Pagtakbo ni Sara Duterte sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections, kasado na?

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2021
Davao City Mayor Sara Duterte with brother Baste
Davao City Mayor Sara Duterte umatras sa pagtakbo bilang reelectionist. Ngayong Martes, November 9, inanunsiyo ni Sara na kapalit niya sa kandidatura ang nakababatang kapatid na si Baste Duterte.
PHOTO/S: Facebook

Ngayong Martes, November 9, mainit ang pagtanggap ng GMA Network Inc. sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz na kasing-init din ng pagsalubong ng Kapamilya Channel executives at ni Coco Martin kay Sharon Cuneta na opisyal nang miyembro ng cast ng Ang Probinsyano.

Sa Davao City, may sariling eksena ang Duterte siblings na sina Mayor Sara Duterte at Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte.

Kapwa binawi ng magkapatid ang kanilang mga kandidatura bilang re-electionist mayor at vice mayor, respectively, ng kanilang lungsod para sa halalan sa May 9, 2022.

Unang nag-withdraw si Baste ng kandidatura sa pagka-bise-alkalde na kinumpirma niya sa pamamagitan ng isang official statement.

Pahayag ni Baste: "I have filed my withdrawal as Vice Mayor candidate of Davao City. I hereby nominate Atty. Melchor Quitain Jr. as my substitute.

"I am deeply grateful to the Dabawenyos for the support they have given me all this time. I have no other details to share at the moment. Thank you."

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng kalinawan ang naging aksyon ni Baste nang ideklara ni Mayor Sara sa official Facebook page nitong hindi na siya kakandidatong alkalde ng Davao City dahil ang nakababatang kapatid niya ang papalit sa kanyang posisyon.

"Ngayong hapon wini-withdraw ko ang aking kandidatura sa pagka-Mayor ng Davao City.

"Si VM Baste ang papalit sa akin. Ito lamang po muna. Maraming salamat po," pahayag ni Mayor Sara.

Continue reading below ↓

Ang pagbawi ni Mayor Sara sa certificate of candidacy bilang mayor ang lalong nagpatibay sa matagal nang haka-hakang na tatakbo siya para sa mas mataas na posisyon sa halalan sa 2022.

Hinihintay ng lahat ang pormal na anunsiyo ni Mayor Sara sa November 15 dahil ito ang huling araw na puwedeng magpalit ang mga political party ng kanilang mga kinatawan para sa national at local elections.

Maraming beses sinabi noon ni Mayor Sara na hindi siya tatakbong pangulo ng bansa, pero marami ang naniniwalang kakandidato siyang bise presidente ng presidential aspirant na si Bongbong Marcos.

Nagkita at nag-usap ang dalawa sa Cebu City noong October 23, 2021.

May mga kumbinsidong si Mayor Sara ang magiging substitute candidate ni Senator Bong Go, na nag-file ng certificate of candidacy noong October 2, 2021 bilang pangalawang pangulo.

Lalo pa't ngayon ding Martes ay naghayag si Go na may pagbabago sa plano niyang kumandidato bilang bise presidente.

Continue reading below ↓

Bahagi ng anunsiyo ni Go: "Maaring may magbabago sa mga tatakbong posisyon sa mga darating na araw, ang problema po dyan kailangan umiwas, gustuhin ko man pong magsilbi sa inyo bilang bise presidente dahil sa kagustuhan ng mahal na pangulo, kailangan ko pong umiwas, malalaman niyo po yun sa mga darating na araw."

Pero malalaman ng buong bansa ang buong katotohanan sa darating na Lunes, November 15, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Davao City Mayor Sara Duterte umatras sa pagtakbo bilang reelectionist. Ngayong Martes, November 9, inanunsiyo ni Sara na kapalit niya sa kandidatura ang nakababatang kapatid na si Baste Duterte.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results