Palace spox Harry Roque resigns, files COC for senator after failed ILC bid

by Arniel C. Serato
Nov 15, 2021
Harry Roque files COC for senator
Former Presidential Spokesperson Harry Roque files his candidacy for senator after his last Palace briefing today, November 15: "Babalik po sana tayo sa Kongreso ng Pilipinas doon po sa kamara ng Senado.”
PHOTO/S: Courtesy: Philippine News Agency on Facebook

Nagpaalam na si Harry Roque sa kanyang tungkulin bilang Presidential Spokesperson upang tumakbong senador sa 2022 elections.

Sa kanyang pamamaalam sa Malacañang Press Corps at sa staff niya sa Office of the Presidential Spokesperson (OPS) ngayong Lunes, November 15, pigil ang luha ni Roque.

Sabi niya, “Ito na po ang huling araw na makakasama niyo ako bilang inyong presidential spox, IATF spox, at spox ng bayan.

“Kung inyong matatandaan, bumalik naman po ako bilang spox sa gitna ng pandemya noong isang taon para magbigay-linaw sa panahon ng kalituhan.

“Masaya akong mission accomplished na po tayo, ha? Iiwan ko ang trabaho ko na mas mabuti kumpara sa ating nadatnan.”

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagbitiw si Roque bilang presidential spokesperson para tumakbong senador. Noong 2019 ay nagbitiw siya para sana makakuha ng puwestgo sa Senado, pero nag-withdraw siya dahil umano sa kanyang heart condition.

Sa kanyang pagtakbo ngayong 2022 elections, isusulong daw ni Roque ang “Ingat-buhay Para sa Hanapbuhay” bilang bahagi ng kanyang plataporma sa pagtakbo bilang senador.

Continue reading below ↓

Aniya, “Kinakailangan po mag-ingat-buhay para sa hanapbuhay at ‘yan naman po ang dahilan kung bakit babalik tayo sa larangan ng pulitika. Babalik po sana tayo sa Kongreso ng Pilipinas doon po sa kamara ng Senado.”

ON FAILED ILC BID

Ayon kay Roque, hindi ang pagkabigo niyang makakuha ng puwesto sa International Law Commission (ILC) ang nag-udyok sa kanyang tumakbong senador.

Ang angkla raw ng kanyang pagtakbo ay ang pangako niya noong tatakbo siyang senador kung tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa isang national position.

Noong Sabado, November 13, naghain ng kanyang certificate of candidacy via substitution si Mayor Sara sa pagka-bise presidente.

Inendorso naman ni Mayor Sara ang kandidatura ni Roque.

Pahayag ni Mayor Sara sa isang maiksing video, “Si Harry Roque, ang ating Palace spokesperson, ay magiging Senate action man.

"Ibigay natin ang todo at buong suporta natin para sa kaniyang kandidatura para sa Senado. We will see you in the Senate Senator Harry Roque.”

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng press briefing, diretso na si Roque sa Comelec para maghain ng kanyang kandidatura sa ilalim ng People's Reform Party (PRP).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Presidential Spokesperson Harry Roque files his candidacy for senator after his last Palace briefing today, November 15: "Babalik po sana tayo sa Kongreso ng Pilipinas doon po sa kamara ng Senado.”
PHOTO/S: Courtesy: Philippine News Agency on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results