Ritz Azul marries first and last boyfriend Allan Guy

by Nikko Tuazon
Nov 20, 2021
Ritz Azul, wedding with ALlan Guwi
On Saturday, November 20, 2021, Kapamilya actress Ritz Azul marries her first and last boyfriend Allan Guy in an intimate ceremony held at Alphaland Baguio Mountain Lodges.
PHOTO/S: @markanthonyrosales on Instagram

Ikinasal na ang ABS-CBN actress na si Ritz Azul 27, sa kanyang first-and-last boyfriend na si Allan Guy, 31.

Ritz Azul, wedding with Allan Guwi

Ginanap ang kasal ng dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges nitong Sabado, November 20, 2021.

Ritz Azul marries Allan Guwi

Continue reading below ↓

Nagmistulang diwata sa ganda si Ritz sa suot nitong wedding gown na idinisenyo ng fashion designer na si Mak Tumang.

Kabilang sa kanyang glam team ang make-up artist na si Jason delos Reyes at hairstylist na si Mark Anthony Rosales.

Ibinahagi ni Mark sa kanyang Instagram ang ilang litrato ni Ritz habang naghahanda para sa kanyang kasal.

Caption nito: "RITZ AZUL Wedding [emoji] #MarkedBride #Bride #Wedding"

Continue reading below ↓

Samantala, makikita sa isang litrato si Miles Ocampo, na kabilang sa bridesmaids.

Miles Ocampo at Ritz Azul's wedding

RITZ AND ALLAN'S RELATIONSHIP

"No Boyfriend Since Birth" (NBSB) si Ritz bago nito nakilala si Allan.

Noong September 2018, sa press conference ng pelikula nila ni Pepe Herrera na The Hopeful Romantic, unang ibinunyag ng aktres na mayroon nang nagpapatibok ng kanyang puso.

Continue reading below ↓

Kuwento niya noon tungkol kay Allan, "Ngayon, may ini-entertain na ako, dating, and he’s not from showbiz. Nag-start lang sa barkada.

"Hindi ko binibilang iyong romantic date. Cowboy kasi ako, e, mostly nga kasama naman iyong friends," sabi ni Ritz.

Dagdag niya, "Kasi for the past few years, focused ako sa career. Mas inisip ko kasi iyong ibang bagay kesa sa personal kong buhay.

"Ako kasi, masyado akong futuristic mag-isip kaya medyo naiwan ko iyong side na iyon sa kabataan ko.

"Saka nung time na yun, naghihintay ako ng guy na hindi makakaabala sa ginagawa ko, kumbaga, susuporta pa rin. So far, iyong guy na ito, sumusuporta siya."

Noong June 20, 2020, inanunsiyo ng Kapamilya star sa kanyang Instagram account na engaged na sila ng kanyang kasintahan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Saturday, November 20, 2021, Kapamilya actress Ritz Azul marries her first and last boyfriend Allan Guy in an intimate ceremony held at Alphaland Baguio Mountain Lodges.
PHOTO/S: @markanthonyrosales on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results