Rodjun Cruz, Dianne Medina show support for Rayver after reported breakup with Janine Gutierrez

by Rachelle Siazon
Nov 16, 2021
Amid breakup with Janine Gutierrez, Rayver Cruz gets support from Rodjun Cruz and Dianne Medina.
Rodjun Cruz and Dianne Medina seen on video call with Rayver Cruz (right photo) amid the reported breakup of The Clash host with Kapamilya actress Janine Gutierrez (in black dress, center). Dianne also posted a throwback photo of her and Rayver hugging (left) during Dianne's wedding with Rodjun in 2019.

Isang mahigpit na virtual hugs ang ipinaabot ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina kay Rayver Cruz.

Ito ay matapos lumabas ang balitang hiwalay na ang long-time couple na sina Rayver at Janine Gutierrez.

Si Rayver ay nakababatang kapatid ni Rodjun.

Lunes, November 15, kinumpirma ng reliable source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang buwan nang break sina Rayver at Janine.

Ayon pa sa source, walang third party na sangkot sa hiwalayan. Sadyang nawalan daw ng oras ang couple sa isa't isa.

Si Janine ay bida sa ongoing teleserye na Marry Me, Marry You ng Kapamilya Channel, habang si Rayver ay co-host sa reality talent search na The Clash ng GMA-7.

Tikom pa ang bibig sa ngayon sina Rayver at Janine sa isyu.

Kapansin-pansin namang burado na sa Instagram account ni Rayver ang karamihan sa couple pictures nila ni Janine.

Ang natira na lang ay ang ipinost ni Rayver na solo picture ni Janine nang manalo itong Gawad Urian Best Actress noong November 2020.

Continue reading below ↓

Hindi rin binura ni Rayver ang litrato nila ni Janine na kuha sa birthday ng Kapuso actor-host noong July 2019.

Sa Instagram feed ni Janine ay makikita pa rin ang ilang litrato nila ni Rayver.

Parehong 32 years old sina Rayver at Janine.

BOOSTING RAYVER AMID BREAKUP WITH JANINE?

Kapansin-pansin ang magkakasunod na touching messages nina Rodjun at Dianne para kay Rayver.

Walang direktang tinukoy sina Rodjun at Dianne kung ano ang nag-udyok ng kanilang posts para kay Rayver.

Pero mahihinuhang pinalalakas nila ang loob ni Rayver base sa mga salitang binitiwan nila.

Una na rito ang Instagram post ni Dianne na may kalakip na litrato ni Rayver na kuha sa kasal nina Dianne at Rodjun noong 2019.

Sa loob ng 14 years na relasyon nina Dianne at Rodjun ay kapatid na rin ang turing ni Dianne kay Rayver.

Sabi ni Dianne sa caption, "I love you @rayvercruz always and forever."

Continue reading below ↓

Dianne Medina hugging Rayver Cruz during Dianne's wedding with Rodjun

RODJUN TELLS RAYVER: "GOT YOUR BACK ALWAYS!"

Sinegundahan iyon ni Rodjun.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, nag-post si Rodjun ng video ni Rayver na nagsasayaw.

Kalakip ng mensahe ni Rodjun ang salitang "My King" pati emojis na crown, heart, at prayer.

Halos ganoon din ang post ni Rodjun sa Tiktok.

Continue reading below ↓

Dagdag na mensahe lang ni Rodjun para kay Rayver: "Got your back always! proud of you my brother @rayvercruz.

"Madaming nagmamamahal sayo at Sobra kang blessed dahil napakabuti mo. #Cruzbrotherspresent."

Rodjun Cruz message for brother Rayver Cruz

Todo ang suporta ng mag-asawa kay Rayver dahil makikitang nag-video call pa ang mga ito.

Kung anuman ang pinag-usapan ng tatlo, ang tanging malinaw ay solid sila bilang pamilya.

Continue reading below ↓

Video call between Rayver Cruz, Rodjun Cruz and Dianne Medina

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rodjun Cruz and Dianne Medina seen on video call with Rayver Cruz (right photo) amid the reported breakup of The Clash host with Kapamilya actress Janine Gutierrez (in black dress, center). Dianne also posted a throwback photo of her and Rayver hugging (left) during Dianne's wedding with Rodjun in 2019.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results