Netizens question authenticity of Rico Yan’s old letter to Claudine Barretto; actress reacts

by Arniel C. Serato
Nov 16, 2021
Netizens question authenticity Rico Yan letter
Claudine Barretto denies fabricating an old letter allegedly from late boyfriend Rico Yan: "No, not my writing."
PHOTO/S: COURTESY: RESTORED BY DEXTER MENDOZA ON FACEBOOK (HTTP://WWW.FACEBOOK.COM/IAMDEXTERDEO)

Ilang oras matapos kiligin ang loyal fans ng dating magka-love team nina Claudine Barretto at Rico Yan dahil sa ipinost ng aktres na lumang sulat umano sa kanya ng dating kasintahan, tila may duda naman ang ilang netizens kung sulat ba talaga ito ng yumaong matinee idol.

Iba raw kasi ang penmanship ni Rico base na rin sa mga dating sulat nito na ibinahagi ng aktres sa social media.

Netizens question authenticity of Rico Yan old letter to Claudine Barretto

Continue reading below ↓

Ang ipinagtataka pa ng iba, bakit tila bago raw ang hitsura ng bond paper na ginamit sa sulat na ipinost ni Claudine gayong ang petsa nito ay "09 7 98" (September 7, 1998) o mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas

Sabi ng isang netizen: “1998 pa ang sulat pero mukhang bago pa din ang papel at parang ngayon lang isinulat. Hindi naluma.”

Pagsang-ayon naman ng isa pang nagkomento: “yeah. And I know Rico was inglesero and maybe very particular with his grammar when he wrote. He actually graduated from De La Salle University."

Netizens question authenticity of Rico Yan old letter to Claudine Barretto

Continue reading below ↓

Isa namang netizen ang diretsong tinanong ang aktres kung sulat kamay ba niya ito: “@claubarretto it is your penmanship po miss clau i think but did he somehow wrote or said this to you?? [crying emoji]”

Sinagot ito ni Claudine.

Aniya, “my penmanship po is ASSUPTION PENMANSHIP PO"

Netizens question authenticity of Rico Yan old letter to Claudine Barretto

Tanong naman ng isa pa, “Aww, di RY wrote this po ba? [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Tugon ni Claudine, “yes po”

Netizens question authenticity of Rico Yan old letter to Claudine Barretto

"NOT MY WRITING"

Hindi naman mapigilan ng isang netizen ang kanyang damdamin na kuwestiyunin ang in-upload ni Claudine na sulat umano ni Rico.

Parang magkapareho raw kasi ang penmanship sa sulat na ipinost ni Claudine sa handwritten letter ng aktres para sa mga magulang niya noong April 2018.

Continue reading below ↓

Komento ng nasabing netizen (published as is), “Kita ko lang po na same penmanship nung letter na binigay mo for your mam and it's different from rico's. and the paper looks new when it's been 19yrs since he passed away.

“No hate po, i am a big fan of ur loveteam but just wanna ask if did write this and pinost or cinopy nyo lng. Much love po @claubarretto

Tanggi ni Claudine, “no not my writing.”

Netizens question authenticity of Rico Yan old letter to Claudine Barretto

Continue reading below ↓

Sa diumano'y lumang liham ni Rico kay Claudine, sinabi ng yumaong aktor na hindi siya makapaniwalang magkarelasyon na sila.

May petsa itong September 7, 1998, halos anim na buwan mula nang sila ay umaming may relasyon noong March 4, 1998.

Mababasa sa sulat umano ni Rico (published as is):

“Hunny,

“Just wanted you to know that you are the Best thing that has happened in my life.

“You Are My Life! While i watch you sleep i cant believe your mine.

“Thank You For Being my ROCK!

“and Hunny “YOU ROCK”

“I Love You Very Much

"Hunny.”

Naghiwalay sina Claudine at Rico sa mismong araw ng kanilang ika-apat na anibersaryo, March 4, 2002.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto denies fabricating an old letter allegedly from late boyfriend Rico Yan: "No, not my writing."
PHOTO/S: COURTESY: RESTORED BY DEXTER MENDOZA ON FACEBOOK (HTTP://WWW.FACEBOOK.COM/IAMDEXTERDEO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results