Billy Crawford, Vice Ganda unfollow each other on Instagram

by James Patrick Anarcon
Nov 14, 2021
Billy Crawford and Vice Ganda
Why did Billy Crawford and Vice Ganda unfollow each other on Instagram?
PHOTO/S: @billycrawford / @praybeytbenjamin on Instagram

Hindi na ba on good terms ngayon ang dating magkatrabahong sina Vice Ganda at Billy Crawford?

Namuo ang espekulasyong ito nang matuklasan ng netizens na parehong nag-unfollow sa isa't isa sa Instagram ang dating co-hosts ng It’s Showtime.

Kapag tsinek kasi ang following nina Vice at Billy, parehong hindi na lumalabas ang mga account nito.

Vice Ganda unfollows Billy Crawford on Instagram

Continue reading below ↓

Billy Crawford unfollows Vice Ganda on Instagram

Wala namang nababanggit na kahit na anong isyu sa pagitan nina Vice at Billy, maliban na lang sa mahigit isang taon nang hindi na sila magkasamahan sa trabaho.

Hindi na napapanood ngayon si Billy bilang hurado ng “Tawag ng Tanghalan” segment sa It’s Showtime dahil nagdesisyon na iyong lumipat sa TV5 at katapat na programa, ang Lunch Out Loud.

Continue reading below ↓

Bago maging semi-regular si Billy sa It’s Showtime bilang hurado sa “Tawag ng Tanghalan,” isa siyang regular host ng programa simula 2010 hanggang 2018.

VICE GANDA JOKING “BILLY CRAWFORD” WINNING SHOWTIME SEGMENT

Noong October 2020, nagbiro pa si Vice tungkol kay Billy pero tila ito ay may kinalaman sa paglipat niya sa kalabang programa.

Sa isang segment kasi ng It’s Showtime, pumipili ang mga host ng masuwerteng winners via Twitter. Ang kailangan lang ay ginamit ng netizens ang tamang hashtag for the day.

Ang hashtag ng It’s Showtime noong araw na iyon ay #SolidShowtimerAko.

Habang namimili ang hosts, sumingit si Vice at animo’y nakapili na siya ng winner: "Ayan, o! @billycrawford."

Natawa ang fellow hosts ni Vice sa pasimpleng hirit tungkol sa dating Kapamilya.

Babala naman ng host na si Kim Chiu sa biro ni Vice, “Andiyan si Tita Cory.”

VICE AND BILLY REMAIN FRIENDS DESPITE NETWORK TRANSFER IN 2020

Noong September 2020, nag-guest pa si Billy at ang asawa nitong si Coleen Garcia sa online talk show ni Vice.

Continue reading below ↓

Dito ay sinabi ni Vice na nananatili silang magkapamilya kahit na hindi na sila magkatrabaho sa iisang network at programa.

Paniniyak ni Vice kay Billy noon, “I love you, at gagalingan mo sa mga gagawin mong trabaho.

"At alam mo, sa pamilya, di ba, meron kang kapatid na lilipat ng bahay.

“Pero hindi porke’t lilipat siya ng bahay, hindi mo na siya kapatid, hindi mo na siya kapamilya, hindi mo na siya mahal.

“Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo magpunta, magkakapamilya... Family kita... At mahal na mahal kita.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag nina Billy at Vice Ganda tungkol sa balitang ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Why did Billy Crawford and Vice Ganda unfollow each other on Instagram?
PHOTO/S: @billycrawford / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results