PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lito Atienza is the running mate of Manny Pacquiao in 2022

Pagtakbo ni Atienza bilang vice president, isang malaking sorpresa.
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2021
Si Buhay Partylist Representative at dating Manila Mayor Lito Atienza (kanan) ang napili ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na maging running mate sa 2022 elections. Nagsumite na ng kanilang COC ang dalawa ngayong Biyernes, October 1, 2021.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

Si Senator Manny Pacquiao ang unang presidential aspirant na naghain ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections sa Sofitel Philippine Plaza Manila, Pasay City, ngayong umaga, October 1.

Kasama ni Pacquiao sa paghahain ng kandidatura nito sa pagkapangulo sa 2022 elections ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao at ang running-mate niyang si Buhay Party-list Representative Lito Atienza.

Marami ang nasorpresa sa Pacquiao-Atienza tandem dahil walang pahiwatig na tatakbo bilang bise-presidente ng bansa ang dating alkalde ng Maynila at environment secretary sa administrasyon ni former Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo.

Malaki ang naitulong ni Atienza kay Pacquiao noong struggling boxer pa lamang ito kaya pangalawang ama ang turing sa kanya ng Pambansang Kamao.

Si Atienza ang isa sa mga pinasalamatan ni Pacquiao nang mag-anunsiyo ito ng pagreretiro sa boxing dahil naging bahagi ng kanyang tagumpay ang pinili niyang bise presidente sa eleksyon sa 2022.

Magkasama at magkasabay na naghain ng kandidatura sina Pacquiao at Atienza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trending ngayon sa social media ang pangalan ni Atienza dahil marami ang nagulat sa desisyon niyang maging running mate ng Filipino boxing hero na nangangarap maging Pangulo ng Pilipinas.

Nangyari ang paghahain ni Atienza ng certificate of candidacy sa huling araw sa TV Patrol ng kanyang anak na si Kim Atienza, na ilang araw nang laman ng mga balita.

Tulad ng pagkandidato ni Atienza bilang pangalawang pangulo, ikinagulat ng publiko ang pasya ni Kim na magpaalam sa Kapamilya Network para lumipat sa GMA-7.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Buhay Partylist Representative at dating Manila Mayor Lito Atienza (kanan) ang napili ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na maging running mate sa 2022 elections. Nagsumite na ng kanilang COC ang dalawa ngayong Biyernes, October 1, 2021.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results