Kiray Celis hits back at bashers who made fun of boyfriend's lavish gifts for her

by Bernie V. Franco
Nov 12, 2021
Kiray Celis basher
Kiray Celis slams critics who accused her of paying for the expensive gifts that her boyfriend gave her. Kiray's boyfriend gifted her with the latest smartphone model with price range PHP50,000-PHP69,000, and branded sandals worth PHP6,000.
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram

Umalma si Kiray Celis matapos pagtawanan at pagdudahan ng ilang bashers ang post niya kung saan binigyan siya ng mga mamahaling regalo ng boyfriend.

Noong November 7, 2021, isang appreciation post sa Instagram ang ginawa ni Kiray dahil sa regalong latest model ng smartphone at branded sandals ng boyfriend niyang si Stephan Estopia.

Caption ni Kiray (published as is): “Loyal na lalaki lang hiniling ko. Pero binigyan niyo ko ng lalaking may pa iphone 13 na may pa LV pa! Huhuhuhu! Christmas gift nadaw niya sakin.”

Ang iPhone 13 ay may price range na PHP50,000-PHP69,000, depende sa laki ng memory.

Samantala, ang Louis Vuitton Bom dia flat sandals na binili ni Kiray ay tinatayang PHP6,000 ang halaga.

Nagsunuran na ang komento ng netizens. May mga nagkomentong si Kiray lang daw ang nagbayad ng mga iniregalo sa kanya ng boyfriend.

Sabi ng isa pa, ang aktres din ang nagpapasahod sa boyfriend nito. Puwede naman daw sabihin ni Kiray na regalo niya ito sa sarili.

Continue reading below ↓

May nagtanong pa kung anong "kabuhayan showcase" naman daw kaya ang ibinigay ni Kiray sa boyfriend bilang kapalit.

Narito ang screenshots ng ilang komento mula sa bashers:

kiray basher

Kiray basher instagram

Continue reading below ↓

Kiray bashing

kiray basher

Continue reading below ↓

Hindi pinalampas ni Kiray ang pang-aalipusta ng bashers sa kanya at boyfriend.

Makalipas ang ilang araw, nag-post ng sagot ang Kapuso actress laban sa mga mapanirang paratang.

Malaman ang sagot ni Kiray. Patutsada niya, mahal siya ng boyfriend kaya ibinili siya nito ng mamahaling regalo.

Aniya, “YES! Masyadong mahal tong LV na sandals at IPHONE 13 para iregalo ni @stephan.estopia.

“Halos pasok lang sa sweldo niya sa stream at sa endorsements na ginawa niya.

“Pero hindi yun naging hadlang para hindi niya daw maibigay lahat ng gusto ko..”

Pinarunggitan din ni Kiray ang netizens na “makikitid” umano ang utak.

“Kaya nagpapasalamat ako sa jowa ko kasi kahit hindi naman niya kailangan patunayan sainyo.. at dahil sa makikitid na utak niyo na kesyo ako lagi gumagastos, ako bumili, ako naglabas eh ginagawa niya parin..”

Mismong ang boyfriend daw ang nagsabing “deserve” niya ang mga mamahaling gamit at pagpapakita kung gaano nito kamahal si Kiray.

Continue reading below ↓

Sabi ni Kiray, “Para daw malaman niyong lahat kung gaano niya ko kamahal. Kaya, Salamat kasi buong buhay ko halos gamit at kailangan ng pamilya ko ang priority ko.. madalas nakakalimutan ko na yung sarili ko..

Mensahe pa ni Kiray kay Stephan: “Pero lagi mong pinaparamdam sakin na "DESERVE" ko lahat kasi mabait at masipag akong tao.. Thank you dad! Salamat sa lahat!”

Supalpal naman ni Kiray sa mga paninira sa kanya: “Kaya sa mga inggitera, hindi kasi kayo nireregaluhan ng mga jowa niyo.”

Ayon pa sa aktres, pinagtatawanan na lang nilang magkasintahan ang mga paratang ng netizens gaya ng mga sumusunod:

“Hindi naman nababase ang pagmamahal sa regalo..

“Hindi naman porket binilhan ka ng mamahaling gamit, hindi ka na lolokohin..

“Hindi binili ng jowa niya yan.. pera ni kiray yan."

Sabi ni Kiray, “[Ilan] lang yan sa mga narinig namin pero nakakatawang basahin at pakinggan..”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis slams critics who accused her of paying for the expensive gifts that her boyfriend gave her. Kiray's boyfriend gifted her with the latest smartphone model with price range PHP50,000-PHP69,000, and branded sandals worth PHP6,000.
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results