Vice Ganda jokingly assures new It's Showtime host Ogie Alcasid: "Alam ito ng direktor namin.”

by James Patrick Anarcon
Nov 14, 2021
Ogie Alcasid and Vice Ganda talking
Vice Ganda quips as he welcomes Ogie Alcasid as new It's Showtime host: “Huwag kang mag-alala, Ogie. Lahat ng nangyayari dito, alam ng direktor namin kaya wala kang dapat ipag-alala.”
PHOTO/S: It's Showtime (ABS-CBN)

Sinigurado ni Vice Ganda kay Ogie Alcasid na aware ang direktor ng It’s Showtime sa pagiging bagong host nito ng programa.

Kahapon, November 13, opisyal na ipinakilala si Ogie bilang bagong dagdag na regular host sa It’s Showtime, ilang linggo matapos mag-pinch hit kay Vice sa noontime show.

Kasama rin sa nag-welcome ang asawa ni Ogie na si Regine Velasquez, na guest sa It’s Showtime noong araw na iyon para samahan ang asawa sa bagong milestone nito.

Sa gitna ng pagwe-welcome ni Ogie ay biglang nagbiro si Vice tungkol sa pagkakapasok ng OPM icon sa programa.

Sabi ni Vice kina Ogie at Regine, “Wala kang dapat ipag-alala. Kayong dalawa, wala kayong dapat ipag-alala. Iyong pagiging bago mong bahagi ng Showtime, alam ito ng direktor namin.”

Vice Ganda smiling

Continue reading below ↓

Natawa naman ang grupo kabilang si Regine, pero makikitang nagpigil si Regine sa pagtuloy sa kanyang tawa.

Ogie Alcasid and Regine Velasquez laughing

Dagdag pa ni Vice, “aware” ang direktor na si Jon Moll sa pagpasok ni Ogie at isa siya sa mga nag-desisyon nito.

“Isa siya sa mga nagdesisyon. Aware siya, just like always.

Continue reading below ↓

“Huwag kang mag-alala, Ogie. Lahat ng nangyayari dito, alam ng direktor namin kaya wala kang dapat ipag-alala.”

Sinegundahan naman ni Jugs Jugueta ito: "Na-aprub, na-aprub.”

Birong muli ni Vice, “Oo, kahit si Kim Chiu, alam niya ito, di ba?”

Ipinakita namang natawa si Kim sa banat na ito ni Vice.

Kim Chiu laughing

Continue reading below ↓

Si Ogie rin ay nagbiro tungkol naman sa pagkalat sa TikTok ng videos ni Vice sa It’s Showtime tungkol sa sinasabing sagutan ni Vice sa hindi nabanggit na personalidad.

Sabi ni Ogie, “Sa lahat ng mga sinabi mong iyan, pwede gawa kayo TikTok? Para pagdugtong dugtong niyo, parang sinasagot ni Vice, sinasagot... basta iyon.”

Wala man silang nababanggit na pangalan, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pag-alis ng dating direktor ng It’s Showtime na si Bobet Vidanes, na lumipat na bilang creative producer ng kalabang programa sa TV5 na Lunch Out Loud.

BOBET NOT KNOWING ABOUT ADDITIONAL HOST

Sa panayam ng PEP.ph at entertainment reporters kay Bobet noong October 2021, inamin niyang ang last straw para magdesisyon siyang umalis sa programa ay dahil sa mga desisyon na hindi dumadaan sa kanya.

Hinaing niya, "Marami po akong information na… na nagugulat. Na nalalaman ko lang habang mag-eere. Na meron pala kaming… additional host na bibigyan ng bulaklak.

Continue reading below ↓

“Huwag niyo na lang tanungin kung sino [sa It’s Showtime]. Panoorin niyo na lang.

"Basta ganun. Yung mga ganung bagay na… nagde-decide sila na meron palang permanent na host na new member… ano ba naman yung sabihan niyo ako?!

“Ito po’y mag-eere na. Ano ba yung konsultahin niyo ako?!”

Naramdaman din daw ni Bobet na siya ay na-bypass dahil sa pangyayari.

Wala mang binanggit na pangalan si Bobet, tila ang tinutukoy niyang "additional host" ay si Kim Chiu, na naging regular co-host ng It's Showtime simula noong September 28, 2020.

Nauna naman na noong ibinunyag ni Kim noong April 2021 na sa pagpasok niya noon sa It’s Showtime, merong mga taong “hindi masyadong tanggap” ang pagpasok niya sa programa.

Pero hindi binanggit ni Kim kung sino ang kanyang tinutukoy. Ang sabi lang sa kanya ni Vice, “Wala naman na siya, hayaan mo na!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda quips as he welcomes Ogie Alcasid as new It's Showtime host: “Huwag kang mag-alala, Ogie. Lahat ng nangyayari dito, alam ng direktor namin kaya wala kang dapat ipag-alala.”
PHOTO/S: It's Showtime (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results