Aminado ang baguhang aktor na si Juan Carlos Galano na meron siyang nakalandian virtually.
“I’ve tried,” nakangiting sambit ng baguhang aktor sa launch ng Manila K-town Cha-Cha-Cha Fest 2021 nitong Nobyembre 19, Biyernes ng gabi, sa Remedios Circle, Malate, Manila.
Fortunately, wala pang nag-leak na sex chat niya…
“Wala naman. Wala naman! Ilang beses? I had my phase. Basically. Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ni Juan Carlos. Talaga?
“Yeah, yeah, yeah. Mukha lang baby boy, mukhang mabait, but I had my phase,” kaswal na sabi ng hunk actor, na nag-umpisa bilang commercial and print ad model.
“Kumbaga, I’m just 24, maaga na akong namulat sa mundo.”
Ilang taon siya nang namulat?
“Namulat? Ano pa lang ako, siguro high school pa lang. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Just in case, hindi na siya magugulat kapag may nag-leak siyang scandalicious video?
“Ah, hindi. Hindi naman sa may magli-leak. Sure ako dun na walang ano… wala akong nilalabas,” tugon ni Juan Carlos.
“But I would say, honestly, kung may mag-leak man, just let it be. Kasi, mabilis na ang tract of information ngayon, e. Ang delivery of ano sa social media, di ba?
“So, napakabilis din ng attention span ng tao. May lumabas man, e, di… OK, pagpiyestahan niyo.
“Pero I really wouldn’t mind it, kasi, hindi naman nakakababa yun ng ano ko, e, ng pagkalalaki ko or ng pagkatao ko.
“Kumbaga, OK, nakita niyo yung ano ko. I mean, it’s human anatomy, di ba? Kumbaga… hindi naman nakakahiya.”
Oh, he’s proud of it?!
“No! No! Hindi naman sa proud of it pero, kumbaga, parang… wala naman akong ano, wala naman akong dapat…
“Lalo na in this business, you have to be brave with everything,” sabi pa ni Juan Carlos, na last-minute replacement kay Vin Abrenica sa MMFF 2021 official entry na Nelia.
Ready si Juan Carlos na mag-art nude o erotica sa photo shoot, basta mapagkakatiwalaan niya ang mga photographer.
OBJECT OF FANTASY
Maituturing ba niya ang sarili na adventurous sa buhay?
“Ahh, yeah. I would say na sobrang adventurous ko. Kasi, bukod sa hilig ko yung extreme sports nga, especially surfing, yun ang pinaka-love ko ngayon,” sagot ni Juan Carlos.
“Nandito ako sa city, kung wala man ako sa dagat, kumbaga, swimming ang ginagawa ko talaga na workout.”
Pinagpantasyahan siya nang maging Bench Body model, lalo na iyong ibang endorser nito ay nagkaedad na at ibang brand na ang ineendorso.
“Well, ako naman, honestly, hindi ko masyadong napapansin, para sa akin. Siguro, I’m keeping my feet on the ground pa rin,” pagpapakumbaba ni Juan Carlos.
“Kung pinagpapantasyahan man ako, e, thankful naman din ako. Kasi, at least, effective tayo sa market.”
Maingat ba siya sa diet upang mapanatili ang ganda ng kanyang katawan?
“Well, when I was cutting… kumbaga, noong nagpapa-cuts talaga ako, may sinusunod ako na diet,” tugon ni Juan Carlos.
“Ang pinaka-mindful ako, e, yung caloric deficit ko sa diet. So, I try to maintain my calories below my maintenance calories basically.
“Na-achieve ko yun with the help of my trainer, of course… Honestly, ano nga, e… ngayon ang pinaka-peak ko.
“Nung nag-shoot kami ng Bench last August, I wasn’t with my trainer yet. Nag-invest kasi ako uli sa sarili ko.
“Sabi ko, ‘Sige na nga, kuha na tayo ng trainer para sa showbiz career ko.’ Then we focused on my aesthetics talaga, yun ang goal.
“So, building muscles and achieving that Bench Body physique. So, yun, binigyan niya ako ng guide for diet and workouts namin — through online lahat yun.”
INDECENT PROPOSALS
Wala pang nararanasang exploitation si Juan Carlos sa showbiz, lalo pa’t pinoprotektahan at pinangangalagaan siya ng ALV Management. Nakakatanggap siya ng indecent proposals ay sa Instagram.
“Maraming mga ganun. Usually I don’t really mind it coz kumbaga, dun lang naman sa message request ang mga yun, e,” pagkibit-balikat ni Juan Carlos, na lumabas sa ads ng Jollibee, Ginebra, Globe, Mitsubishi, at ManuLife.
“Kung may nakikita man akong… minsan kasi, may offer. Parang ang diskarte nila, they would offer you work.
“Tapos, yun pala, ang kasunod, ‘How much?’ ‘Sorry, I’m not open for business.’ Ganun. I don’t do that.”
Ano ang pananaw niya sa pagpatol, pakikipagtikiman, o pakikipagrelasyon sa kaparehong kasarian. May mga lalaking fluid…
“Ahh, gender fluid…”
Nakatatlong “hindi” nang biruin si Juan Carlos kung hindi ba siya ganun ka-adventurous. So, conservative pala siya?
“Hindi sa conservative. Well, the LGBT community can consider me an ally. Kasi, sobrang dami kong kaibigan na nasa spectrum ng LGBT,” paglilinaw ni Juan Carlos.
“And what I would say, kumbaga, as long as masaya sila, lalo na sa same-sex union or relationship…
“Kasi ako, nakikita ko, masaya yung mga kaibigan ko lalo na kapag nakita na nila yung partner nila, na nakikita nilang partner for life kumbaga.
“Well, ako naman kung tatanungin, kung adventurous ba ako and fluid ba ako? Ahh, I would ano, e… I would digress.
“Kumbaga, hindi talaga, e. Coz like… ahh, ano ba? Kumbaga, it’s just not for me. Basically.
“I love the gay community, everyone actually. Pero hindi talaga ako open to being in such relationship.”