PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu on removal of Bea Alonzo’s portrait from ABS-CBN hallway

Kim Chiu: "Ginawan pa ako ng issue."
by Bernie V. Franco
Published Nov 26, 2021
Kim Chiu Bea Alonzo photo abs cbn hallway
Kim Chiu (right) reacts after a gossip site linked her video to the removal of Bea Alonzo's photo along the ABS-CBN hallway.
PHOTO/S: @chinitaprincess, on Instagram / Twitter

Umalma si Kim Chiu matapos gawing isyu ang pag-post niya ng video ng pag-alis ng larawan ng isang artista sa ABS-CBN hallway.

Lumalabas na larawan ni Bea Alonzo ang tinanggal sa naturang slot.

Sa mga lumabas na larawan sa parteng iyon ng hallway, ang magkakatabi ay mga larawan nina Piolo Pascual, Bea, at Jericho Rosales.

Sa main building ng ABS-CBN, nakapaskil sa hallway ang portraits ng ABS-CBN stars na nakagawa ng pangalan sa showbiz noon at ngayon.

Bea Alonzo photo abs cbn hallway

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si video na ipinost ni Kim, makikitang bakante ang isang slot na katabi ng larawan ni Piolo.

Mapapanood na inaayos ng dalawang maintenance staff member ang slot na tinanggalan ng poster ni Bea.

Nadinig naman si Kim na nakikipagbiruan sa fellow It’s Showtime host na si Amy Perez.

Biro ni Kim, larawan ni Amy ang ilalagay sa bakanteng slot.

Ani Kim: “T’yang Amy, ikaw na next diyan. Asan na yung picture mo?

Biro ni Amy: “Ano ka ba?! Picture ko nga yung tinanggal!”

Maririnig ang malakas na tawa ni Kim.

Kim Chiu bea photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod niyon ay ipinakita ni Kim ang isa pang mas malaking slot na nabakante rin. Hindi tiyak kung kaninong photo ang tinanggal.

Kaugnay nito, naglabas ng artikulo ang isang gossip site na ganito ang titulo: “Kim Chiu Posts then Deletes Removal of Bea Alonzo’s Portrait along ABS-CBN hallway"

Ipinost ito nitong Huwebes ng gabi, November 25, 2021.

Ni-repost ito ni Kim kagabi rin at nag-react.

Aniya, “ginawan pako ng issue.”

Hirit pa ni Kim, “mag 2022 na powz. Peace and calm na lang tayey. [laughing with sweat emoji] pag keri. [laughing with sweat emoji] love love love!”

Kim Chiu video bea alonzo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsunud-sunod na ang mensahe ng netizens. Sabi ng mga kampi kay Kim, nilagyan lang ng kulay ang post ng actress-host.

May mga nagsabi ring insensitive si Kim sa ipinost niyang video.

Sabi naman ng iba, walang masama kung tanggalin ang portrait ng artistang lumipat na ng ibang TV network.

Si Bea ay pumirma ng exclusive contract sa GMA-7 noong July 2021.

Bago ito, dalawang dekada siyang naging Kapamilya artist.

Samantala, ngayong umaga ng Biyernes, November 26, 2021, ipinost ni Kim sa kanyang Instagram Story ang pinag-uusapang video.

Lumalabas na matapos i-delete ni Kim ang video kagabi, muli niya itong ipinost ngayong umaga.

May mga sumunod pang post si Kim, bilang pagsang-ayon sa kanyang supporters na nilagyan ng malisya ang pag-post niya ng video.

Payo ni Kim sa supporter niya na nanggigil sa mga nambatikos kay Kim: “Keri lang yan marsy!

“Mas maraming pwedeng isipin at pag laanan ng time like kung papano uulad ang buhay natin!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kim Chiu on Bea Alonzo photo

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu (right) reacts after a gossip site linked her video to the removal of Bea Alonzo's photo along the ABS-CBN hallway.
PHOTO/S: @chinitaprincess, on Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results