BidaMan finalist Kristof Garcia deletes "revealing" Instagram post: "Nakakorte siya nang konti..."

by Jerry Olea
Nov 11, 2021
kristof garcia solo
Kristof Garcia on travails of BidaMan finalists during pandemic: "Andaming nagkaroon sa amin ng depression, anxiety. Talagang halos lahat po ng BidaMan, nagkaroon ng depression.”
PHOTO/S: Temporary Insanity / Instagram

Nagpa-Felix Bacat si Kristof Garcia noong Oktubre 27, Miyerkules, sa Instagram.

Sa litrato, wet look na nakatayo sa swimming pool ang ang 27-anyos na BidaMan finalist. Topless siya, puti ang short at may underwear pa, pero takaw-pansin ang VPL (visible penis line).

Bakit tinanggal niya ang nasabing IG post?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ano po kasi, hindi ko siya napansin,” paliwanag ni Kristof sa virtual interview nitong Nobyembre 4, Huwebes ng hapon.

Para sa akin kasi, hindi naman siya kita talaga. Tapos yung mga comment, saka may mga nag-chat sa akin, nakita daw talaga. Kaya binura ko na po. Nakakahiya. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pero hindi naman po kasi buo yung ano, parang konti lang talaga siya… Nakakorte siya nang konti, kasi basa po yung short.

“May underwear pa po ako dun. Parang fold na nga lang po yun.

“After 30 minutes, binura ko. Ha! Ha! Ha! Ha! Tapos, ni-repost po kasi ni Direk Shandii saka ng ibang ano, na mas tumagal pa. Tapos, pinabura ko din sa kanila.

Continue reading below ↓

“Yung iba, umabot ng kinabukasan. Kasi, hindi agad nabasa yung chat ko, ‘Please, please burahin nyo ‘to!’ Chinat ko halos lahat para burahin. Ha! Ha! Ha! Ha!”

May foreign blood ba siya, lalo pa’t napaka-expressive ng kanyang mga mata, at tila hugis-banyaga ang kanyang pa-Felix Bacat?

“Pure Kapampangan po ako. Taga-Lubao, Pampanga. Ang daddy ko, yung lolo niya, mga Spanish-Chinese, ganyan,” sabi ni Kristof.

“Lolo Rudy Fernandez. Tito po ni daddy si Rudy Fernandez. Yung lolo ko, pinsang-buo niya si Rudy Fernandez. Tapos, sa mother side naman, may mga lahi rin sila.

“Si daddy ko naman po kasi, mukhang Pakistani na maitim. Tapos, si Mama ko, tisay siya.”

LOVE AT THE END OF THE WORLD

May malalang eksena si Kristof at ang katambal niyang si Rex Lantano sa BL series na Love at the End of the World, na nakatakdang mag-streaming sa Disyembre 30, 2021 sa GagaOOLala.

“Ang kaibahan nito sa ibang BL series, ito lang yung BL series na about love at the end of the world. Galing na sa title niya, Love at the End of the World,” salaysay ni Kristof.

Continue reading below ↓

“Kakaiba, kasi ito lang ang BL series na may story about sa paggunaw ng mundo, ganyan. Tapos yung ano naman niya… magmahal ka habang may panahon, at maging masaya lang sa buhay. Appreciate everyone, mga ganun.”

Saan siya humugot ng lakas ng loob upang magawa ang mga maseselang eksena sa BL series?

“Nasabi ko rin po kay Direk Shandii [Bacolod] na hindi ako marunong sa ganito. Bago sa akin lahat ng gagawin,” saad ni Kristof.

“So, ginabayan niya po ako, may mga workshop po kami na ginawa nina Rex. Tapos, may ibinigay siya sa akin na mga facial expression, na mga ano lang, video clips. Yung mukha, ganito, gagayahin mo!’ Ganyan.

“Tapos, nanood ako ng mga porn, ganyan, Taboos. ‘Video-han mo yung sarili mo kung ano yung hitsura mo pag ganito nga, tapos, pag lalabasan,’ ganyan.

“Tapos, yun, hindi ko kaya. Parang… pero sinubukan ko talaga siya, ginawa ko talaga yung best ko para magawa ko nang maayos. Pinag-aralan ko po talaga siya,” natatawang sabi ni Kristof.

Continue reading below ↓

FINGER-LICKING SCENE

Pati ba iyung pagsubo niya sa hintuturo ni Rex, kailangang i-workshop pa siya ni Direk Shandii?

“Hindi. Minotivate lang niya kami. Like meron pong behind-the-scenes sa YouTube,” sambit ni Kristof.

“Dapat ganito, dapat ganyan. Nakinig lang po kami, at ginawa namin ang best namin.”

kristof & rex finger licking scene

Sino sa kanila ni Rex ang mas magaling humalik?

Continue reading below ↓

“Sa totoon buhay, yun lagi ang nakukuha kong compliment sa mga kini-kiss ko. Magaling daw,” napapangiting tugon ni Kristof.

“Pero dito sa series, feeling ko, mas magaling si Rex. Kasi, gumaganun, parang …. alam mo yun, kinakain niya yung bibig. Nakita iyo naman po sa teaser, di ba?

“Parang gutom na gutom siya. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

THE END OF THE WORLD

Sakaling mag-e-end of the world, anu-ano ang tatlong pinakagusto niyang gawin?

“Gusto ko, kasama ko yung pamilya ko. Tapos, magdadasal,” paghugot ni Kristof ng malalim na buntong-hininga.

“Ano kasi, nabubuhay ako sa present. Ine-enjoy ko talaga siya. So, kahit anong mangyari, siguro… hindi naman sa ano… knock, knock, knock!” pagmumuwestra ng binata.

“Hindi ako natatakot. Kahit nung nag-earthquake dito, hindi ako natakot. Sinecure ko lang yung pamilya ko. Niyakap ko lang sila, pero hindi ako natakot.

“Kasi, malakas yung faith ko kay God.”

Gaano siya ka-religious or prayerful? Anu-ano ang idinadalangin niya, o ipinagpapasalamat sa Diyos?

Continue reading below ↓

“Ano po kasi, bata pa lang ako, nasa church na ako. Nag-choir ako, tapos, nag-stick talaga ako kay God na kahit nakailang religion ako — tatlo, apat — bago ako naging born-again Christian. Na-water baptize na ako.

“Ang ipinagpe-pray ko talaga, ayun, laging healthy lang ang mga magulang ko, mga tita ko, tito ko, ganyan. At laging nasa maayos na kalagayan ang pamilya ko, sina kuya, at hindi sila nagkakasakit.

"Yun lang po ang laging ipinagpe-pray ko every night.”

KRISTOF'S FAITH

Ano ang pinagdaanan niya kaya naging madasalin siya? Dahil ba sa pandemya?

“Ahh, hindi po. Bago pa po 'yang pandemya… anong tawag dito? Sa aming magkakapatid po kasi, ako lang ang nakapagtapos ng pag-aaral,” sabi ni Kristof, na pangalawa sa tatlong magkakapatid.

“Hiwalay po ang mga magulang ko. At naging malaking factor sa akin na nandiyan si God, parang naging father figure ko siya. Na kung hindi dahil sa faith ko…

Continue reading below ↓

“Ito ang nagawa ng faith ko! Nakapagtapos ako ng pag-aaral, at natupad ko yung mga pangarap ko. Isa sa mga naging promise ko kay God, na kapag sumikat ako o natupad yung mga pangarap ko bilang artista, gagamitin ko ‘to para maimpluwensiyahan yung mga kabataan, or yung mga tao sa kapaligiran na, ‘Ganito ang nagagawa ng faith! Matutupad ang mga pangarap mo!’

“At hindi naman dahil lang dun, e. Ahhm, sobrang imposible kasi na makapagtapos nga ako ng pag-aaral, at maraming mga imposibleng bagay na nangyari sa akin,” pagtangu-tango ni Kristof.

“Kasi po, dahil nga sa faith ko kay God. Yun ang gusto kong ipakita sa mga tao din.”

Sariling sikap ba niya ang pag-aaral dahil hiwalay ang parents niya?

“Opo, working student po ako, at breadwinner po ako ngayon. Sinusuportahan ko sina daddy at mama, pero wala pa po silang mga asawa,” pagtatapat ni Kristof.

Bilang Christian, balakid ba iyon sa mga mapangahas na eksena niya sa Love at the End of the World?

Continue reading below ↓

“Ayun po, medyo ano nga po siya, pero kapag artist ka po kasi, parang hindi mo siya dyina-judge, yung character or yung story na gagawin mo,” katuwiran ni Kristof.

“Ahhm, basta gagawin mo lang dahil yun yung passion mo, ganyan, as an actor. Saka part po siya ng work. So, ipinag-pray ko naman po siya nang malala. At feeling ko naman po, will Niya yun kaya nakuha ko yung project na ‘to. May reason si God kaya binigay din Niya ‘to.”

HOW DID HE COPE DURING THIS PANDEMIC?

Kumusta ang buhay niya mula nang lumaganap ang pandemya noong Marso ng nakaraang taon?

“Suwertihan. Suwertihan bilang isang artista yung magkaroon ng isang proyekto sa kalagitnaan ng pandemya,” pagdidiin ni Kristof. “

Kasi, andaming mga kapatid natin, kapamilya na nawalan ng trabaho, lalo na sa pandemya. Tapos, nawalan pa ng franchise ang ABS-CBN.

“So, suwertihan talaga. Kaya ako, sobrang feeling blessed ko. Kasi, kahit nung 2020, di po tumigil yung mga proyekto na nabibigay sa akin, kaya na-appreciate ko lahat. Kasi, hindi lahat ng artista, may trabaho.

Continue reading below ↓

“Lahat halos, naapektuhan ng pandemya, at nawalan pa po kami ng franchise. So, yun… ahh, ang naging ano lang namin na mga BidaMan, naging pagsubok lang sa amin is… yung papunta pa lang po kami dun, e, sa mga pangarap namin bilang BidaMan.

“At merong mga nakalatag sa aming proyekto para sa buong taon, fully sched na kami. Fully booked kami ng buong taon sa mga events, sa mga festival. At may iba pang projects na nailatag sa amin, mga endorsement.

“Nawala po lahat yun dahil sa pandemya saka sa kawalan ng franchise. Kaya sobrang… andaming nagkaroon sa amin ng depression, anxiety. Talagang halos lahat po ng BidaMan, nagkaroon ng depression.”

Ang kapwa BidaMan niya na si Jervy de los Reyes, gumawa ng premium account at nagbenta ng private videos. Maging ang ibang BidaMan, may kumalat na eskandalosong vidjakol.

Nakausap ba niya ang mga kapwa BidaMan tungkol dito?

“Nagpapa-subscribe. Premium account ba yun? Oo, nakakausap ko naman. Parang ano, e, ano’ng tawag dito? Ganun nila gustong i-express yung sarili nila,” seryosong pahayag ni Kristof.

Continue reading below ↓

“Yung respect ko, nandun pa rin naman. At kumikita sila dun, e. Saka siguro, parang masaya naman sila dun.

“Yung iba, hindi naman masaya. Kasi, naging victim sila nung Daddy Blake. At muntik na akong maging victim nun. Buti na lang at di ako nagpadala sa mga sinasabi niya na condominium sa BGC, sasakyan.

“Tapos, meron kang allowance na P100,00 a month. So, gagawin mo lang, magbi-video ka, tapos sasabihin mo, ‘I love you, Daddy Blake!’ habang ginagawa mo yun. Sabi ko, kikitain ko naman yun.

“Kinontak niya ako through IG. Tapos, marami pa siyang chinat na models. Marami sa BidaMan, chinat niya.

“Tapos, ayun, di ako naniwala. Kasi, too good to be true. Tapos, kikitain ko din naman yun.”

IS HE WILLING TO DO FRONTAL NUDITY?

Masusundan na ba ng sexy project itong Love at the End of the World? Hanggang kailan siya magpapa-sexy?

“May mga lumalapit na, kas nakita nga nila na medyo daring. Sabi ko, try ko muna ‘to, kung anong mangyari. Dito na lang muna,” sambit ni Kristof.

Continue reading below ↓

Hanggang saan ang kaya niya sa pagpapakita?

Natigilan nang ilang sandali si Kristof bago nagturan, “Ipinakita ko na kasi halos lahat dito, e. Lahat. Siguro, sa ngayon, hindi ko pa kayang mag-frontal.

“Depende siguro kung talagang kailangang-kailangan na. Right timing siguro.”

Pagbubunyag pa ni Kristof, ang BL series na Love at the End of the World ay inspired ng two-part art film ni Lars von Trier na Nymphomaniac (2013), maging ng two-hour Netflix special ng Sense8 (2018) nina Lana at Lilly Wachowski, at J. Michael Stracyznski.

Naka-focus kina Rex at Kristof ang unang episode ng Love at the End of the World entitled Melancholia, na title din ng 2011 sci-fi drama art film ni Lars von Trier. Sa istorya ng nasabing pelikula ay magugunaw ang Earth dahil sasalpok dito ang isang rogue planet?

Ito bang BL series na Love at the End of the World ay world-class?

“Mailalaban po talaga siya. Ang ganda ng mga CGI effects namin. Yung editing, tinututukan. Yung musical score, ang galing!” pagmamalaki ni Kristof.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristof Garcia on travails of BidaMan finalists during pandemic: "Andaming nagkaroon sa amin ng depression, anxiety. Talagang halos lahat po ng BidaMan, nagkaroon ng depression.”
PHOTO/S: Temporary Insanity / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results