Na-hack ang verified Facebook account ng Kapuso star na si Cassy Legaspi.
Sa kanyang Twitter account kagabi, November 22, nagbigay ng babala si Cassy sa kanyang followers na huwag nang pansinin ang Facebook account niya dahil iba na ang may hawak nito.
Sabi ni Cassy, “hi guys, Just wanted to warn you all that my Official Facebook page has been hacked. (Cassy Legaspi with a verified check).
“Please do not engage with any of their messages, that isn’t me responding and posting. My managers will be handling this. Stay safe everyone.”
Dagdag pa niya, kung anu-ano raw ang ipinu-post ng hacker sa kanyang dating account.
Kaya bilin niya, “so…dedmahin nalang natin yung Facebook page ko ngayon. Kung ano ano pinopost niya haha.”
Sa kanya namang Instagram, inanunsiyo ito ni Cassy base na rin daw sa rekomendasyon ng kanyang management na ipaalam sa publiko ang nangyaring pag-hack ng kanyang Facebook account.
Mayroon itong 7.3 million followers.
Sabi ni Cassy, “wanted to come on here and formally announce (as recommended by my management) that my official Facebook page HAS BEEN HACKED.
“if you see any posts or messages coming from that page, that is NOT me. To my yellow hearts and other people that have been in contact with the hacker, do not engage further.
“Stay safe and beware of online hackers.”
View this post on Instagram
Marami ang nanghinayang sa pagka-hack ng kanyang account dahil hindi madali makakuha ng milyun-milyong followers sa Facebook.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
