ako lang.”

Continue reading below ↓

Ito raw ang nagbigay sa kanya ng lakas na huwag bumitaw dahil wala na ngang kinikilalang ama ang dalawa niyang anak, mawawalan pa sila ng inang kakapitan.

Sinabi raw ni Krista sa sarili: “Hindi, lalaban ako, kakayanin ko ‘to.”

Ito ang mga inihayag ni Krista sa Calamansi App podcast ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 27.

"HOMEWRECKER"

Nang naugnay si Krista kay Cesar, na humantong sa hiwalayan ng aktor at ni Sunshine, puro masasakit na salita ang ibinato sa dating sexy star.

Inakusahan din siyang “homewrecker.”

Saad ni Krista, “Siyempre masakit po yung ganung salita. Lahat na po ata ng mga nakakainsultong salita, na-receive ko na po before.

"Pero life must go on, e. So, kailangan mo talagang lumaban.

"Sabi nga nila, good or bad still publicity, pero deep inside, masakit yung ibinabato sa 'yo lalo na pag pati yung pamilya mo dinadamay na.”

Dagdag pa niya, “Gusto kong ibaon sa limot kung ano yung pagkakakilala ng mga tao sa akin before.

Continue reading below ↓

"Yung ginagawa ko ngayon sa sarili ko, gusto ko namang makilala niyo ako, kasi parang ang dumi na nung ano ko, e, parang pag marinig mo yung 'Krista Miller, ganito, ganyan, ganun.'

“So, parang gusto ko naman na magkaroon ng magandang imahe kahit papa'no.”

Sa lahat ng kanyang mga pinagdadaanang kontrobersiya, may pinagsisihan ba siya?

Sagot ni Krista, “Ako, hindi ko siya masabing pinagsisihan, e, kasi pagsisihan ko siya, kaya din naman ako napunta sa bagay na yun kasi dinaanan ko.

“Hindi ko pinag-isipan na dumaan sa daan na yun, e.

“So, like nga po sa sinabi niyo na may mga bagay tayo na kailangan natin ma-experience para malaman natin kung ano yung tama, kung ano yung mali.

“And then, nasa sa 'yo na yun kung gusto mong ulitin o gusto mong dumaan sa ganung masalimuot na buhay.”

Samantala, nagbabalik-showbiz si Krista. Kasama siya sa advocacy movie ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na Buy Bust Queen.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krista Miller on surviving past controversies: "Kapit lang po talaga sa Taas."
PHOTO/S: Courtesy: Kristalyn Engle on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results