Chie Filomeno's brother hits back at bashers of PBB housemate

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2021
Rio Filomeno defends sister Chie against bashing
Rio Filomeno (left) on sister Chie Filomeno: "My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person."
PHOTO/S: Courtesy: Rio Filomeno on Facebook / @chiefilomeno on Instagram

Matapang na dinepensahan ni Rio Filomeno ang kapatid na si Chie Filomeno kaugnay ng bashing na natanggap ng dating GirlTrends member kasunod ng nomination night sa Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 noong Linggo, November 14.

Hindi naging maganda ang dating kay Rio ng mga sinabi ng housemate ni Chie na si Daisy “Madam Inutz” Cabantog, ang social media personality na nakilala sa pagbebenta ng ukay-ukay online.

Sa botohan para sa eviction night sa darating na Sabado, November 20, napukaw ang atensiyon ng netizens kung bakit niya binigyan ng dalawang puntos ni Madam Inutz si Chie.

Sabi ni Madam Inutz: “Binibigyan ko ng two points si Chie, ready na siya. Ready na siyang umalis kasi wala naman siyang ginawa. Wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda.”

Dahil dito, nag-trending ang sikat na online seller-turned celebrity kasabay ng pagbatikos naman ng netizens kay Chie.

“FALSE ACCUSATIONS”

Hindi na marahil nakatiis si Rio sa online bashing na natatanggap ng kapatid kaya ipinagtanggol niya si Chie sa pamamagitan ng Facebook post kahapon, November 16.

Continue reading below ↓

Ayon kay Rio, hindi deserve ni Chie ang online hate na natatanggap nito ngayon.

Kung alam lamang daw ng mga tao kung gaano ka-genuine ang kapatid at ang pagsisikap nito upang maitaguyod ang kanilang pamilya sa murang edad nito.

Saad ng kapatid ni Chie, “Let your actions contradict what they’re saying.

“My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person.

“Wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba. Started being a breadwinner at a very young age and has faced a lot of false accusations but still remained to see the good in them.”

Patuloy pa rin daw nagiging biktimang pang-aalipusta si Chie sa social media mula sa mga taong walang magawa sa buhay.

Ikinadismaya rin ni Rio na marami sa mga kumukutya sa kapatid ay kapwa nito babae.

Pahayag niya, “My sister is still facing cyber bullying, body shaming and misogyny from nasty people in all different social media platforms with them not knowing who she really is.

Continue reading below ↓

“Cyber bullying just became a trend to them to join in the bandwagon of hating someone. All they have is yung mga false accusations nila and napaka unfair ng judgement nila.

“Ang masama din dito KAPWA BABAE pa nag bobody shame and nag spread ng misogyny about her.”

Ipinagmalaki ni Rio ang naging ambag ng kanyang kapatid sa daily challenges sa loob ng PPB house.

Pag-e-enumerate niya, “1st week: Choreographer ng play.

“2nd week: Yung team nila nila Aly ang naglalagay ng blocks lagi, never kong nakita tumunganga si Chie magkuskos ng kahoy.

“3rd week: task leader, arranged the sched of 300 orders alongside with Eian and Alexa, made the Ramen, PLUS they won this weekly task.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rio Filomeno (left) on sister Chie Filomeno: "My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person."
PHOTO/S: Courtesy: Rio Filomeno on Facebook / @chiefilomeno on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results