PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB clears TJ Valderrama from "malicious" harassment allegation

Madam Inutz: "Problema nasa labas. Makitid ang utak!"
by Rachelle Siazon
Published Nov 22, 2021
TJ Valderrama and Shanaia Gomez; PBB housemates open forum
Contrary to netizens' harassment allegation, Shanaia Gomez (in bathrobe, left photo) says she considers TJ Valderrama (in bandana, left) like a big brother. PBB's November 22 episode (upper and lower right photos) shows the housemates in an open forum after Big Brother reminded them to set boundaries in the way they interact with each other.
PHOTO/S: Screengrab from PBB Kumunity Season 10

Inihayag ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 female housemates na walang isyung harassment na nagaganap sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Kaugnay ito ng tinawag ni Toni Gonzaga na "malisyosong alegasyon" ng ilang netizens kaugnay ng pakikitungo ni TJ Valderrama kay Shanaia Gomez.

Si TJ, 35, ay dating contestant ng "Funny One" segment sa It's Showtime at naging bahagi ng iWant TFC comedy programs na John En Martian at Hoy, Love You.

Si Shanaia, 19, ay bahagi ng Rise Artists Studio o pool of stars ng ABS-CBN Films katuwang ang Star Magic.

Noong Sabado, November 20, nag-trend ang "FORCEEVICTTJ" dahil hindi nagustuhan ng netizens ang anila'y pagiging "extra touchy" ni TJ.

May iba pang nagsabing maituturing na "harrassment" umano ang kilos nito.

Si Toni ang main host ng PBB.

Ngayong Lunes ng gabi, November 22, binasa ni Toni ang opisyal na pahayag ng PBB hinggil sa isyu:

"Ang harassment ay isang bagay na di palalampasin ni Kuya kailanman, lalo na kung ito ay may patunay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngunit mismong ang mga housemate na ang nagsabing walang anumang nagaganap na ganito sa loob ng bahay.

"Nawa'y mas maging mapanuri at responsable ang lahat sa social media, at huwag manghusga lalo na kung hindi sapat at tama ang konteksto at impormasyon."

Bago ang mensaheng ito ni Toni, ipinakita muna ang naging pag-uusap ng PBB housemates.

Hiwalay na ipinatawag ni Kuya ang grupo ng male housemates at grupo ng female housemates.

Hindi diretsahang binanggit ni Big Brother ang isyu sa outside world, pero inalam niya muna kung paano ang turingan ng housemates sa isa't isa.

Iisa ang sagot ng male at female housemates: nakahanap sila ng kaibigan at kapamilya sa tindi ng bonding nila sa Bahay Ni Kuya.

WHAT THE MALE HOUSEMATES TOLD BIG BROTHER

Simula ni Brenda Mage, "We're very touchy. Kahit bakla ako, Kuya, di sila naiilang sa akin na mag-hug, mag-touch-touch ng mga ganun."

Segunda ni Kyle Echarri, "Sobrang kumportable na kami sa isa't isa. Walang hiyaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsalita rin si TJ na kumportable siya sa pagpapakita ng appreciation sa kapwa housemates.

Ani TJ, "Ganun din po. Yakap, akbay — the usual show of appreciation din."

Paglalarawan pa ni Jordan Andrews, "Every morning, not just the boys, we miss the girls, too.

"So we give them a hug every morning. 'Good morning! Miss you.'"

Kasabay nito ay may ipinapakitang video clips kunsaan ma-hug nga ang housemates.

Sa kaso ni TJ, makikita ang iba-ibang pagkakataong niyakap nito ang kapwa housemates, mapa-lalaki o babae.

WHAT THE FEMALE HOUSEMATES TOLD BIG BROTHER

Halos ganoon din ang kuwento ng female housemates sa loob ng Confession Room ng ipatawag sila ni Big Brother.

Nang tanungin ni Big Brother kung sinong male housemate sila pinakakumportable o pinakamadalas nilang kausap, apat sa female housemates ang nagsabing malapit sila kay TJ.

Kuya na raw kasi ang tingin nila rito.

Sabi ni Anji Salvacion, "I feel I'm comfortable kay Kuya TJ kasi he's like my big, big brother na talaga, Kuya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mababanaag din kay Alexa Ilacad na magaan ang pakiramdam niya kay TJ.

Sabi ni Alexa, "Si Kuya TJ po. Meron na kaming parang telephatic communication na nabuo.

"At he always tells me na I remind him of his real sister in life. Para sa akin naman, he's the kuya I've always wished for since bata ako."

Halos ganoon din ang sagot ni Shanaia.

"Common denominator—Kuya TJ, Mama Brends.

"Caring po sila. They always come to the rescue. Parang kuya na talaga sila sa akin so I'm really, really happy."

Sabi naman ni Samantha, "Kasi sila Kuya TJ and Mama Brenda, sila yung tumatayong nanay at tatay namin, bukod kay Madam, sa loob ng bahay niyo.

"Kaya naging malapit kami at nagkaroon kami ng koneksiyon sa kanila."

HOT STORIES

BIG BROTHER TELLS HOUSEMATES TO "SET BOUNDARIES"

Malinaw sa mga tinuran ng boys and girls na walang malisya sa kanila ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pinaalalahanan sila ni Big Brother na mag-set ng boundaries para maiwasang ma-misinterpret sila ng ibang tao.

Sabi ni Big Brother: "Maganda ang pagpapakita ng appreciation at affection para sa isa't isa.

"Gusto ko lang sabihin na kayo ay mga public figures. Sana lang ay maging maingat kayo kung paano niyo ipinapakita ang appreciation niyo sa isa't isa.

"Dahil minsan, maaaring hindi ito maintindihan, lalo na kung di nila alam ang buong konteksto nito.

"Kung kinakailangan mag-set ng boundaries, gawin niyo ito."

OPEN FORUM AMONG HOUSEMATES

Sa huling bahagi ng episode, ipinakita na nag-open forum ang lahat ng housemates hinggil sa paalala ni Big Brother na magkaroon sila ng boundaries sa kanilang closeness sa isa't isa.

Sabi ni Jordan: "We all came out of a pandemic where we're all with the same people.

"So it's nice to be around these many people we call family now. We're all so close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But in this situation, what might be okay with you and how you are treated might not be okay with someone else."

Nilatag din ni Anji ang saloobin niya.

Aniya, "Kasi, yeah, we're all comfortable with each other. We hug, we say I love you to each other...

"But yung concern lang ni Kuya maybe people see it in a wrong way na."

Nainis naman si Madam Inutz dahil "mapanghusga" ang ilang tao sa outside world.

"Alam mo, walang problema dito. Problema nasa labas. Makitid ang utak!" bulalas ni Madam Inutz.

Sabi naman ni Samantha Bernardo, "And it's beyond our control that's why we can control now."

BEING MINDFUL OF THEIR ACTIONS

Ipinunto rin ni Eian Rances na maging mindful sila sa anggulo nila sa kamera para maiwasan ang maling interpretasyon sa mga kilos nila.

"Kasi dun nagsisimula yung bad edit at screenshots ng tao sa labas," ani Eian.

Sang-ayon si TJ dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni TJ: "We're in one house and family din tayo lahat. Di mo mapigilan na magpakita ng physical na affection.

"Ta's puwede rin na iba yung tingin, iba yung anggulo. Alam niyo na.

"Di kasi natin mapigilan yung sinasabi ng iba. Di natin mapipigilan yun."

Pinaalalahanan naman ni Shanaia ang housemates na kung may bagay na di sila kumportable ay sabihin agad.

"Tell that person, 'O, don't do that na lang,'" saad ni Shanaia.

Giit naman ni Samantha, "First of all, there's no harassment, there's no violation or there's no anything here."

Sa huli, umaasa si TJ na walang magbabago sa samahan nila kahit may boundaries na sila.

"Somehow makaka-damage yun sa relationship natin sa house. Magkakailangan 'yan for sure.

"E, ayaw din naman ni Kuya yun na mawala yung relationship natin sa isa't isa.

"We have to find that sweet spot na sakto lang. Pero di mawawala yung love natin or affection sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Contrary to netizens' harassment allegation, Shanaia Gomez (in bathrobe, left photo) says she considers TJ Valderrama (in bandana, left) like a big brother. PBB's November 22 episode (upper and lower right photos) shows the housemates in an open forum after Big Brother reminded them to set boundaries in the way they interact with each other.
PHOTO/S: Screengrab from PBB Kumunity Season 10
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results