PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza answers Ogie Diaz's suggestion

Kuya Kim tells Ogie Diaz that he is not allowed to campaign for anyone.
by Bernie V. Franco
Published Nov 22, 2021
kim atienza versus ogie diaz
Kim Atienza (left) tells Ogie Diaz that as a news and public affairs personality, he is not allowed to campaign for anyone, even his own father Lito Atienza, who is running for vice president in 2022 elections.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram / YouTube (Ogie Diaz)

Sinagot ni Kim Atienza ang suhestiyon ni Ogie Diaz sa kanyang ikampanya na lamang ang ama niyang si Bayan Party-list Representative Lito Atienza sa 2020 elections.

Kumakandidatong vice president si Lito Atienza, ka-tandem ang presidentiable na si Senator Manny Pacquiao.

Nitong November 19, 2021, isa sa mga tinalakay ni Ogie sa kanyang YouTube channel ay ang pagiging laman ng balita ni Kuya Kim dahil sa pagsagot nito sa bashers.

Kaugnay ito ng komento ni Kuya Kim sa post ng co-host niya sa Mars Pa More na si Camille Prats, kung saan binati niya ang kapatid na si John Prats sa pagiging bagong direktor nito ng Kapamilya prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Binati ni Kuya Kim si Camille at sinabing iniwas talaga si John sa “sakit ng ulo.”

Pakiwari ng ilang netizens, ang tinutukoy ni Kuya Kim na “sakit ng ulo” ay ang It’s Showtime.

Bago ang FPJ’s Ang Probinsyano, si John ay pansamantalang naging direktor din ng It’s Showtime, na dating kinabibilangan ni Kuya Kim noong nasa ABS-CBN pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inakusahan ng bashers si Kuya Kim na "bitter" at sinabihan pang sumikat at yumaman lamang daw siya dahil sa ABS-CBN.

Sumagot si Kuya Kim upang linawing hindi niya pinapatamaan ang kanyang It’s Showtime family.

Alam daw kasi ni Kuya Kim ang pressure noon ni Direk Bobet Vidanes bilang dating It’s Showtime director.

KUYA KIM ANSWERS OGIE

Sa kanyang YouTube channel noong November 19, binasa ni Ogie ang komento ng isang netizen na pinayuhan si Kuya Kim na sa halip na sagutin ang bashers ay tulungan na lang nito ang ama sa pangangampanya.

Nagbigay rin ng kanyang saloobin si Ogie bilang pagsang-ayon siya sa netizen.

Aniya, “Dapat talaga, tinutulungan na lang ni Kuya Kim i-post niya yung daddy niya.”

Sa pamamagitan ng Twitter nitong Linggo, November 21, sinagot ni Kuya Kim si Ogie.

Naka-attach dito ang headline story na: “Ogie may advice kay Kuya Kim: Tulungan mo na lang ang tatay mo”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos kumustahin ang dating kasamahan sa ABS-CBN ay ipinaliwanag ni Kuya Kim na gustuhin man niyang ikampanya ang ama ay hindi maaari dahil labag ito sa panuntunan ng GMA News, kung saan ngayon kabilang si Kuya Kim.

Tweet ni Kuya Kim kay Ogie: “Kumusta ka na? Congrats sa YouTube mo, very successful!

“Ogs, Kahit gusto kong tulungan ang Dad ko at kahit sinong kandidatong gusto ko, binabawal ng @gmanews ang any political activity such as campaigning lalo na sa kamag anak.

“Be well dear @ogiediaz”

kuya kim ogie diaz

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpaliwanag naman si Ogie sa pamamagitan din ng Twitter.

Sabi ng talent manager/entertainment columnist, “Sabi yan ng isang netizen, kuya kim. I just verbalized it. I know sa news talaga, bawal ang kampanya. Ingat ka din. [face with heart eyes emoji]”

ogie diaz versus kim atienza

Pinasalamatan ni Kuya Kim si Ogie, indikasyong hindi siya nakikipag-away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Kuya Kim, “salamat. @ogiediaz is a friend. We’ve worked together for many years.”

ogie diaz versus kuya kim

KUYA KIM DEFENDS ABS-CBN

Nagsunud-sunod din ang komento ng netizens. Kabilang dito ang mga patutsada kina Kuya Kim at Ogie, maging sa kinabibilangan nilang networks na GMA-7 at ABS-CBN, respectively.

Sinagot ni Kuya Kim ang isang netizen na kumampi sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halatang may parinig din ang netizen sa TV network na may kinikilingan umanong mga pulitiko. Hindi nito binanggit kung anong network ito.

Sabi ng netizen: “Ganyan ang GMA bawal mangampanya kahit kamag-anak pa.. Hindi kasi yan kagaya ng ibang network na may kinikilingan at sinusuportahan.. Lalo na kapag panig sa paniniwala nila.. stay safe kuya Kim..”

Sa sagot ni Kuya Kim, ipinagtanggol niya ang ABS-CBN.

Sabi niya, kagaya ng kinabibilangan niya ngayong network, may code of ethics din ang Kapamilya network pagdating sa election season.

Tweet ni Kuya Kim, “Also ABS naman, ABS news code of ethics prohibits reporters and anchors from campaigning for their respective candidates.

ogie diaz abs cbn

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Kuya Kim ay lumipat sa GMA-7 noong October 2021, matapos ang 17 taon sa ABS-CBN.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza (left) tells Ogie Diaz that as a news and public affairs personality, he is not allowed to campaign for anyone, even his own father Lito Atienza, who is running for vice president in 2022 elections.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram / YouTube (Ogie Diaz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results