Derek Ramsay and Ellen Adarna are now married

by Arniel C. Serato
Nov 11, 2021
derek ellen wedding
Derek Ramsay and Ellen Adarna exchange "I do's" in Bagac, Bataan, Thursday, November 11, 2021.
PHOTO/S: @nelwinuyphoto / @chissai / @teampatdy11 on Instagram

Kasal na sina Derek Ramsay, 44, at Ellen Adarna, 33.

Derek Ramsay Ellen Adarna wedding entrance

Ginanap ang kanilang simple at for family-and-closest-friends-only wedding sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort, sa Bagac, Bataan, bandang alas kuwatro ng hapon ngayong Huwebes, November 11.

Puro malalapit lamang na kamag-anak at kaibigan ng bride at groom ang imbitado sa kasal.

Continue reading below ↓

Derek Ramsay and Ellen Adarna wedding looks

Mula sa isang simpleng dinner party hanggang sa sweet moments na ibinahagi nila sa kani-anilang social media accounts nagsimula ang love story nina Derek at Ellen.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 26, 2021 unang umamin ang dalawa na may relasyon na sila.

Continue reading below ↓

Noong mga panahong iyon, isang buwan pa lamang daw ang itinagal nito.

Sa mismong bahay pa ni Derek sa Ayala Alabang, Muntinlupa, naganap ang interview ng PEP.ph. sa aktor at kay Ellen.

Magkapitbahay sila sa nasabing exclusive village.

Paglalarawan ng 44-year-old Kapuso actor sa relasyon nila ni Ellen noon, “Wala, wala... It’s not a normal relationship. Hindi siya yung may parang ligawan.

"It’s just nagkakilala kami, from the dinner, every day, ‘O, workout.’”

Sabat ni Ellen, “Huy, baka sabihin nila na ako nanliligaw sa iyo.”

Pagpapatuloy ni Derek, “No, no, walang ganun. Ako lagi ang nag-aaya. Hindi siya ganun.”

Ibinahagi rin ni Derek sa PEP.ph na may "spark" talaga noong unang nagkakilala sila ni Ellen.

"SHE'S THE ONE"

Inakala noon ng marami na mauuwi sa kasalan ang relasyon ni Derek kina Angelica Panganiban, Joanne Villablanca, at Andrea Torres. Pero nauwi sa hiwalayan ang lahat sa kabila ng ilang taong relasyon ng aktor sa mga ito.

Continue reading below ↓

Kaya marami ang nagulat nang inalok kaagad ni Derek ng kasal si Ellen bagamat ilang buwan pa lamang silang magkarelasyon.

Pangako pa ni Derek kay Ellen, siya na ang huling babae sa buhay niya.

Sabi ni Derek sa panayam pa rin ng PEP.ph noong February 26, "Di ba, may reputation ako na ayoko magpakasal dahil ako yung lalaki, and I've always been vocal na, 'No, I want to.'

"I'm just not rushing it, kasi I want to find the right person and talking about the future and talking about the M word seems so natural. Like, I have no fear."

So ngayon, open na sila sa salitang pagpapakasal?

Diretsong sagot ni Derek, “I never tap out. But this one, tap out muna tayo...

“The word is natural, and we want to be as natural as can be.

"But I would be lying to you, to myself, and to everyone if I didn't say that she's the girl that I wanna spend the rest of my life with.”

Continue reading below ↓

Samantala, ang relasyon naman ni Ellen kay John Lloyd Cruz ay nauwi rin sa paghihiwalay ng landas.

Meron silang isang anak, si Elias Modesto Cruz.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay and Ellen Adarna exchange "I do's" in Bagac, Bataan, Thursday, November 11, 2021.
PHOTO/S: @nelwinuyphoto / @chissai / @teampatdy11 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results