Derek Ramsay admits to having a "crush" on Ellen Adarna; Ellen hints at their fiery combination

by Rachelle Siazon
Feb 26, 2021
Ngayong Biyernes, sabay na nagpahiwatig sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na waring naglalagablab ang kombinasyong nila kapag sila ay magkasama. Hindi rin sila nagpatinag sa bashers na hindi pabor sa pagiging malapit nila sa isa't isa.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna / @ramsayderek07 Instagram

Pinanindigan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang pagsasapubliko ng namumuong pagkagusto nila sa isa't isa.

Ngayong Biyernes, February 26, sabay silang nag-post ng kanilang sweet photos sa kani-kanilang Instagram account.

Ang litratong ipinost ni Ellen ay tila kuha sa poolside area ng bahay nila Derek.

Nakaupo sila sa lounge sofa kunsaan nakasiksik si Ellen sa kanang balikat ni Derek. Pareho silang nakasuot ng puting shirt.

Simple pero malaman ang dragon at fire emojis na caption ni Ellen, na waring nagpapahiwatig ng naglalagablab na kombinasyon nila ni Derek.

Instagram Post: Ellen Adarna with Derek Ramsay

Continue reading below ↓

Agaw-pansin ang reply ni Derek na umaming "crush" niya si Ellen.

Biro ni Ellen kay Derek (published as is), "@ramsayderek07 crush mo palang ako dito.. wow hhahhahaha."

Instagram Comment: Derek Ramsay admits crush with Ellen Adarna; Ellen reacts

Sa hiwalay na post ni Derek, magkadikit ang ulo nila ni Ellen sa kanilang litrato, na tila kuha sa hangout area sa second floor ng bahay ng aktor.

Continue reading below ↓

Panay dragon emojis din ang caption ni Derek, na tila pagsang-ayon sa dati nang nasabi ni Ellen na "intense energy" nila kapag sila ay magkasama.

Instagram Post: Derek Ramsay selfie with Ellen Adarna

Magkasama rin ngayong umaga ng Biyernes sina Derek at Ellen base sa "good morning" update ni Derek sa kanyang Instagram Story.

Kasama nila ang non-showbiz friend ni Derek na napalapit na rin kay Ellen.

Continue reading below ↓

ON BASHERS

Aminado sina Derek at Ellen na may mga hindi pabor sa pagkakaigihan nilang dalawa.

Sa kani-kanilang Instagram feed, hindi sila nangingiming sagutin ang bashers na nagbibitiw ng mga hindi magandang salita laban sa kanila.

Kahapon, February 26, may isang basher ang sinabihan si Ellen ng "B**CH" at inakusahan namang "CHEATER" si Derek.

Balik-sagot ni Derek, ang nagbato ng masamang salita sa kanila ni Ellen ay malinaw na "basher."

May isa pang sinagot si Derek na bastos na basher na ganoon na lang kung paulanan sila ni Ellen ng masasakit na salita.

Sana raw ay ikinasaya ng basher ang mga sinabi nitong walang kawawaan.

SINGLE AND READY FOR A NEW ROMANCE

Parehong single sina Derek, 44, at Ellen, 32.

Umpisa pa lang nang nagkasama sila sa isang intimate dinner party sa bahay ni Derek noong January 11 ay tinukso na sila ng kanilang common friends na bagay sila.

Mula noon ay kapansin-pansing napapadalas ang pag-hangout nila sa malawak na bahay ng aktor.

Continue reading below ↓

Una nang sinabi ni Derek sa PEP Troika ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkapitbahay sila ni Ellen.

Sa sumunod na eksklusibong panayam ng PEP.ph, inamin ni Derek na magkasundo sila ni Ellen sa maraming bagay at pareho silang hindi takot na ihayag kung anuman ang kanilang nararamdaman.

Hanggang sa nitong February 21, binuking si Derek ng isang non-showbiz friend na "in love" ang aktor kay Ellen at "perfect match" daw ang dalawa.

Si Ellen ay may may dalawang taong gulang na anak, si Elias, sa dating nobyong si John Lloyd Cruz.

Si Derek ay may 17-year-old son, si Austin, sa ex-wife niyang si Mary Christine Jolly.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong Biyernes, sabay na nagpahiwatig sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na waring naglalagablab ang kombinasyong nila kapag sila ay magkasama. Hindi rin sila nagpatinag sa bashers na hindi pabor sa pagiging malapit nila sa isa't isa.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna / @ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results